1st Count.

18.6K 153 21
                                    

1st Count


Hayley Fontanelle


Ngayong taon papasok ako sa Seikun Academy which is balita kong kawawa ang mga babae... nalaman ko rin na halos lahat ng estudyante sa Seikun ay puro lalake kaya kinakawawa nila ang mga babae... kaya nagdesisyon akong pumasok sa eskwelahan na yun sa Seikun Academy


Well hindi para kawawain ang mga lalake kung hindi ayusin ang buong eskwelahan... pero may mga iba akong babaguhin sa rules and regulations sa Seikun Academy..


Hindi ko alam pero gustong gusto kong pumasok doon.. pero may problema nga lang mahal ang tuition fee doon... Second year high school palang ako at aaminin kong mahirap lang kami at hindi naming kaya ang tuition fee doon.


"Mama pwede ba akong mag-aral dito sa school na ito?" sabi ko kay Mama.


"Ano bang school yan? Patingin nga." Sabi ni Mama saakin. Mabait si mama, ginagawa niya ang lahat para mapaaral kami at mapalaki kami ng maayos. Wala na kasi si papa, iniwan niya kami kay mama kaya hanggang ngayon kaming tatlo na lang ng kapatid ko ang nagtutulungan para maitaguyod ang mga pamilya namin.


Kinuha ni mama ang papel na hawak-hawak ko kanina at tinignan niya.. "Oo naman Hayley, pwedeng pwede.." sabi ni mama saakin na nakangiti habang nakatingin saakin.


Nagulat naman ako, pinayagan niya akong pumasok sa mahal na eskwelahan.. "talaga mama, makakapag-aral ako sa Seikun Academy?" gulat na sabi ko kay mama. Siyempre hindi ka ba magugulat kapag sinabi sayo ng mama mo na pwede kang pumasok sa isang mamahaling eskwelahan na alam mong mahirap lang kayo at baka hindi umabot sa tuition fee ang sweldo ng mama mo? Diba..


"Oo naman anak.. pero ipangako mo na mag-aaral ka nang mabuti kapag nakapasok ka sa Seikun Academy ahh.. pagbubutihan moa ng pag-aaral mo.." sabi ni mama saakin at sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko si mama. Siyempre masaya ka at dahil yun sa mama mo.

"Opo mama, ipagbubutihan ko po." sabi k okay mama habang nakayakap ako sakanya.


"Haha osige na.. magtatrabaho na muna ako para makapag-aral ka na sa eskwelahan nay an.. pero maglinis ka muna sa bahay nati ahh.. at tsaka alagaan mo din ang kapatid mo.." sabi ni mama saakin at tumingin siya sa kapatid ko si Minato Fontanelle.


"Opo mama." Sabi k okay mama habang nakangiti. Yes! Kakagraduate ko lang kasi ng Grade 6, at habang bakasyon magtatrabaho muna din ako para makapasok ako sa Seikun Academy. Gusto kong makapasok sa Seikun Academy kaya kahit 12 years old palang ako magtatrabaho na kaagad ako.


(Next Day)


"mama, magpapaalam po sana ako, kung ok lang po." Sabi ko kay mama at tumingin siya saakin. Alam niyo kakaiba talaga si mama eh alam na niyang may sakit siya, nahihirapan siya dahil kapag nakapasok ako sa Seikun Academy ay mas mahihirapan siyang magpaaral saakin.. 


She's one of a kind mother..


"Para saan Hayley?" sabi ni mama saakin habang nakangiti. Kung titignan mo parang matanda na siya pero she keeps trying and trying to pursue want her children wants.. kaya I'm so blessed that she is my mother and I am blessed kasi pinanganak niya ako sa mundong ito.


"Magtatrabaho po sana ako it-try ko pong magtrabaho, kung ok lang po sainyo." paalam ko kay mama. Baka kasi magalit siya kapag hindi ako nagpaalam kaya nagpapaalam na ako ngayon.


Nagulat naman si mama at sinabi "kaya mo na bang magtrabaho anak?" sabi ni mama saakin na nakakunot ang noo, siguro hindi niya inaasahan na yun ang ipapaalam ko kasi nga ang bata bata ko pa ngayon tapos ang iniisip ko na kaagad ay trabaho.


"Sige na mama, para na rin sa pagpasok ko sa Seikun Academy, sige na mama" pilit ko kay mama. Hindi kasi madaling makapasok sa Seikun Academy nang ganito ang sitwasyon ng iang estudyante mahirap pero kakayanin siyempre.


Bumuntong hininga si mama at tumingin saakin "Osige na nga anak, kung yan ang gusto mo papayagan na kita, ano pa nga bang magagawa ko yan ang gusto mo eh." sabi ni mama saakin habang nakangiti.. Wala na akong maihihiling pa.. meron pa pala yun ay ang magkaroon kami ng pera at makatira kami sa medyo maayos na bahay.


Itong bahay kasi namin eh, meron butas sa bubong.. paminsan aapak ka na nga lang mabubutas pa.. wala naman kasing mag-aayos nun eh kasi nga iniwan na kami ng tatay namin pero hindi na lang namin yun iniisip nabuhay kami na hindi siya kasama kaya ayos lang saamin yun.


May naisip ako bigla kaya tinanong ko si mama "Mama eh paano po si Minato? Sino pong magbabantay sakanya kapag wala ka at wala rin ako kasi nagtatrabaho tayo parehas?" sabi ko kay mama habang nagtataka.


Maya-maya biglang sumulpot si Minato.. "Wag kang mag-alala ate ok lang ako dito magisa sa bahay." sabi ni Minato saakin. Nagulat naman ako sa sinabi niya kasi nga ang bata niya pa kung ako ay 14 years old palang siya 12 years palang.


"Sure ka Minato?" tanong ko kay Minato habang nakakunot ang aking noo. "Oo naman ate, ok lang saakin at tsaka may delievery pa ako kasi nanalo ako sa raffle sa may market." sabi ni Minato saakin habang nakatingin saakin.


Eh?! sobrang nagtataka talaga ako kasi simula 5 years old niya... kapag kagaling niya ng eskwelahan kapag may nakikita kaming nagra-raffle sumasali siya.. aaminin ko na ako ang unang nag-raffle sa aming dalawa nakita niya lang ako pero hindi ko naman inaasahan na gagayanin niya at ang mas malala ay minadalas dalas niya kaya nakakapagtaka.


"Teka nga Minato, nakakapagtaka kung bakit lagi kang sumasali sa mga raffle na yan.." sabi ko kay Minato habang nakakunot ang noo ko. "Ano ka ba ate, mas ok nga yun eh maliit lang ang binabayad mo pwede ka pang manalo, may tiyansa kang manalo kaya nga sumali ako eh." sabi ni Minato saakin. Haha! Nakakatuwa ang aking kapatid pero totoo ang sinabi niya.


Pero ang mas nakakatuwa dun ay..


Nanalo ang kapatid ko, lagi siyang first..


Tignan niyo kahit wala talaga si papa mabubuhay kami basta't nagsama sama kaming tatlo nila mama. Siguro hindi nga kami binayayaan nang magandang bahay, magandang buhay pero binayayaan naman kami nang mabait na nanay at mapagalagang nanay.


"Osige na aalis na si mama para magtrabaho.. malalaki na kayo at alam niyo na ang tama at mali haa? magiingat kayo lagi lalong-lalo ka na Hayley.. ok ba yun mga anak?" sabi ni mama saamin at tumungo na lang ako as a sign na pumapayag kami.


Hinatid namin si mama hanggang gate namin.. maya-maya biglang bumagsak ang gate namin.. Nagsigtawanan na lang kami at nung umalis na si mama, inayos na lang namin ni Minato ang gate naming nasira.. nilagyan na lang namin ng lubid.


"Sabihin mo nga ate.. gustong gusto mo ba talagang pumasok sa Seikun Academy?" tanong ni Minato habang inaayos namin ang lubid na gagamitin.


Nagulat naman ako sa tanong niya.. bakit niya naitanong?


"Bakit mo naitanong Minato?" takang tanong ko kay Minato. Pero may sence naman ang tanong ni Minato eh.. bakit nga ba gustong gusto kong makapasok sa Seikun Academy.. siguro dahil protektahan ang mga kababaihan?


"Basta sagutin mo na lang." sabi ni Minato saakin. "Siguro dahil gusto kong protektahan ang mga babae sa Seikun Academy balita ko kasi parang wala lang sakanila nag mga babae doon eh" sabi ko kay Minato.


"Oo nga balita ko nga yun." sabi ni Minato saakin.


Pinagpatuloy na lang naman ang pag-aayos sa gate namin para makaalis na rin ako at magtatrabaho na ako para sa Seikun Academy.


Hindi ko alam kung saan ako natutong parang naging lalake pero.. siguro dahil kailangan kong lakasan ang loob ko dahil hindi biro ang pinagdadaanan namin ngayon.


"Ui ate, tapos na tayo.. bakit ka nakatulala diyan?" tanong saakin ni Minato.


"A-ahh wala lang.. may naisip lang ako bigla." sabi ko kay Minato at totoo naman ang sinabi ko eh may iniisip naman talaga ako. "Ano naman ate ang iniisp mo?" tanong saakin ni Minato. Paminsan pakilamera ang kapatid kong ito gusto laging malaman ang lahat.


"Wag mo nang tanungin.. basta tungkol yun sa Seikun Academy." sabi ko kay Minato.


Nang matapos namin ang pagaayos ng gate namin... naligo na ako at para makahanap na ako ng trabaho ngayon.. medyo matagal ko ring pinagdesisyonan ito eh kaya susundin ko na lang kung anong gusto ko.


"Ate... may checkpoint ka bago ka umalis ng bahay." sabi ni Minato saakin at nagtaka naman ako kung ano yun kaya nakakunot tuloy ang noo ko.


"Huh? anong checkpoint?" tanong ko kay Minato habang nakakunot ang noo ko.


"Height Measurement!" sabi saakin ni Minato habang nakangiti. Eh?! Height Measurement? Ahh oo lagi kasi namin itong ginagawa nung medyo bata pa kami nakakatuwa at naaalala niya parin yun.


"Haha osige" sabi ko kay Minato habang tumatawa, nakakatuwa naman talaga kasi eh.


Nung nag Height Measurement na kami siyempre mas matanda ako sakanya ng dalawang taon kaya mas matangkad ako sakanya. Hindi niya ako matatalo sa Height noh?


"Ano akala mo ha? Mas matangkad parin ako sayo noh? Bhelat" sabi ko kay Minato tapos nilabas ko ang dila ko sabay bhelat. Nakakatuwa nga eh magkasundong magkasundo talaga kaming dalawa kaya nakakatuwa talaga.


"Ayan tapos na haa.. osige aalis na ako" sabi ko kay Minato.


"hephephep.. Hindi pa pwede." sabi saakin ni Minato at muling pinigilan niya ako.


"Huh? ano na naman Minato?" sabi ko kay Minato at pumasok siya sa kwarto namin at may kinuha siya actually magkahiwalay kami ng kwarto pero paminsan kasi doon ako natutulog sa kwarto niya kaya nga magkasundo kami eh.


"Ito baunin mo ito ate.." sabi ni Minato saakin sabay inabot niya saakin ang biscuit na hawak hawak niya. Diba yun yung prize niya doon sa pinag-raffle niya haha! nakakatuwa talaga ang kapatid kong ito.


"Osige na nga. Osiya wala ka na bang ibibigay o kung ano pa man yun? baka kasi pipigilan mo lang ulit ako eh" sabi ko kay Minato. "wala na sige umalis ka na. babush!" sabi saakin ni Minato at tumalikod siya saakin.


Eh?! anong nangyari doon kani-kanina lang eh parang concerned lang siya ahh.


Natawa na lang ako sakanya at sa naisip ko. Paminsan hindi ko din siya maintindihan kaya paminsan nag-aaway kami pero ang mostly ay magkasundo talaga kaming dalawa.


All this years kami lagi ang nagiging first honor kaya pareho aming scholar at nakakapagaral kami ng maayos kaya pinagpatuloy namin ang pag-aaral namin. Masaya, masaya maging first honor pero mahirap nga lang.


Kasi kapag alam nila na first honor ka, ikaw lagi ang gagawing leader, ikaw ang aasahan sa grupo kaya mahirap pero all this year, I surpassed it.. 


Being a Valedictorian is the most prominent of all.


Isa akong Valedictorian kaya alam ko na ang tama at mali. Pero hindi ibigsabihin nun ay alam ko lahat. Alam ko lang ang mga pinagaaralan namin hindi ko alam ang mga katulad ng Bermuda Triangle yung mga ganung myth.


Umupo muna ako sa isang upuan sa may Park malapit sa bahay namin. Nagisip isip nang pwedeng makapagkita at makakuha ng pera. Siyempre hindi ko gagawin ang masama ahh pagtatrabahuan ko na lang iyon.


Hindi ko naman pinagmamayabang na isa akong Valedictorian, sinasabi ko lang naman ang totoo.


Paminsan nami-misunderstand nila kung anong ibigsabihin ng Valedictorian kaya nahihirapan kami paminsan pero siyempre gusto naman namin na maayos at makakuha ng mataas na marka kapag kami ang gagawa ang mga valedictorian.


Pero hindi lahat ng valedictorian ay alam lahat lahat may mga pagkukulang din kami kaya namin iyon nagawa at hindi magagawa.


Siyempre gusto din namin na bigyan ng pagkakataon makasagot, gumawa nang isang bagay para sa iba kaya binibigyan naman namin sila ng pagkakataon.


Paminsin hindi nila alam kung anong sinasabi nila, pero maiintindihan iyon ng isang tao kung alam niyang may tama din ang taong nagsabi nun.


Pero hindi naman kailangan na idaan sa maling gawa.


Sa tama naman dapat igawa yun. Wala na kaming magagawa kung para sainyo ang ibigsabihin ng VAledictorian. Pero para saakin mahalaga ang Valedictorian dahil makakapag-aral ako ng mabuti, maayos ako makakapag-aral kaya gustong gusto kong maging Valedictorian.


Ako si Hayley Fontanelle isa sa mga Valedictorian. Isang babae at isang taong umaasa na makakapagaral sa Seikun Academy, na makakpag-aral ng maayos. Ako ulit si Hayley Fontanelle na gustong ipagtanggol ang mga babae sa Seikun Academy at aim na maging Student Council President. Makakpasok din ako sa Seikun Academy...





Every Minute CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon