10th Count.
Sorry Hayley Fontanelle, is just that i missed you so much.
"Thank you Dylan, for this day."
What?! Bakit ko yun nasabi sakanya? Hindi ko maisip kung bakit ko yun nasabi talaga. Nagulat na lang ako kaya napatingin siya saakin.
"Bakit ka nagpapasalamat?" tanong niya saakin.
Habang tinatanong niya saakin yun, natatawa siya. Sabi na nga ba eh, pagtatawanan niya ako. tsk. Hayley ano bang nangyayari sayo? Bakit nagsasalita ka magisa?
"Ah-Ahh w-wla yun. Hahaha. Wag mo na isipin hehe" sabi ko sakanya habang winawagayway ko kamay ko na sign na wag niya na talaga isipin yun.
Grabe nakakahiya yun. Grabe Hayley. Pero sa totoo lang natatawa ako sa sarili ko dahil hindi ko namalayang nasabi ko pala yun sakanya.
Pero bakit ganun? Pakiramdam ko kilala ko siya?
"What's wrong?" tanong niya saakin.
Siguro nakita niya ako na nakatulala kaya natanong niya saakin un. Eh bakit ba iniisip ko mga ganung bagay na alam ko naman na hindi naman talaga diba?
"Ayy wala wala. hahaha" sabi ko sakanya na natatawa.
Pero sa isip-isip ko ayaw ko lang talagang sabihin sayo kasi mamaya mangyari na naman yun at talagang wala na akong mukhang ihaharap sakanya.
wag ko na dapat isipin ang isang bagay na hindi ko naman talaga alam o sigurado kasi baka isang araw... umasa ako.
"Tara na, kahit nakakapagtaka kung bakit ka napapatulala diyan pero kailangan mo nang umuwi sainyo hinahanap ka na dun panigurado." sabi niya at nagumpisa na maglakad.
Pero ako hindi pa ako naglalakad pinapanood ko siya habang naglalakad. Nasa bulsa niya ang mga kamay niya, matangkad saakin. Kahit ang bata niya pa kaya niya nang pumunta sa mga gantong lugar.
pero Dylan, sino ka na ba talaga sa buhay ko?
"Oh, anak nandiyan ka na pala" sabi ni mama saakin habang naghahanda ng kakainin namin sa hapunan pero nakakapagtaka.
mukhang hindi siya nag-aalala saakin.
"Ahh, opo mama. si Dylan nga po pala. Anak po siya ng pinasukan ko hinatid niya lang po ako dito kasi gabi na po." paliwanag ko kay mama saka tumingin ako kay Dylan.
pagkatingin ko kay Dylan tumingin din siya saaakin kaso ang tingin niya ay nakakapagtaka.
BINABASA MO ANG
Every Minute Counts
Teen FictionEvery Minute Counts means "Sa Bawat minuto ay Bilang". Yung lalake ay hindi alam na mahal na pala niya yung babaeng una niyang nakita sa Seikun Academy. Pero ang pinagtaka niya ay kung bakit iba ang ugali nung babae sa ibang babae yun pala ang isa s...