I.I : Ross /1st Half/

213 4 0
                                    

Maaga akong nagising kanina. Mga alas singko gising na ko para maghanda ng almusal. Siguro ay nasanay na kong gumigising ng maaga simula ng matanggap ako sa trabaho sa isang Agency sa may Makati.

Nang matapos ko nang maluto ang Sinangag at itlog ay nilagay ko na ang mga putahe sa lamesa.
Pumunta ako sa office room ko at tinapos ang isang korte ng bahay na ginuguhit ko para sa aming kliyente.

Natanggap kasi ako bilang isa sa mga Architects sa kanila, tutal nakapag tapos naman ako ng kulehiyo sa aking kursong B.S in Architectural. At ang kinatutuwa ko doon ay wala pang isang taong pagtatapos ko ng kolehiyo ay may trabaho na ko.

Nakikitira lamang ako kela Ross simula ng lumipat ako dito sa Maynila. Dito kasi ako nagkolehiyo, at gusto sana ni Papa ay kumuha nalang ako ng bahay ngunit nagmagandang loob si Ross na manirahan na lamang sa kanyang Condo dahil bibihira lang daw siyang umuuwi doon.

Noong una ayaw ni Papa pero nung inexplain ko naman sa kanya na magiging maayos ako sa kamay ni Ross at mas makakatipid ay sumang-ayon din sila.

Paano ko nga ba nakilala itong si Ross? Nakilala ko siya sa aming iskwelahan sa probinsya, sa Persona to be exact. High school ako non, grade 9 ako, at 'di ko alam kung anong grade na niya.

Nag-lalakad ako patungong Canteen ng aming iskwelahan para bumili ng tubig dahil napagod ako sa practice namin ng sayaw.

"Ate isang tubig nga po." ani ko kay Ate betchay, isa sa mga tindera sa amin. Pagod kong pinunasan ang bawat butil ng pawis sa aking noo at leeg.

"Mukhang pagod na pagod ka sa inyong praktis ah, Eli?" nakangiting sabi niya sakin sabay abot ng tubig.

Kilala ako ng mga trabahador dito dahil ang nanay ko ang prinsipal ng iskwelahan, at ang tatay ko nama'y tumatayong Mayor ng syudad.

Kinuha ko iyon kasabay ang pagbigay ng aking bayad. "Oo nga ho, Ate Betchay. Grabe ang praktis namin, walang pahinga, tuloy tuloy." sabi ko sa kanya at pinakita kung pano ako kapagod.

"Hala'y sige na, magpahinga ka muna dyan, at tatawagin ko si Samantha para sa iyo." ani niyang nakangiti.

Si Samantha ang isa kong matalik kaibigan na alaga niya noon. Siya ang yaya nila Sam noon, at dahil malapit ang dalawa, turing na din ni Samantha sa kanya ay parang isang ina. Mag kasing edad lamang kami, at parehas kami ng iskwelahan, sadyang 'di lang niya hilig ang pag-sayaw kaya di siya nakasama sa amin.

"Sige ho, marami pong salamat." tumungo ako bilang pag sang-ayon at umalis doon upang maupo sa isa sa mga bakanteng table dito sa Canteen.

Dito sa aming probinsya, malalim at puro ang mga tagalog. Iyon kasi ang aming salita. Medyo may halong maynila na daw ang salita namin ngayon dahil sa mga taga maynilang pumupunta dito at tinuturan kami ng mga salitang may halo.

Madaming bumati sa'king mga kaklase ko, yung iba schoolmates. Mahilig kasi akong makisalimuha sa mga tao.

Nang mga ilang minuto lang ay naaninag ko si Samantha at hindi siya nag-iisa, may kasama siyang lalaki.

Halatang hinahanap ako ni Samantha dahil nililibot niya ang kanyang paningin, nang makita niya kong nakaupo sa isang table malapit sa gilid ay agad siyang ngumiti at kumaway, ganoon din ang aking ginawa dahilan upang mapako ang tingin ng lalaking kasama niya sa aking direksyon.

'Tug.'

Nang tuluyan na silang makalapit tumayo ako upang makipag beso kay Samantha.
"Saan ka naman galing, Samantha at bakit ang tagal mong dumating? Natuyo na yung pawis ko kakaintay sayo." nakangiti kong banggit sa kanya at umupo.

Ganon din ang kanyang ginawa at umupo sa aking harapan.
"Eh kasi, itong pinsan ko sinundo ko sa main entrance, walang kasama sa main house kaya pinasama sakin, tutal intrams naman natin." ani niya dahilan upang mapatingin ako sa lalaking nakatayo sa likod niya at niyaya naman ni Samantha itong umupo.

Broken Melody (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon