CEDRIC ROSS COLLINS
Naalimpungatan ako ng may mabigat na nakapatong sa kamay ko. Pagkamulat ko ng mata ko, nakita ko si Mama hawak ang kamay ko habang nakadagan dito dahil natutulog.
Si Papa naman ay nakaupo sa upuan at nakapikit nang natutulog, si Jhoanna naman nasa tabi ni Papa at nakataas ang paa sa hita ni Papa at natutulog din, naka-nganga pa.
'Teka nasan nga ba ako?' tanong ko sa isip ko at nang nilibot ko ang paningin ko ngayon ko lang napagtanto na nasa ospital pala ako. tinignan ko kung anong oras na. 3:36 a.m na pala.
'Teka, ano nanaman ba ang nangyari?' Sabi ko nanaman sa sarili ko nang biglang bumukas yung kwarto.
Nalala ko lang nung hinihintay ko si Eli sa tapat ng bahay, tas may lumapit na waiter para bigyan ako ng drink tas nung kinuha ko na nanigas ako, at yun lang natandaan ko-
"Oh gising ka na pala." Sabi ni Eli papasok ng kwarto na namamaga ang mata at naka-ipit na medyo magulo at may hawak na tray ng Hot water at mga coffee cups at kapeng 3-in-1 at tinapay at ibinababa sa table sa harap ng bed ko.
"Anong gusto mong kainin? Bread with Cheez o Nutella o Ham? Meron pa namang ham sa-" Pinutol ko ang dapat niyang sasabihin ng magsalita ako.
"Bakit namamaga mata mo? Umiyak ka nanaman ba?" Napayuko naman siya at patuloy ang pagtapay ng nutella sa tinapay.
"Cheez nalang no? Yun yung favorite mo eh, tas with Ham-"
"Bakit namamaga ang mata mo?" Ulit ko pa ulit ng hindi niya sinagot ang tanong ko. Mahina lang naman ang usapan namin kaya hindi magigsing sila mama.
"Wala, kulang lang siguro sa tulog." Sabi niya nang hindi man lang iniwan ang tingin sa tinapay.
"Umiyak ka ba?" Tanong ko sakanya at itinayo ang katawan ko nang kaunti para hindi magising sila mama. Nakita ko namang nilagay niya ang tinapay sa isang paper plate at itinuloy ang pag-tapay nang cheez sa isa pang tinapay.
Hindi niya ko sinagot kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
"Eli, kinakausap kita. Umiyak ka ba?" Tanong ko nanaman, may otoridad ang boses ko at medyo napalakas ang boses ko kaya naramdaman ko si Mama na inalis ang ulo niya sa pag-kakahiga sa kamay ko.Hindi ko iniwanan nang tingin si Eli na hindi pa rin ako sinasagot.
"Ross? Ayos ka lang ba?" Sabi ni Mama sakin at bakas ang lungkot sa boses niya.
"Yes, Ma. I'm okay than okay." Ngumiti ako kay mama at ako namang hinalikan niya sa noo.
"Saglit at tatawagin ko lang ang Doctor. Eli, ikaw muna ang bahala dito." Sabi ni Mama bago umalis at medyo nag-inat inat pa.
"Sige ho." Isang malambing na boses na sabi niya kay mama. Ngumiti naman si mama bago kami iwan habang ang mag-ama naman ay mahimbing pa rin ang tulog. Muli kong tinignan si Eli na ngayo'y nakatulalang nakatingin sa kawalan habang naka-upo sa gilid.
Bakas sa mukha niya ang hindi nakatulog at parang stress na stress ang itsura.
"Eli." Tawag ko sa kanya. Napapikit siya at napatingin sakin. Bakas din ang lungkot sa mga mata niyang namamaga at hindi ko alam kung kulang ba talaga yan sa tulog o nag-sinungaling siya sakin na hindi siya umiyak.
"Do you need something? Do you want to-" Pinutol ko ang sasabihin niya nang mapansing ako pa ang iniintindi niya imbes na siya.
"Cut the crap, Eli! Look at yourself! Mag-pahinga ka na. You look very stress. You should take care of yourself." Maotoridad kong sabi sa kanya at napansin kong napayuko siya pero hindi pa rin niya ko pinaringgan.
BINABASA MO ANG
Broken Melody (Editing)
Romansa"I'm tired Eli. I'm sorry, I can't to this anymore-" And in that phrases that Elindy Rose Ramos heard for the nth time, she still believes that He, Cedric Ross Collins, will remember Her, their memories, their relationship, that has been forgotten f...