4th Count.
Hayley is a Different person.
Habang nakaupo kami ni Manager sa isnag Italian Resturant, nilibot ko ulit ang mga mata ko sa loob ng resturant na ito. "Wow, ang ganda talaga Tita Aikee dito." manghang mangha ako sa loob na ito sobrang ganda kasi talaga.
"Hahaha! Oo nga eh, nung una naming pagpunta dito ng anak ko dito, manghang mangha siya eh, actually itong lugar na ito ang napa-inspire sakanya na magtayo kami ng isang resturant." sabi saakin ni Manager nung naalala niya yung mga panahon na dito sila kumain ng anak niya.
Actually hindi ko pa kilala yung anak ni Tita Aikee, feeling ko ang sama niyang anak.
"Wait lang Hayley, Can I ask you something?" tanong saakin ni Tita Aikee. "Sige po, ano po yun?" nakangiti kong tanong sakanya. Sa totoo lang bihira lang ako ngumiti nagiging masaya ako dahil may dahilan ako at tsaka kailangan ko yun para hindi ako sumuko sa mga bagay bagay.
"Bakit ganyan ka magsalita? I mean parang ang mature mo nang magsalita, not like the other childs that I see.." sabi saakin ni Aikee. Sabi na mahahalata niya din talaga eh.
"Eh kasi po, siguro po nasanay lang po ako na kausap ko yung mas matatanda saakin pero siguro po dahil din na nagtatrabaho ako para po sa saaming pamilya." paliwanag ko kay Aikee.
Ewan ko din ba kung anong nangyari sa boses ko at naging ganito ang boses ko, Hindi ko na pinapansin ang mga sasabihin ng mas matanda saakin pero kapag kinakausap ko sila sinasabihan nila ako na ang sweet ko raw pero sa tingin ko hindi.
Tapos sinasabi din nila na kapag daw ako ung kumakausap sa isang tao mapapapayag ko daw sila, ganun ba ako kapag kumakausap sa isang tao?
"Ahh ganun ba? Haha! Nakakatuwa ka namang bata.. Kaparehas mo yung anak ko kapag nakikipagusap yun saakin parang siya ang mas matanda saakin eh." nakangiting sabi ni Aikee.
Ang masasabi ko lang sakanya ay masaya ako kasi kahit papaano pala may pake din pala yung halimaw niyang anak na hindi iniisip ang kalagayan ng kanyang mommy. Ako nga hindi ko hinahayaang mapagod ang nanay ko siya pa kaya.
"Here's your order Ma'am" sabi nung waiter kay Aikee. "Thank you, you may go now." sabi naman ni Tita Aikee sa waiter at nag-bow yung waiter kay Tita Aikee.
Ganun ba kapag na-serve mo na ang order nila?
"Oh bakit ka diyan nakatulala?" natatawang tanong saakin ni Tita Aikee. "Eh kasi po ganun po ba talaga na kapag na-serve mo na ang isang order ng customer magb-bow sila sainyo?" takang tanong ko kay Aikee hindi ko na pinansin yung natatawa siya haha!
Nagulat naman si Aikee sa tanong ko tapos maya maya bigla siyang tumawa, ngayon tawa na siya ng tawa. Eh?! Anong meron?
"Hahaha! Nakakatuwa ka talaga naalala ko lang kasi parehas na parehas kayo ng anak ko nung una naming pagpunta dito." Natatawa niyang sabi saakin. Teka parang may mali...
"Teka lang po pero bakit po parang lagi mo pong sinasabi saakin na kaparehas na kaparehas ko po yung anak niyo? Parang sinasbi niyo po na ako yung anak niyo." takang tanong ko kay Aikee pero totoo naman kasi.
"Hindi naman ikaw eh, lalake ka ba? eh lalake kaya anak ko." Eh?! nabara ako dun ahh. pero ok lang totoo naman eh.
"Ayy oo nga po pala haha! Eh pero bakit po parang parehas na parehas ko po siya?" tanong ko sakanya
"Ahh hindi ko nga din alam eh pero parehas mo talaga siya eh." Sabi niya saakin habang minamasdan ang mukha ko. Wag mong sabihin pati mukha ko minamasdan niya rin? Baka iniisip niya kamukha ko rin yung anak niya?
"Ahh bakit po?" Kasi naiilang ako kapag tinitignan ako sa mukha o kung ano man yun. Hindi ko pa naman siya masaydong kilala eh kaya naiilang parin ako.
"Ahh wala lang haha! kain na tayo." sabi niya saakin. At ayun nga nag-umpisa na kaming kumain. Wow! Ang sarap! Ngayon lang siguro ako nakakain ng ganito kasarap sa buong buhay ko. Wala naman kasi kaming pera para makabili ng masasarap na pagkain eh.
Isa lang naisip ko...
Kapag nagkaroon na ako ng pera ililibre ko sila mama dito at yung kapatid kong yun kahit makulit yun, siyempre kapatid ko parin naman siya eh kahit iba ugali nun saakin. Sadyang mas makulit lang siya keysa saakin.
"Oh? Bakit ka nakatulala? May problema ba?" Tanong saakin ni Tita Aikee, actually ayaw ko talaga siyang tawagin na Aikee kasi siyempre mas matanda siya saakin at ayaw kong maisip niya na parang wala akong respeto pero yun ang gusto niya eh. Wala na akong magagawa.
"Ahh wala lang po. Ang sarap lang po kasi eh. Ngayon lang po ako nakakain nito. Sana nga po makakain kami dito nila mama eh haha! Kapag po siguro nakaipon na ako." Sabi ko kay Aikee.
"Alam mo, ang swerte ng mama mo sayo, kasi may anak siyang katulad mo." Sabi ni Tita Aikee. Napaisip naman ako? Swerte ba ako kay mama? Eh nahihirapan na nga siya saamin dadalawa na nga lang kami.
"Ahh hindi po. Kasi po nahihirapan po si mama dahil saamin." sabi ko kay Tita Aikee. Totoo naman eh.
"Hindi. Kung yan ang iniisip mo hindi naman eh. Napaka-swerte niya because you are her daughter and she is your mom. Kahit na iniwan kayo ng papa niyo, nakakaya niya because she loves you and your little sister." sabi saakin ni Tita Aikee.
Yes, she's right pero ewan ko ba mas lalo ko pa tuloy naiisip na hindi si mama swerte dahil saaming dalawa ni Minato. I think it's time to change our topic. Kahit naman na sa Public school ako galing magaling naman ako mag-english.
"Sige po kung yan po ang iniisip niyo." Yun na lang sinabi ko para maiba usapan namin. "Teka lang po pagkatapos po ba dito uuwi na po ba ako?" Sunod kong sabi kay Tita Aikee.
"Hindi ka pa pwedeng umuwi." Sabi ni Aikee saakin na nakangiti. Bakit kaya? "Bakit naman po?" Takang tanong ko kay Aikee kasi nakakapagtaka lang.
"Kasi pupunta pa tayo sa dress shop. I need to fix you up." Nakangiting sabi saakin ni Tita Aikee. Bakit naman kailangan niya pa akong ipaayos? Maayos naman ako ahh. Peor maayos nga ba? Napatingin ako sa sarili ko at nagulat ako ang dungis ko.
Saan ba ako pumupunta at ganito ako kadumi? Siguro doon sa batang naglalaro kanina papunta ako sa resturant nila Aikee. Siguro nga doon.
"Ahh ganun po ba? Pero Uuwi na lang po ako para magpalit ng damit. Wag ka na pong gumastos mahal na nga po dito sa resturant na ito eh." Nahihiya kong sabi kay Tita Aikee totoo naman talaga nakakahiya naman talaga.
"Ano ka ba ok lang yun. At tsaka wala naman kasi akong anak na babae kaya ikaw na lang muna at tsaka napakabait mo keysa sa mga pumapasok sa resturant na yun eh." sabi niya saakin.
Wala na akong nagawa pumayag na lang din ako kasi hindi ko rin alam haha! Pero sige papayag na nga ako. "Sige na nga po pero sigurado ka po? Nakakahiya po kasi eh." Sabi ko kay Tita Aikee.
"haha! Oo nga ok lang talaga salamat naman pumayag ka.. Tara na?" Nakangiting sabi niya saakin. Kaya napangiti na lang din ako. Hindi ko alam pero ngayon lang siguro ako naging masaya yung sobrang saya.
"Haha! Sige po." At ayun nga tinawag ni Tita Aikee yung waiter at para siyang nagsign na yung bill niya tapos kinuha ng waiter tapos ilang saglit lang lumabas na yung waiter at binigay sakanya ang bill tapos kinuha ni Aikee yung wallet niya at binigay niya yung card niya.
Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sakanya eh. Ngayon nga lang ako nag-apply tapos wala naman akong form tapos tanggap na ako parang ang unfair naman yun sa ibang trabahador sa resturant nila.
Pagkabalik nung waiter para ibalik yung card niya ay umalis na kami at nasa sasakyan na kami nang bigla siyang nagsalita. "So, where's your mom? Is she at your home?" Tanong ni Aikee saakin.
"Ahh nasa trabaho po. Wala po siya lagi sa bahay namin eh." sabi ko kay Aikee na habang minamasdan ko lang ang mga nadadaanan namin.
May nadadaanan kami na mag-asawa, na mag-nobyo, na mag-bestfriend, na mag-ina at mag-ama. Pakiramdam ko tuloy parang wala akong tatay eh kasi yun ang last na nakita ko sa daanan bago kami bumaba ng kotse ni Aikee.
"Hayley? May problema ba?" Tanong niya saakin.
"Ahh wala naman po" Pagkasabi ko nun tumingin ulit ako sa mag-ama tapos sumunod na ako kay Tita Aikee sa loob. At nung pagkapasok ko, ang ganda grabe! Maraming mamahalin na damit, sapatos grabe! Ang gaganda talaga.
"Oh? Bakit Hayley?" Natatawang sabi niya saakin, siguro ngayon nakakanganga na ako. "Ahh k-kasi po ang gaganda po ng mga damit mga sapatos dito, grabe, ngayon lang po ako nakakita nang mga ganito eh." Sabi ko kay Tita Aikee
"Ahh wag mo nang isipin pa yan.. Halika na, maraming damit diyan at mga sapatos. Choose want style you want." Nakangiting sabi saakin ni Aikee.
"Ahh-ehh nakakahiya po sainyo eh." Sabi ko kay Tita Aikee. Nahihiya na talaga eh, nakakahiya na talaga sakanya.
"Naku bata ka.. sige kapag hindi ka pumili ng isa, tanggal ka na kaagad sa trabaho?" Sabi niya saakin kaya nagulat naman ako eh yun nga lang trabaho na kaya ko at nagtanggap ako kaagad eh matatanggal pa ako.
Ayaw ko nang ganun..
"Ahh s-sige na nga po kahit nakakahiya na po sainyo." Nakangiti kong sabi at nagsimula na akong maglibot-libot sa dress shop na napakaganda.
Hindi ko maiwasan na mamangha sa mga damit dito, Grabe ang gaganda! Super! Nagtingin-tingin ako, habang nasa likod ko si Manager ay hindi pala si Tita Aikee pala, Nakakailang talaga siyang banggitin na Aikee mas matanda siya eh.
Habang nasa likod ko si Tita Aikee at nagc-cellphone, may nakita akong dress siya maganda. Color black and white. Nakita ata ako ni Aikee na nakatingin sa dress kasi bigla niyang kinuha eh.
"Sukatin mo" Sabi ni Tita Aikee habang nakangiti saakin.
Nagulat naman ako pero winagayway ko yung kamay ko tapos sinabi ko na "Ayy wag na po iba na lang po, Hindi naman po bagay saakin ang Dress." Sabi ko kay Aikee.
"Sige na sukatin mo na I'm sure bagay yan sayo, Try it." Sabi saakin ni Aikee "But wait, pili ka rin ng sapatos mo." Dagdag niya na sinabi saakin.
Kahit nakakahiya na sakanya pinipilit ko na lang eh kasi basta ayaw ko lang mawala sa trabaho na yun. At tsaka yun nga lang ang trabaho na nakita ko na natanggap kaagad ako eh tapos papaalisin kaagad nila ako dahil lang dito kaya wag na.
Maya-maya may nakita akong black na may white siya na heels, ang ganda kaso nga lang ang problema hindi naman ako mahilig sa heels eh pero ang ganda talaga.
"You wanna try them on?" Nakangiting sabi ni Tita Aikee saakin. "Ayy naku po wag na hindi naman po ako mahilig sa heels eh baka mapatid lang po ako kapag sinuot ko siya." Natatawa na lang ako sakanya eh kasi oo nga baka mapatid lang ako kapag sinuot ko yun.
"Hindi yan basta kunin mo, tignan natin kung maganda at tuturuan kita kung paano ka maglakad katulad ng isang beauty queen." sabi saakin ni Tita Aikee.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Eh?! Like a beauty queen? Hindi naman ako maganda at tsaka eh at hindi lang yun, wala naman akong balak na maging beauty queen noh.
"Eh?! Ayaw ko pong maging beauty queen." sabi ko kay Aikee.
"Ayy naku kang bata ka. Hindi ko naman sinabi na magiging beauty queen ka eh, ang sinabi ko tuturuan lang kita na maglakad katulad ng isang beauty queen!" sabi ni Aikee saakin.
Ayy oo nga noh. Haha! Nakakatuwa naman kahit Valedictorian ako ang slow slow ko sa ibang bagay. Haha! Natatawa na lang ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko nabara ako ng isang Manager ng isang sikat na resturant.
Sinuot ko na yung dress na napili ko at yung sapatos at nagulat ako sa sarili ko. Ako nga ba yung nasa salamin? Ako ba yung naka-dress? Ako pa yung maganda?
Lumabas ako ng fitting room at natawa ako sa tingin ni Manager Aikee saakin. Gulat na gulat pero hindi naman dapat ako nagsusuot ng mga ganito eh kasi feeling ko matanda na ako haha! Pero nagulat na lang din ako sa sinukat kong damit at sapatos.
I think Hayley Fontanelle is a different person.
BINABASA MO ANG
Every Minute Counts
Teen FictionEvery Minute Counts means "Sa Bawat minuto ay Bilang". Yung lalake ay hindi alam na mahal na pala niya yung babaeng una niyang nakita sa Seikun Academy. Pero ang pinagtaka niya ay kung bakit iba ang ugali nung babae sa ibang babae yun pala ang isa s...