Yanyan's POV
Nasa canteen ako at pinapanood kung paano maglandian ang dalawang haliparot sa harap ko.
Nakaupo si Cath habang naka-akbay sa kaniya si Tristan. PDA 'yan! pwede ko silang isumbong sa dean at dahil mabait ako, huwag na lang."I will be the father of your child," Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Magkaibigan talaga.
"No, I don't want to... nakakahiya pa rin sa'yo." Malungkot niyang sabi kaya niyakap siya ni Tristan. Okay, aalis na lang ako.
"You're my best friend and I'll do everything to make you happy, lalo na ngayong buntis ka."
Sher mo lang? Hayss bahala kayo riyan, basta ako..mag-aaral ako nang mabuti para sa panga--"Nagseselos ka 'no?" Pagharap ko ay nakita ko si Kriz na tatawa-tawa sa harap ko. Nakakainis.
"Ako? Hindi ah! at saka, hindi ko naman siya gusto." Tinaasan ko siya ng kilay at nagdiretso sa paglalakad.
"Talaga ba? Eh bakit kanina ka pa nakatingin sa kanila? Akala mo siguro hindi ko nakita 'no? Hahahahaha sinong niloko mo, aber?" Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya nag peace sign agad siya. Kung hindi lang kita kaibigan, naku.
"Bakit, sinabi ko bang hindi mo nakita?" Padabog akong umupo at hindi na siya pinansin.
Ang landi nilang dalawa. Dito pa talaga sa school? Siya ang magiging tatay? Mas okay pa sana kung tatay ng anak namin. Chos.
Hindi ko siya gusto. Hindi! Never. Nagbibiro lang ako."Kanina ka pa tulala diyan ah?" Lumapit si Kriz at yumakap. "Huwag na malungkot. May iba pa naman diyan eh." Humagikhik siya.
"Hindi ko siya gusto, okay?" Irita kong sagot. Tumawa siya bigla na parang nagbibiro ako.
"Hindi ko rin namang sinabing gusto mo siya ah, ikaw Yanyan masyado ka nang halata. May gusto ka talaga sa kaniya 'no? Yieee--" Lumayo ako sa yakap at napatakip sa bibig.
"Bahala ka riyan. Hindi kita papansinin hanggang bukas." Tumakbo na ako paalis at agad niya akong hinabol.
"Yanyan naman eh, akala ko ba bestfriends forever tayo?" Kahit hindi ko tignan ay alam kong naka-pout ang labi niya. Ang cute talaga niya, mana sa'kin.
"Walang forever!" Sa paghinto ko sa pagtakbo ay hindi ko na napansing wala na si Kriz. Saan naman nagpunta 'yon?
Nagbibiro lang naman ako at imposibleng magtampo siya. Hayyy baby pa talaga siya."Meron!" Unti-unti ko nang narinig ang boses ni Kriz. Grabe , gano'n na ba ako kabilis tumakbo? Tumigil ako sa pagtakbo at huminga ng malalim.
Inakbayan ko siya naka-pout nanaman. Hayy ang cute cute niya."Bitter kasi 'yang kaibigan mo," Natigil kami sa paglalakad dahil sa boses ni Cath. Ang kapal talaga ng mukha niya.
"Walang may pakialam sa'yo. Get lost kung ayaw mong masampal ulit kita." Tinaasan niya ako ng kilay at nagkibit-balikat siya. Maya-maya ay lumapit sa kaniya si Tristan. Aba! nananadya talaga sila. Nagtama ang paningin namin ni Tristan kaya napalunok ako bigla.
"By the way, kami na pala," Para akong sinampal dahil sa narinig ko.
"Pakialam ko?" Naglakad na kami paalis ni Kriz. Narinig ko siyang tumawa kaya siniko ko siya. Badtrip!
"Masakit 'no? Huhu okay lang 'yan. Hindi talaga kayo para sa isa't isa kaya tanggap--"
"Manahimik ka," Itinikom niya ang bibig niya at nag peace sign. Hindi na ako magtataka kung sila na dahil matagal na silang magkakilala. Bestfriends pa raw eh, edi sila na.
Narinig ko rin namang he's willing to be the father, mas okay na 'yon. At saka, bakit ba ako affected? Hindi ko naman siya gusto para magselos-- takte! Hindi. No. No.***
Krizzy's POV
Magkatabi kami ni Yanyan pero kanina pa siya tulala. Hindi ko alam kung affected ba talaga siya kina Cath, pero sa tingin ko... Nagseselos ang kaibigan ko!
"Ehem! Ang ganda ko 'no?" Pinilit kong magbiro pero walang epekto sa kaniya. Eh kung...
"Oh, good morning, Tristan!" Kunwaring bati ko kahit wala naman talaga. Nagulat ako dahil biglang tumayo si Yanyan. Sabi ko na nga ba eh, patay na patay talaga siya sa lalaking iyon.
Sinamaan niya agad ako ng tingin kaya tawang-tawa ako. "Pasensya na, hindi mo ako pinapansin eh." Nag-pout ako at dumating na rin ang teacher namin kaya hindi na ako nakadaldal."Inaantok ako," Napalingon ako kay Yanyan at nakapikit na. Wala na kaming klase kaya mabuti na rin ito.
"Edi umuwi na lang tayo," Tumayo ako at kinuha ang bag namin. Inaantok na talaga siya huhu. May driver siya at kanina pa naghihintay.
"Bye-bye, Yanyan! Ingat ka, I love youuu mwahh!" Nag fly-kiss ako at ngumiti naman siya.
Sobrang swerte ko dahil may kaibigan ako tulad niya. Sinundo rin ako ng driver at nang pagkalabas namin ng school ay nakita ko si Cath at Tristan na magka-akbay. Totoo nga pala, sila na. Kahit mag-deny pa si Yanyan ay alam kong may gusto siya kay Tristan. Ayaw niya lang aminin dahil hindi niya raw alam ang ibig sabihin ng GUSTO. College na siya pero bata pa rin talaga. Hindi niya lang ako gayahin, baby na, matured pa. Kaya siguro love na love ako ni Theo eh. Eheheheh. :>"Where's Yanny?" Tanong ni Theo habang naka-akbay sa'kin.
"Hindi ko alam, baka nauna na siya." Yumakap ako sa kaniya at kinikilig ako.
Maagang pumapasok si Yanyan kaya hindi na ako magtataka kung nasa classroom na siya."Take care, love. Susunduin kita mamaya." Hinalikan niya ako sa pisngi kaya kinilig ulit ako. Ghosh, baka maka-ihi ako.
"I love you!" Yumakap ako sa kaniya at humalik ulit sa pisngi ko.
"I love you too." Nakangiting sagot niya.
"PDA 'yan. Isusumbong ko kayo." Natawa kaming dalawa sa sinabi ni Yanyan.
"Bye-bye, Theo! Baka isumbong talaga tayo. Mahirap na huhu." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.
"Hindi niya 'yan magagawa. Right, Yanny?" Tinaasan siya ng kilay ni Yanyan kaya natawa ako. Umalis na si Theo kaya pumasok na ako sa room.
"Umagang-umaga, ang lungkot ng kaibigan ko. How your feel ba?" Tanong ko sa kaniya at natawa na lang siya bigla.
"Huwag ka nang mag-english nakaka-nosebleed." Nagpipigil siya ng tawa dahil nakakagat sa labi. Palibhasa, hindi siya marunong mag-english. Baka na-turnoff din si Tristan mwehehehe.
YOU ARE READING
Unequal Fate
RomanceMagkaiba man tayo ng tadhana ay pareho naman tayong masaya. Kahit pilit mong ibalik ay hindi na pwede. Because you're born with UNEQUAL FATE.