XII :HURT.

55 2 0
                                    

ELINDY ROSE RAMOS

"Eli, Hijah!" "Eli!" Rinig kong tawag ang magulang ni Ross sakin.

Narinig ko ang lahat. Yung mga salitang hindi ko aasahang lalabas sa bibig nang magulang niya.

'Ayoko na... Pagod na pagod na ko...

Tama na... Ayoko na...

Siya nalang ang meron ako. Bakit?' Yan lagi ang mga sinasabi ko sa isipan ko kaganina pa.

Tumatakbo akong umiiyak palabas ng bahay nila Ross at nabubunggo ko yung mga waiter na nadadaanan ko at natatapon ang mga dala nilang drinks at pagkain.

"Hey watch out!" "Hey!" Mga naririnig kong nabubunggo kong mga sabi ng mga relatives nila.

Napahinto ako sa mismong pintuan nang bahay nila Ross patungong labas ng makita si Ross.

Parang naging slow-mo ang lahat.

Yung pagkahulog nung basong hawak niya...

At unti-unti siyang nahuhulog sa lupa

"ROSS!"

Parang naging slow-mo din yung pagtawag ko ng pangalan niya. Parang slow-mo rin yung pag-takbo ko papunta sa kinatatayuan niya. Pagkapunta ko sa kilalagyan niya ay binuhat ang ulo niya at ipinatong sa hita ko.

Tama nga sila... Dapat yun nalang... Para sakanya... Para sa nararapat...

"R-Ross" "H-Huy! Masamang magloko ng ganyan. Kakalabas mo palang nang ospital e-eh." Mangiyak-ngiyak kong sabi habang inaalog siya.

"Call the Ambulance! Call the Ambulance!" Sabi naman ng nanay niya na nandito na pala. Madaming pumalibot sa'min, yung iba ay may mga kausap na sa phone, at yung iba naman ay bakas ang pag-kagulat.

Binuhat nila si Ross mula sa'akin at ako eto, umiiyak parin...

Pero nung hahawakan sana ako ni Tita ay bigla nalang akong tumayo at tumakbo papunta kay Ross na siyang nilalagay na sa Ambulance.

"Kuya sasama po ako. Babantayan ko ho si Ross"

"Sige hijah, sakay ka na dali!"

Nakasakay na ko sa ambulance kasama si Ross na nakahiga na sa lalagyanan ng mga pasyente.

"Ross, Lahat ng gagawin ko—" Pinipigilan kong hindi umiyak pero pilit paring tumutulo ang luha sa mata ko

"— Para sayo lahat ng yon ha? Sana— Sana patawarin mo ko..."

"Darating din yung araw na—"

"— na maiintindihan mo rin ang kalagayan ko"

"Mahal na Mahal na Mahal kita— "

"— Lagi mong tatandaan yan ha." Umiiyak na bulong ko sa tenga niya at mariin na hinalikan ko ang kanyang labi at humiwalay din matapos ang ilang minuto.

"Ako na ang unang bumitaw sa halik, ibig-sabihin hahalikan mo ko ulit..." Isang malungkot na tawa ang lumabas sa aking bibig.

"Sana ganon lang kadali." Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko.

Broken Melody (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon