CHAPTER 8

94 5 0
                                    

"Good afternoon ma'am, sir, I'm Terron Fourth Villaverde...po. " pormal na bati niya kina daddy bago niya inabot ang isa niya pang hawak na bouquet of roses kay mommy bago siya nag lahad ng kamay.

Napangiti na lang ako nang mag dagdag siya ng 'po' sa dulo.

"Just call us Tita Fab and Tito Thaddeus, hijo." masiglang bati ni mommy sabay kuha nang bulaklak kay Terron bago hawakan sa nakalahad na kamay ni Terron.

Our father, on the other hand is just staring at Terron with his slit eyes, as if he's trying to read his action.

Seryosong nagkatitignan lang silang dalawa ni daddy na para bang nag uusap sila gamit ang mga mata bago ni daddy tanggapin ang nakalahad na kamay ni Terron.

"Nice meeting you, tito." pormal na bati ni Terron kay daddy habang hindi parin binibiyawan ang magkahawak na kamay nilang dalawa.

Wow, parang hindi talaga siya kabado, ah. Sa pagkakaalam first time niya manligaw, eh.

"Fourth, pare," bati ni Zeus sabay tapik sa kanang balikat ni Terron. Nakatanggap naman siya ng matalim na tingin mula sa'kin dahil doon. Mabuti sana kung mahina yung pag kakatapid niya, ang lakas-lakas nga ng tunog.

Parang may halong galit pa.

"Hey, man. Never thought that you're our sister's suitor." nakangising sabi ni Eros pero kahit ganon makikitaan pa rin ng pagka-seryoso at pag babanta ang tingin niya, habang si Kuya Cronus naman ay seryosong tinititigan si Terron na parang kini-kilatis niya ang galaw nito.

"Oh, siya, siya, let's talk this over lunch. The food will be cold." anyaya ni mommy habang minumuwestra ang kusina.

"I heard your surname in business industry a lot of times. So, I assume you're also a businessman?" tanong ni Daddy kay Terron nang na sa hapagkainan na kami.

Bale si daddy ang nasa gitna, na sa kanan niya si mommy, ako, at si Terron. Habang na sa harapan naman namin ang mga Kuya ko.

He cleared his throat before answering, "I am, sir. I'm the CEO of the Greenville Company, and I'm also a licensed engineer." he answered politely before glancing at me while I'm putting food on his plate.

Nahihiya ko naman tinapos ang pag lalagay ng pagkain sa plato niya nang marinig ko ang sunod-sunod na pag tikhim ni Kuya Cronus.

Luh? Gusto rin ata ni Kuya.

"He's actually our friend, dad." kaswal na sabi ni Eros habang kumakain.

"Talaga?" gulat na tanong ni mommy sa narinig sulyap kay Terron na sa gilid ko.

"Yeah, he's our classmate before. Sabay pa nga kami kumain kahapon sa Casa de kumida kasama sila Kuya." sunod na sabi naman ni Kuya Zeus.

"Nakilala niyo na pala itong si Terron kahapon. Bakit hindi niyo sinabi sa'min ng daddy niyo?" nag tatampong ani ni mommy at bahagya pang ngumuso.

"We don't even know that Peace's suitor is Fourth." madiin na paliwanag ni Kuya Eros before glaring at my direction.

Nawala na rin naman ang tensyon sa pagitan nila daddy at ni Terron. Marami pangtinanong si Daddy kay Terron. Minsan nga sumasama na sila Kuya Cronus sa usapan lalo na pag tungkol sa negosyo. Naitanong rin nga nila mommy kung pa-paano kami nag kakilala ni Terron.

I really appreciate how he answer my parent's questions. Napapangiti pa ako lalo na pag pino-po niya sila mommy. Kahit sila Eros nagugulat rin sakanya.

I appreciate rin na sinasagot niya lahat ng tanong nila mommy sakanya.
Knowing Terron, hindi pa naman siya pala salita at may pakasuplado pa ang aura niya.

Hera Peace (Chavez Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon