CHAPTER 6

87 7 0
                                    

It's almost 2 months since that day.  Hindi ko na rin siya iniwasan matapos noon. Normal naman ata maging magkaibigan ang opposite sex eh.

Ang mga kapatid ko naman naging busy rin sa kani-kanilang mga trabaho. Si Kuya Cronus nasa business trip naman, habang ang kambal construction firm nila. Si daddy rin busy sa hospital.

"Hello?" bati konang sagutin ko ang tawag ni Terron.

"Hey, are you free tonight?" he's voice is so husky especially pag nasa phone call.

"8 pa ako mag out, madaming customer eh, bakit ba?" sabi ko, it's quarter to five.

"Let's eat dinner together," aniya. Sa nag daang mga buwan mas napalapit naman kami ni Terron sa isa't isa. May mga times pa ngang napapagkamalan kaming 'Kami' ng mga tao. But, of course, it's not true. We're good friends.

"Hello? Still there? Busy ka ba?" bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Terron.

"A-ahh, hindi, hindi," natataranta kong sagot naikinatawa niya sa kanilang linya. Naparolyo na lang ang mata ko sa narinig. Mas naging mapangasar rin siya at palasalita na rin.

"Anong hindi?" natatawa niyang tanong sa kanilang linya.

Sayang-saya siya ah.

"What I mean is, I'm not busy," paliwanag ko "Saan ba?" tanong ko.

"I'll fetch you around 8 then," he answered.

"Ahh, okay, see you later then." sabi ko.

"Yeah, see you later, love" paalam niya bago pinatay ang tawag.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit kami napagkakamalan na mag jowa ay dahil sa pagtawag niya sa akin ng kung ano-ano.

Hindi ko alam kung paano pero isang araw bigla niya na lang ako tinawag ng love hanggang sa dumadami na ang tawag niya sa akin. Minsan tinatawag niya akong Baby, minsan Little, minsan naman Love, pero kahit ilang beses niya akong tawagin gamit ang mga yan hindi parin ako nasasanay.

Parang hinuhukay ang tiyan ko, na nasusuka ka everytime tinatawag niya ko gamit yun. Hindi sa nadidiri ako, pero... ewan ko ba. Akala ko nga nung una may bulate na'ko sa tiyan eh, but no, nararamdaman ko lang yun everytime tinatawag niya ako ng ganon o di kaya may ginagawa siyang something sweet.

"Ayh, ma'am tulaley ka diyan?" bumalik na lang ako sa katinuan ng mag snap si Ken ng daliri sa harap ko.

"H-huh?" I asked absent mindedly. Halos mauling na ang mata ko sa lapit ng daliri niya.

"Ang sabi ko ma'am, ay kung jowabels mo na yung pogi na 'ka-ibigan' mo" he teasingly said that made my eyes widen.

"H-huh?!" gulat kong bulalas na nakapukaw ng atesyon ng mga customer dahil sa lakas ng pagkasabi ko.

"A-ano bang pinag sasabi mo diyan?! Kaibigan ko lang yung tao masyado kang mai-issue." pasigaw kong bulong sa kaniya para hindi kami makakuha ng atesyon ng mga tao na malapit sa'min

"Ayh, sayang pa naman ma'am, akala namin kayo na nung yummy na pogi," sabi niya "pero, alam mo ma'am, mas okay na rin na hindi kayo." bigla niyang bawi sa sinabi niya kanin

"Bakit naman mas okay?" takang tanong ko na ikinangisi niya naman bago sumagot.

"Para, po sa'kin na lang siya" nakangisi niyang sagot dahilan ng pag hampas ko sa kaliwa niyang braso.

"Uy, si chef, nag seselos." sabi pa niya sabay sundot sa tagiliran ko.

"Uy, si Ken masisisante na," pabalik kong sabi sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niya

Hera Peace (Chavez Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon