CHAPTER 13

62 4 0
                                    

"Sa Saturday na ang uwi mo?!" excited kong tanong kay Terron sa harap ng camera.

"Yup, are you excited to see me?" he teases me while laughing. "Opo naman 'no." I kid back to him while grinning at the camera. Natatawang napa iling na lang siya sa naging tugon ko.

"Wait, sure na ba yan?" supposed to be last week pa sana ang uwi niya kaso kinailangan niyang i-extend dahil sa dami niyang trabaho.

"Hundred percent sure."

"Wag mo kalimutan pasalubong ko. Mag uwi ka ng durian." smiling widely at the camera.

"Parang mas excited ka pa para sa pasalubong kesa sa pag uwi ko ah, laki ng ngiti ah." natawa na lang ako nang bahagya nag kasalubong ang mga makakapal niyang kilay, na parang bang nagtatampo.

"Talaga!" natatawa kong sagot. Mas lalo lamang ako natawa nang mas lalong nag kasalubong ang mga ito dahil sa naging sagot ko.

Tampo ang baby... Damulag.

Mahaba-haba pa ang naging kwentuhan namin ni Terron nang gabing yun. Kung ano-anong topic ang pinaguusapan namin. Ngunit pinutol naman namin ni Terron ang tawag nang mapansin ang oras. Masyado ng malalim ang gabi lalo na't may trabaho pa siya bukas ng umaga.

Balak kong sunduin si Terron sa airport kaya halos mag madali na'ko sa pag kilos. Tinanghali ako ng gising, I set my alarm eight-thirty in the morning but shit I woke up eight nine-eight AM! And Terron's flight is freaking ten AM! Good gracious! I'm doomed.

Plano ko pa namanng gumising ng  maaga ngayon para mahaba ang time ko makapag ayos. I remembered when I told him that I'll be fetching him at the airport, inasar niya ako nang inasar nang pinaalam ko ito sa kanya. Masyado ko raw ata siyang na-miss para sunduin. If I know nag pipigil na yun ng kilig.

"Oy bat ka bihis na bihis ka? San punta mo? Saturday ngayon ah?" kuryosong tanong ni Zeus nang makita akong bumaba ng hagdan. Ang usyoso rin nitong kapatid ko. So nosy talaga.

Mukhang wala rin pasok ngayon at tinanghali siya ng gising.

"Ngayon uwi ni Terron, Kuya. Susunduin ko siya sa airport." I saw how his lips turn in to a smirk.

"Ngayon pala uwi nun, wala man lang pasabi sa'min ni Eros. Parang walang kaming pinagsamahan ah." he said while putting his hand in front of his chest acting hurt.

Ampanget talaga. Pano ko kaya 'to naging kapatid? Ang panget eh.

"Ngising-ngisi ka ah! Ano na naman kalokohang na iisip mo ah! Ang arte mo! Mukha kang aso! "

"Aba't! Ang sama talaga ng ugali mo! Eversince naging manliligaw mo yang si Villaverde nawalan ka na ng respeto sa'kin ah! Kakasama mo diyan sa manliligaw mo nagiging masama na rin ugali mo!"

Napalukot na lang ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi niya. As if naman hindi ko sila binabara dati nung hindi ko pa nakikilala si Terron. Ang OA niya tagal kahit kailan. No doubt he's Eros' twin. Parehong overreacting.

"Saan nga pala sila mommy?" it's weekend, usually nasa kusina si mommy at nag luluto o di kaya na sa sala't nanunood ng TV kasama si Daddy.

"How you'd I know? Ni hindi ko nga kilala kung sino magulang mo eh."

Matalim ko siyang tinitigan para ipakita na seryoso ako sa tanong ko. Napakawalang kwenta niya talagang kausap kahit kailan. So not cool.

"Kidding, ikaw naman napakaseryoso mo. Umagang-umaga nakabusangot ka kaya nag mu-mukha kang matanda." Matalim na tingin lang ang pinukol ko sa kanya dahil pag sumagot pa ako mas lalo lang humaba ang usapan.

Hera Peace (Chavez Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon