6th Count.

4.8K 62 13
                                    

6th Count.


Hi Hayley Fontanelle, long time no see


Habang nasa sasakyan ako hindi ko mapigilan na hindi kabahan, hindi magisip-isip ng kung anu-ano. Siyempre naman, nakakahiya parin sa anak ni Tita Aikee. 


"What's on your mind, Hayley? Is everything fine?" sabi ni Tita Aikee habang nagmamaneho siya. Siyempre kailangan ni Tita Aikee na magfocus sa pagmamaneho kasi baka maaksidente pa kami at baka hindi ko matulungan si mama sa pagpapaaral saamin ni Minato.


"Ahh, wala po Tita Aikee" I lied to her. 


Kahit na ang dami-dami kong naiisip ay nagsinungaling parin ako sakanya, nakakahiya kasi talaga kung sasabihin ko pa sakanya kung ano yung mga iniisip ko. I'm so sorry Tita Aikee, I lie to you. It just that you're too kind for me to do everything kahit na hindi mo pa ako masyadong kilala Tita Aikee.


"You're lying, Hayley." sabi ni Tita Aikee na nakangiti habang nagmamaneho siya.


Hindi ko alam na mapapansin pala yun ni Tita Aikee. "Sorry po, Tita Aikee." sabi ko sakanya nang malungkot. I feel sorry for Tita Aikee. Mali kasi talagang nagsisinungaling ako sakanya kasi napakabait niya saakin eh.


"It's okay, Hayley. Ituring mo na lang akong second mom mo. I just wanna know how to have a daughter by my side." sabi saakin ni Tita Aikee nang nakangiti pero I know in that smile there's a sadness in her face.


Yung alam niyo yung pakiramdam na kapag may nalalaman kang malungkot na tao, nagiging malungkot ka na rin kasi pakiramdam mo ikaw yung salarin nang pagkalungkot nila, and I just don't want to feel that thing.


"Ahh, osige po Tita Aikee." sabi ko sakanya nang nakangiti.


Sabi kasi nila kapag ngumiti ka daw sa taong malungkot, mahahawaan sila ng ngiti at naniniwala naman ako dun kaya ngumiti ako sa harapan ni Tita Aikee. Just to show her my happiness. Ngiti ka lang mawawala lahat ng problema mo at siyempre wag mo na yung isip-isipin.


"Now, ano yung iniisip mo kanina? Don't be shy to tell me, I'm your second mom, right?" sabi ni Tita Aikee na nakangiti. Marahil nahawaan ko na siya. Hahaha. Pero atleast nakangiti na siya yung totoong ngiti na talaga hindi katulad kanina.


Kahit nahihiya ako sasabihin ko na lang siyempre kasi naka-oo na din kasi ako sakanya eh. "Ahh.. kasi po nakakahiya po kasi kung pupunta pa po ako sa bahay niyo. Hehe" sabi ko na medyo natatawa kasi ewan nahihiya talaga ako.


Napatingin saakin si Tita Aikee ng saglit at bumalik sa pagmamaneho pero ang pinagtataka ko kung bakit siya si Tita Aikee tumatawa. As in ung tawa talaga ung halakhak. Hindi ko alam kaya nagsalubong tuloy ung dalawa kong kilay.


"Ahh. Bakit po Tita Aikee?" tanong ko kay Tita Aikee.


Every Minute CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon