V :AMNESIA.

84 3 0
                                    

ELINDY ROSE RAMOS

Nandito ako sa Mall para bumili ng gamot at pagkain ni Ross. Kakatapos ko lang bumili ng gamot sa pharmacy malapit dito. It's been 1 week since the day we discovered about his illness. Halos everyday sumasakit ang ulo niya, halos hindi na ko umuuwi sa bahay para lang alagaan siya, which is understandable by my dad. He always understand me, while my mom isn't really satisfied about it, but she knows that Ross needs me.

Sabi nga sakin ng tatay ni ross na 'wag na daw ako pumunta sakanila at may nurse naman na nag-aalaga sakanya, pinag tulak tulakan pa nga niya ako para lang lumabas ng mansion nila pero agadan namang nakita ni ross yung ginagawa sakin ng tatay niya kaya agadan niyang tinulak si tito that cause him to hug the floor.

Pero sabi ko kay ross ayos lang sakin yun, basta ba maaalagaan siya ng mabuti but hindi siya pumayag gusto niya ako lang ang magalaga sakanya, masyado siyang makulit, pero wala akong magagawa, mahal ko eh.

Magbabayad na ako ng pinamili ko ng biglang my tumawag "Hello" pag ka sagot na pagkasagot ko nito ay isang babaeng parang umiiyak ang sumagot.

"Hello, Eli. Si Tita mo to, s-si Ross kasi—" Bigla akong kinabahan ng narinig ko ang pangalan ni Ross. "Bakit po? A-ano pong nangyari??!!" Sabi ko yun habang naglalakad papalayo sa pinamili ko, narinig ko ang tawag ng cashier pero hindi ko ito pinansin, deretso ako sa may parking lot at sumakay na sa Kotse kong Ford na puti.

"Ina-take siya ng Amnesia E-Eli...Hindi niya kami makilala." Sabi ni tita, nagulat naman ako sa sinabi niya. Habang nagdidrive ako ay umiiyak ako, sana lang wag niya ako makalimutan.

"A-Ahh t-tita, n-nasan p-po kayo?" Sabi ko ito habang nanginginig ang buong katawan ko habang nagda-drive.

"Andito sa **** Hospital, room 123"

"Ah sige t-tita malapit na po ako... Pahintay nalang p-po"

"O'sige hija.."

Binaba na ni tita ung call at doon na ko umiyak. Binato ko phone sa harap ko at sinuntok ko yung manibela. "WAAHH!!" sigaw ko at mas lalong umiyak ng malakas...

Pinabilis ko ang kotse para mas mabilis na maka punta kaila ross. Simula ng nalaman namin ang sakit niya, hindi na umuwi pa ng Amerika ang mga magulang ni Ross pero pumapasok parin sa trabaho sila tita.

Hindi na din nila masyadong pinapagod si Ross, hindi na pinagtatrabaho nila tito kasi baka daw atakihin ulit. Agadan naman akong bumaba ng sasakyan at pumunta sa room 123. Nang masilayan ko na ang room ay pinunas ko ang mga luha ko bago pumasok.Huminga din ako ng malalim.

Pagkabukas ko ng pinto, isang lalaking nakahiga sa hospital bed na may naka-suksok sa kamay at bandage sa ulo at nakadamit na pang pasyente.

"Sino ka?" Agadan niyang tanong sakin. ngumiti ako nang malungkot habang nakatayo parin sa may pintuan.

Sinarado ko na ang pinto at lumapit sakanya. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit tinaboy niya ito. Hindi siya umimik at nakatingin lang sakamay ko na nakahawak sa kanya na nakanuot ang noo.

"Who are you?" Mahinhin niyang sabi sakin at dahan dahang tumingin sakin, at unti-unting nawawala ang kunot sa kanyang noo.

"Eli..." Bulong niya at isang patak nang luha ang lumabas sa mata ko. Ngumiti ako sakanya.

"Hi..." Mabagal ang pag-babangkis ko nun, parang kausap ko lang ang isang baby. Tinitigan niya lang ako at hinawakan ang mukha ko at pinahid ang luhang lumabas sa mata ko.

Hinawakan ko naman ang kamay niya sa mukha ko gamit ang isa kong kamay at napapikit. Pero matapos ang ilang minuto ay dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa mukha ko at tumingin sa kanya.

"Are you okay? Natatandaan mo na ba siya?" Sabi ko sabay tingin sa Nanay niya na nasa tabi ko. Tumungo siya at tumingin sa tabi ko.

"Mama." Sabi niya at niyakap siya ni Tita na siya ding naman niyakap niya. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko at tumalikod sa mag-ina upang lumabas sa Room niya. Nang maka-labas ako ay dun ako umiyak sa labas.

Kinabahan ako bigla... Sana lang... Sana wag lang mangyari ang kinakatakutan ko... na balang araw, ako naman ang makakalimutan niya at ako naman ang ipag-tabuyan niya...

Broken Melody (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon