7th Count.
It's okay. If you want me to be as your brother.
"Hi Hayley Fontanelle, long time no see" sabi niya saakin ng nakangiti.
Eh?! Nagtaka naman ako. Kilala niya ako pero hindi ko siya kilala. What the heck is going on here.
"Umm.. How did you know my name?" nagtataka kong tanong sakanya.
Nagtataka ako at nagugulat sa mga nangyayari. Hindi ko talaga siya kilala kahit noon. O sadyang hindi ko lang talaga maalala yung noon? Hindi sa may amnesia ako pero sobrang tagal na din kasi nun kaya hindi ko na maalala.
"Ahh. Yeah. I heard you from my mom." sabi niya saakin na parang nalungkot ang mukha niya.
Seriously, I can't remember it. Pero hayaan mo na sinabi nya naman na narinig niya lang pangalan ko kay Tita Aikee eh. Pero the first impression ko sakanya ay ang gwapo niya, I can't deny it. Pero siguro playboy siya kasi lahat ng gwapo playboy eh.
"Ahh. Okay" sabi ko sakanya tapos ngumiti na lang ako.
Ano naman gusto niyang sabihin ko diba? at tsaka ang cute niya. Hahaha. Pero ayaw ko muna ng ganyan yung lovelife ang priority ko muna ngayon ay maghanap ng trabaho at makapasok sa Seikun Academy at matulungan si mama.
"Shall we go to dining table?" sabi ni Tita Aikee.
Siguro nagsalita na si Tita Aikee kasi alam niya na wala na akong sasabihin kasi may ability siya-- ay este nakikita niya sa mga mata ko kung anong iniisip ko. Pero nakakapagtaka lang kasi kung paano niya yun nagagawa. Ako nga siguro kapag tumingin ako sa isang mata ng tao wala lang. Hindi ko kasi alam kung paano.
"Okay" sabay naming sabi ni Dylan.
Pagkasabing-pagkasabi naming dalawa nun, nagkatinginan kami. Nagulat ako siyempre at napatingin din si Tita Aikee saming dalawa pasalit-salit. Pero ako na yung unang umiwas para makapunta na kami sa dining table.
Hindi sa nagugutom ako or what, pero nakaka-awkward kasi hindi ko pa naman kilala si Dylan pero I'm sure mabait siya kasi mabait si Tita Aikee eh. It just that he is still a boy, he can hurt every girls feeling. At yun yung dahilan ko kung bakit ako papasok sa Seikun Academy.
"Manang, pahanda na kami ng mga ulam." sabi ni Tita Aikee.
"Okay po Madam" sabi ni Manang.
"Thank you, Manang" sabi naman ni Tita Aikee.
Tama nga ako ang bait talaga ni Tita Aikee. I wonder why God get her husband so early. Sana ngayon kasama pa nila si Tito Christian eh. Siguro mabait din siya. Bakit kaya ang daming pumapasok sa isip ko na tanong.
BINABASA MO ANG
Every Minute Counts
Teen FictionEvery Minute Counts means "Sa Bawat minuto ay Bilang". Yung lalake ay hindi alam na mahal na pala niya yung babaeng una niyang nakita sa Seikun Academy. Pero ang pinagtaka niya ay kung bakit iba ang ugali nung babae sa ibang babae yun pala ang isa s...