ELINDY ROSE RAMOS
Pinalaki ako ng aking mga magulang na palaban sa kahit anong bagay. Kahit mahirap man ang harapin mong problema o situwasyon, dapat marunong kang lumaban, kahit gaano kahirap para sa iyo ang kumapit sa mga bagay na akala mo pang matagalan, pang madalian lang pala.
Akala ko madali lang ang lumaban.
Akala ko pag ipinag-laban mo ang totoo ay panalo ka na.
Ngunit nagising ako sa katotohanang kahit pala ipag-laban mo ang totoo, may mga panahon talagang matatalo ka.
Halos mabasag ko na ang dala kong dalawang baso nang marinig ko ang kalabog at isang sigaw mula sa sala.
Kinabahan bigla ako, bumilis ang tibok ng aking puso. Natatakot akong malaman kung anong nangyari.
Ibinaba ko ang baso at agad agarang pinuntahan kung saan nanggaling ang malakas na sigaw. Halos mabangga ko na ang mga vase dito dahil sa pag-mamadali.
Nang takbuhin ko iyon, nakita ko ang pintuan ay nakabukas at naabutan ko si Jhoanna na naka-upo sa lapag, at naka-latay sa baba ang lalaking walang malay. Si Ross...
Napatigil ako sa pag-takbo nang masilayan ko iyon, napahawak ako sa dibdib at saking bibig sa pag-kagulat.
"A-Anong n-nangyari?" mahina kong banggit at dali daling pumunta sa kinaroroonan nila Jhoanna.
Nanginig ang kamay ko nang hawakan ko si Ross, wala siyang malay.
"H-Hindi ko alam, Ate! B-Bigla na lang siyang nag-collapse sa harapan ko!" aniya at tumayo.
"Call the Ambulance!" ani ko at mahinang sinasampal si Ross baka sakaling magising ito.
"R-Ross... Huy..." ani ko at mahinang tinatampal ang kanyang mukha ngunit hindi pa rin siya nagigising.
Ilang oras pa lamang nang sinugod sa ospital si Ross. Andito ako ngayon kasama si Jhoanna. Nasa labas ako naka-upo at si Jhoanna naman ang kasama ni Ross sa loob.
Wala pang sinasabi ang Doctor tungkol dito, tinanong kami kung anong nangyari, kinwento naman ito ni Jhoanna at sinabing hinimatay na lang si Ross nang pag-buksan siya nito ng pinto.
Nag-take na din sila ng different test para daw masigurado. Hindi pa rin kasi nagigising si Ross kaya'y hindi nila ito matanong.
Si Jhoanna, ang bunsong kapatid ni Ross. Pinsan din siya ni Samantha. Kakauwi lamang nito galing Amerika kagahapon, at sinabing kaya daw siya pumunta kanina ay gusto daw niyang supresahin ang kanya kapatid at makisalo sa'min ng umagahan.
Hindi pa rin ako nakapag-palit ng damit, kinuberan lang ang aking pantulog gamit ang Jacket ni Ross dahil sa pag-mamadali kanina.
Pumasok na ko sa loob para tignan kung okay na ba si Ross, nakita kong wala pa ring pag-babago. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata at may nakasabit sa kanyang kamay. Nakita ko naman si Jhoanna na nakaupo sa Sofa at mukhang may kausap sa telepono, siguro ay sila Tito at Tita para ibalita ang nangyari.
Lumapit ako kay Ross at kinuha ang upuan sa gilid upang katabi ko ang kanyang higaan. Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay at hinaplos ito.
"Ross, gising na..." bulong ako sa kanya ngunit wala pa ring pag-babago.
Ilang sandali pa lamang ay pumasok ang Doktor kasama ang Nurse nito. Tumayo ako para daluhan ang Doktor. Habang si Jhoanna naman ay nakikinig lamang sa'min.
"Okay lang ba si Ross, Doc?" I asked. Nag-aalala kasi ako na baka nagtatago si Ross sa'kin na may sakit siya. Sinabi ko sa kanya kung may masakit sa kanya sabihin niya sa'kin eh.
BINABASA MO ANG
Broken Melody (Editing)
Romantizm"I'm tired Eli. I'm sorry, I can't to this anymore-" And in that phrases that Elindy Rose Ramos heard for the nth time, she still believes that He, Cedric Ross Collins, will remember Her, their memories, their relationship, that has been forgotten f...