16th Count.
Hayley, she is just a friend to me, and you are special and right for me
"See you tomorrow too, Hayls" sabi niya saakin.
Nagulat ako, Hayls? parang narinig ko na yun noon.
Sino ka ba talaga Dylan Ramos?
Nilingon ko siya pero wala na siya. Gustong gusto kong tanong sakanya kung matagal na ba niya akong kilala or sadyang nagkataon lang?
Ay. Ewan mag-aaral muna ako.
"I'm home, Mom!"
"Hello Hayley, nakauwi ka na pala" sabi ni mama saakin.
Nagtatrabaho si mama bilang Nurse sa isang ospital na medyo malapit lang dito kaya minsan nago-overtime siya para lang may pandagdag.
"Ate! saan ka galing?" sabi ni Minato.
Ang bata pa lang niya pero parang ang swerte-swerte na niya kasi lagi siyang nananalo sa lahat ng mga sinasalihan niya.
Sabagay kasama kasi siya sa club na puro gusto nila contest ganun.
"Ah. Sa trabaho ko lang. Bakit?"
"Kapag pumasok ka bukas pailagay naman 'to sa mail post" sabi ni Minato tapos binigay niya saakin ung isang parang letter na may envelope.
As usual, isang contest na naman ang sinalihan niya.
Ako lang naman yung taga-deliever niya kapag sa mga ganyang contest eh kaya okay lang naman kasi nananalo naman siya lagi.
"Osige, bukas ilalagay ko 'to sa mail post"
"Ma, akyat muna ao sa kwarto ko ha? magbibihis muna ako then tutulungan na kita mag-ayos ng kakainan natin" sabi ko naman kay mama.
"osige anak"
Habang paakyat ako hindi ko maiwasan ang sinabi ni Dylan. Hayls? Alam ko talaga yun eh.
Hayls?
Hayls?
"Hi Hayls! Good morning!"
"Hayls kamusta ka na?
"Kumain ka na Hayls?"
"Samahan na kita Hayls."
BINABASA MO ANG
Every Minute Counts
Teen FictionEvery Minute Counts means "Sa Bawat minuto ay Bilang". Yung lalake ay hindi alam na mahal na pala niya yung babaeng una niyang nakita sa Seikun Academy. Pero ang pinagtaka niya ay kung bakit iba ang ugali nung babae sa ibang babae yun pala ang isa s...