I.II : Emergency /2nd Half/

167 3 0
                                    

"5, 6, 7, 8..." sigaw ng aming choreographer at lahat kami ay sabay sabay sumayaw, giling dito, giling doon.

Nang matapos namin ang sayaw ay mabilis ang aming pag-hinga dahil sa pagod, bukas na kasi ang Contest namin para sa laban. Sa covered court ito gaganapin at isa sa mga Contest ay ang laban laban ng sayaw. Tapos na ang Cheering, nangyari ito kagahapon, kaya abala naman ako sa Contest na ito dahil naging busy din ako sa Praktis ng Cheering nung isang araw.

Halos 8 na nang gabi ay nandito pa rin kami sa iskwelahan para mag-praktis. Kami na lamang ata ang nandito bukod sa mga Guards na gumagala sa gabi para ma-secure ang buong iskwelahan. Gusto kasi naming mapanalo ang Contest kaya todo ang praktis namin ngayon dahil bukas na din ito.

"Okay, yun na ang huli nating praktis. May praktis tayo bukas para sa final. Magaling ang ginawa niyo ngayon, sana'y bukas ay mas magaling pa—" masiglang sigaw ng nagtuturo samin. May iilan pa siyang sinabi tungkol sa mga Damit na susuotin at sapatos, at iilang paalala tungkol sa pag-sayaw. Sabay sabay din kaming nag-dasal bago umuwi.

"Gurla!" sigaw ni george sabay takbo ng nakabukas ang kanyang dalawang kamay at nang maabutan ako ay hinawakan ang dalawa kong braso.

"Oh? Bakit? Ang haggard mo na gurla." ani ko sa kanya ng natatawa.

"Ewan ko sayo! Porket maganda ka pa rin kahit pawis eh gineganyan mo na ako!" pagtatampo niya at nagcross arms pa.

"Niloloko lang kita! Parehas naman tayong maganda, ano ba." sabi ko sa kanya na medyo natatawa at nakita ko ang pagbabalik tingin niya sa akin.

"Alam ko naman iyon gurla, pero syempre iba pa rin pag galing sayo, mas gumaganda ako lalo!" aniya dahilan upang paluin ko siya sa braso nang natatawa. Eto ang gusto ko kay george, masarap siyang kasama at makulit.

"Ano nga pala iyong sasabihin mo? Umuwi na tayo dahil paniguradong lagot na ko kay Papa pag-uwi." sabi ko at kinuha ang bag na nakalagay sa lapag at binuhat ito. May iilang natira dito sa room yung iba ay umuwi na. Naglakad kami pareho palabas ng magsalita siya.

"Ayon na nga ang dapat kong sasabihin sayo gurla eh." malungkot niyang sabi at tumingin sa lalaking nasa gilid ng pintuan at tumingin pabalik sakin. Mukhang isa sa mga bodyguard ng tatay ni George, paniguradong walang dala itong kotse ngayon dahil sinusundo na siya.

Oh, mukhang hindi ako mahahatid ni George sa aming bahay ngayon ah! Pag ginagabi kasi ako siya ang naghahatid sakin sa bahay dahil may kotse siya at alam iyon ni papa kaya ayos lang sa kanya.

Pag ganitong gabi kasi nagpapadala na si Papa ng Driver namin para pauwiin ako, eh ayaw ko ng may nagiintay sa'kin kaya sabi ko si George nalang ang maghahatid sakin.

"Alam ko na, gurla. Hindi mo ko mahahatid ngayon. Okay lang, mag t-tryc nalang ako pauwi, malapit lang naman ang tryc dito." ani ko nang may ngiti sa'king labi.

Mukhang hindi ito kumbinsado dahil hindi siya ngumiti pabalik.

"Sorry talaga gurla ah! Grounded kasi ako eh, kinuha ni Father ang susi ng kotse ko." sabi niya sabay hawak saking kamay.

"Ano ka ba! Okay lang iyon, hindi naman kita Driver para ihatid sundo mo ko." ani ko sa kanya na may ngiti pa rin sa labi ko.

"Sige na gurla, I need to go. Baka malagot nanaman ako kay Father pag 'di pa ko umuwi ngayon." sabi niya sabay beso saking dalawa pisngi.

"Sige, ingat ka ah!" ani ko ng may ngiti sa kanya.

"Sige, ingat ka din!" aniya at niyaya na ang Bodyguard nila na umalis, pinanood ko silang umalis at nakita ko pang si George na tumingin dito at kumaway, kumaway din ako pabalik.

Broken Melody (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon