Tristan's POV"Dad! I don't want to go back to States! Damn it!" Kanina pa niya ako pinipilit!
Umuwi ka mag-isa mo."Tristan! It's for your own good. Makinig ka naman sa daddy mo." I'm sitting in my couch at alam kong galit sila.
"It's for my own good!? Really? Gusto niyo lang naman akong ipakasal kay Isabelle na alam ninyong hindi ko naman mahal!" I don't even love her pero pinipilit nila ako. Arranged marriage gano'n ba?
"Tristan, nakaplano na ang lahat. At bukas na bukas magsisimula ang kasal ninyo. Hindi ka na pwedeng umatras." Ibinato ko ang isang bote ng alak dahilan para lingunin ako ni Dad.
"What the fuck!? Sinabi nang ayoko!AYOKO.
Bakit niyo ba ako pinipilit? Ah! for our company ba? Bakit hindi na lang si kuya ang ipakasal ninyo!" But instead of answering me, napakalakas na sampal ang naramdaman ko mula kay dad kaya nilapitan ako ni mom."Are you stupid!? Kung pwede lang, hindi na kita ipipilit. Napakadaling gawin pero bakit hindi mo magawa?"
"Madali naman pala eh, bakit hindi kayo ang gumawa!?" Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa kotse ko. Pinaharurot ko ito papunta sa school.
___
"Wassup bro! Oh, anong nangyari sa mukha mo? Lol hahaha umagang-umaga nakabusangot. " I didn't bother to look at him dahil baka masapak ko lang. "Tuloy raw ba ang kasal ninyo bukas?Pfft tapos honeymoon ag--" Hinawakan ko siya sa kwelyo at bahagya siyang nagulat.
"Do you want to die!?" Binitawan ko siya at inayos naman niya ang nakusot na kwelyo.
"Easy, ha-ha-ha, nagtatanong lang eh." Isinuot ko ang headphones at nakinig na lang ng music. Mas mabuti na 'to kaysa ang makinig sa boring na discussions. Pero nagulat ako nang biglang may bumato sa'kin ng chalk. Wtf?
"Mr. Montenegro! Hindi porke mayaman ka ay hindi ka na makikinig sa klase! Gusto mo bang i-drop-out kita!?" In-off ko 'yong music at tumingin sa lecturer.
"Then do it," As if I care, kahit ibagsak mo pa ako.
"Bastos ka! Get out! Huwag na huwag kang papasok sa kla--" Hindi ko na siya pinakinggan at lumabas na ako ng room. Wala rin naman akong natututunan, why bother to listen pa?
Nakaupo ako sa labas at hinihintay ang susunod na subject."Hala! Late na ako, si kuya kasi nakakainis." I saw a girl na naglalakad, yeah she's pretty but not my type. And she's, so stupid. Kinakausap ang sarili. "Ahmm, kuya, start na ng klase bakit nandito ka pa sa labas?" Late na nga siya bakit kailangan pa niya akong kausapin? Kanina pa naka-off 'yong music pero nakasuot pa rin ang headphones ko. Kaya naririnig ko siya.
"Mind your own business," Mukha siyang tangang nakatingin sa'kin. Abnormal! " What are you looking at!?" She rolled her eyes at naglakad na paalis. Insane!
_____
Yanyan's POV
Nagtatanong lang ako bakit kailangan pang magsungit? May mind your own business, mind your own business pang nalalaman. Eh wala naman akong trabaho! Gwapo ka nga! Ang pangit naman ng ugali mo. Kadiri ka!
"Ms. Martinez! Why are you late!?Nakipaglandian ka ba sa ibang section!?" Hala! Anong landian naman ang sinasabi niya? May saltik din!
YOU ARE READING
Unequal Fate
RomanceMagkaiba man tayo ng tadhana ay pareho naman tayong masaya. Kahit pilit mong ibalik ay hindi na pwede. Because you're born with UNEQUAL FATE.