III :STARTING.

94 3 0
                                    

ELINDY ROSE RAMOS

Itim at puti. Yan ang kulay nang aking ginuguhit sa aking Diary.

Gamit ang aking lapis, ay dinetalye ko ang bawat kurba ng kanyang mukha, kung gaano kahaba ang kanyang mga pilik-mata habang naka-pikit, kung gaano katangos ang kanyang ilong, kung gaano katapang ang kanyang mga buhok at kung gaano nakaka-akit ang kanyang mga labi. Idinetalye ko rin doon kung paano pumustura ang kanyang mga braso upang gawing unan ng kanyang mukha. Napaka-gwapo niyang tignan kahit sa ganitong posisyon.

Ginuguhit ko siya habang nakahiga't nakabaliktad at ang aking siko ang siyang sumosuporta sa'kin upang makapag-guhit ng maayos.

Napapangiti na lamang ako pag siya'y aking ginuguhit. Laging pasekreto itong aking ginagawa, ang pag-guhit sa kanya. Ayaw niya kasi ginuguhit ko siya, hindi ko alam kung bakit basta ayaw niya lang.

Nang matapos ko nang dinetalye ang kanyang mukha ay masaya ko iyong tinignan. Mahal na mahal ko itong lalaking to, totoo. At hindi ako mag-sasawang mahalin ito.

Nang maramdaman kong gumalaw siya sa kanyang pwesto ay agad agadan kong tinago ang diary ko sa drawer na tabi nang aming Kama.

Ganoon pa rin ang aking posisyon nang mabalik ko ang Diary ko sa lalagyan nito.

Siguro ay naalimpungatan ito dahilan upang kapain niya ang tabing parte ng kama kung saan ako naka-higa. Akala niya siguro ay umalis ako sa kanyang tabi.

Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking binti at dahan dahan itong hinaplos, unti unti din niyang minulat ang kanyang magagandang mata.

"Good Morning." nakangiti kong bati sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi dahilan upang siyang mapangiti.

"Good Morning, Baby." he said in a husky voice, dahil na rin siguro ay bagong gising.

"Get up, time to eat. It is almost Nine." ani ko pa at maharang dinaanan ang kanyang magulo ngunit magandang buhok at parang hinilot ito.

"Hmmm... Eat what?" nakakaakit niyang sabi at hinalikan pa ang aking kamay paakyat sa aking braso at nang makalapit ay hinalikan niya ang aking mga labi.

It really is a passionate kiss, no doubt. Hinapit niya ang aking bewang upang mapalapit pa lalo sa kanya dahilan upang siya nama'y nakapag-patong na sa akin.

Lumalim pa ang halik na halos ayaw ko nang tumigil dahil sa sobrang nakakalasing ang kanyang bawat halik. Pinaglaruan ko ang aking kamay sa kanyang buhok na siya namang naglilibot ang kamay sa aking katawan.

Nang maubusan ng hininga ay agad ko siyang tinignan, ngitian niya ko nang sobrang kalaki-laki.

"We need to eat, Ross. Lalamig ang pag-kain doon." ani ko sa kanya ngunit ito ang dahilan upang halikan niya nag buo kong mukha, simula sa labi, ilong, pisngi, noo at tenga. Hinalikan niya din ang aking leeg, halos mapasigaw na ko dahil sa kiliti. Niyakap ko na lamang ang kanyang leeg dahil ginugusto ko na ang kanyang ginagawa.

Grabe tong si Ross, hindi ko alam ngunit nababaliw ako sa kanya!

Natigil lang ito ng mag-salita siya, "I'll eat you first." loko niyang sabi at tinuloy ang kanyang halik sa aking leeg, papunta ulit sa aking mukha.

Tawa ako ng tawa at pinagpapalo na ang kanyang braso, he really know how to make me laugh.

"I love you." aniya na seryosong nakatingin sa akin. Natigil na ang pagkikiliti niya sakin.

"I love you too." sabi ko naman na halos mamula na ang aking mukha sa sobrang kilig.

"I love you more." sabi niya pa at nagkaroon ng ngiti sa kanyang labi.

"I love you to the infinity and beyond." ani ko at niyakap ang kanyang leeg and give him a smack kiss.

Niyakap niya ko nang mahigpit at dumaan ang ilang minuto ay di pa siya kumakalas.
"Ross, halika na. Yung pag-kain natin doon, paniguradong malamig na." ani ko sabay tulak ng kakaunti para humiwalay siya at nagtagumpay ako, humiwalay nga siya.

"Hmmm... Just Five more minutes." aniya at mas hinigpitan pa ang yakap. Why can't I say no to you, Mr. Collins?

"Okay..." ani ko at nilubos ang limang minutong magkayakap.

Nang matapos ang limang minuto ay hindi pa rin siya lumalayo, tinulak ko siya at hinarap niya naman ako.

"Time is up, Mr. Collins. Kumain na tayo." ani ko at nakita ko ang masayang ngiti niya at pag-buntong hininga bago umalis sa pag-kakapatong sa'kin at tumayo.

Tumayo na rin ako at inayos ang damit ko. Nakapang tulog pa ako, si Ross naman ay walang damit pang-itaas kaya nakita ko siyang nag-suot ng isang Sandong stripes.

Kinuha niya ang aking kamay at pinag-takpi ito, so habang nag-lalakad kami pababa ng kwarto ay naka-holding hands kami.

Sabay kaming pumunta sa kusina kung nasaan ang putahe. Nag-paalam lang akong kukuha nang mga plato at kutsara at siya nama'y umupo na lamang doon at hintayin ako.

Nang kumukuha ako ng mga plato ay nakita kong simunod siya, tinignan ko siya at napansin kong mariin siyang napapikit, parang may iniindang sakit.

Pinatong ko ang mga plato sa gilid at pinuntahan siya.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag-aalala kong tanong.

Nakita kong binuksan niya ang kanyang mga mata at ngumiti sa'kin.
"Wala nahilo lang ako bigla." aniya at niyakap ang bewang ko.
"Don't worry, I'm fine." aniya at hinalikan niya ang aking labi.

"Okay, let me know kung may masakit sayo ah." nag-aalala ko pa ring tanong.
"Sure, baby." aniya at hinalikan ulit ako. Narinig kong may nag-doorbell kaya napatingin ako sa may pintuan sa di kalayuan.

"I'll get it, go get the plates." aniya at tumalikod para puntahan ang pintuan habang ako ay kinuha ang mga plato.

Nang makuha ko iyon ay nilagay ko iyon sa lamesa pati na rin ang kutsara't tinidor. Nilabas ko na rin ang tubig at juice, nang marinig ko ang isang sigaw ng pangalan.

"Kuya!" malakas na sigaw ng isang babae.

Sigaw ni Jhoanna, kapatid ni Ross.

Broken Melody (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon