Chapter 12

2 0 0
                                    

Yanyan's PoV

Pagkapasok ko sa room ay hindi na ako mapakali.
Kinakabahan na ako sa results ng exam ko!
Pagkaupo ko ay lumapit agad sakin si Kriz.

"Excited na ako sa results!" Nakangiting bungad niya. Sana all excited.

"Good morning, class." Si ma'am Gomez. Siya ang adviser namin ngayong semester. " Here are the results of your exam."  Nakangiti ako pero kinakabahan na ako takte! "Martinez," Pumunta ako sa harap at kinuha ang papel ko. Dismayadong tumingin sa'kin si ma'am. Pagkabukas ko sa papel ko ay....
30/100 sa lahat ng subject. It means, hindi ako pasado. Lesson  learned: Magreview. Babawi na lang ako sa finals. 'tsaka first sem pa lang naman 'to. "Dianne, come to my office now." Nagtakang tumingin sa'kin si Kriz. Nagpeace sign ako at natawa siya. Tatawa ka, kasi ako ang manlilibre? Mukha mo! "What happened?" Nakatungo ako at tinitignan kung gaano kabasura ang test paper ko. "Hindi ka nagreview. Tama?" Tumango ako at umiling siya. Kapag ito nakita ni kuya Pau, jusme! Magagalit 'yon sa'kin.

"Babawi na lang po ako sa finals, ma'am." Tumango siya at ngumiti ako. Aalis na ako nang makita ko ang test paper ni Tristan sa isang table.
Faculty room ito at table siguro ito ng adviser niya.

Montenegro, Tristan B.  98/100

Napalunok ako sa nakita ko. Kung nagreview rin sana ako, sana ganito rin ang score ko!
Bumalik ako ng room at nag-iingay na sila. Wala na sigurong teacher.

"Pasado ka ba?" Tanong ni Kriz habang nakangiti. Sana all nakangiti. Umiling ako bilang sagot. Wala ata akong gana ngayon.
"Ihanda mo na libre mo sa'kin." Nakangisi siya at nakayakap sa'kin.

"Kriz," Nagpout ako at taka siyang tumingin sa'kin.

"Yanyan, bakit?" Niyakap niya ako at hinahaplos ang likod.

"Hindi ako nakapasa," Namilog ang bibig kaya tinakpan ko ito. "Huwag kang OA. Sige tara, libre ko." Dumiretso na kami sa street food at bumili ng fishball, kikiam, at kwek-kwek. Mura lang naman kaya okay lang sa bulsa.

"Paano 'yan. Baka magalit kuya mo?" Tanong ni Kriz habang ngumunguya ng fishball.

"Hindi 'yan. Babawi na lang ako sa finals." Kumuha ako ng kwek-kwek at isinubo ulit. "Sana kasi, nag-review na lang ako. Akala ko kasi madali." Tinapik niya ang likod at nagtuloy na kami sa paglalakad habang kumakain. Hindi pa kami nakakalayo ay biglang bumuhos ang ulan. Takte! Wala akong payong. Sumilong muna kami sa isang waiting shed para hindi kami mabasa.

"Yanyan, magpapasundo ako sa driver namin. Gusto mong sumabay?" Tanong niya habang inaayos ang gamit. Sana kasi nagpasundo rin ako. Puro sana na lang.

"Huwag na. Salamat na lang," Umupo ako sa bench at hinintay na tumila ang ulan.

"Sige, Yanyan. Alis na ako! Bye! Ingat. Muwah!" Nag-flying kiss pa siya bago sumakay ng kotse. Ngumiti naman ako bago sila umalis.
Patagal nang patagal ay lalong lumalakas ang ulan. Ano ba 'yan! Akala ko titigil na.

"Baby, do you want umbrella?" Halos mapatalon ako nang may nagsalita.

"Anong baby!? Hoy! Tumigil ka." Sinamaan ko ng tingin si Tristan. Takte siya! Hanggang ngayon ay pinandigan niya ang pagtawag ng baby. Eww!
Ngunit paglingon ko ay para akong nabuhusan ng tubig. Dahil hindi pala ako ang kausap. May bata pala rito! Nakakahiya.

Unequal FateWhere stories live. Discover now