_chapter ten_miss her...miss him

301 5 0
                                    

                                Hindi pumasok  sa opisina ang kanilang boss,kaya sa boung umaga ay sina Charry at Dabby lamang ang tumanggap sa mga kliyente ng opisina.

Nasanay na rin ang dalagang mag-estima ng mga  panauhin,lalo na ang mga maliliit na kompanya.Halos nakukuha na niya ang mga pasikot-sikot sa kanyang pinagtatrabahuan.

                               "Tara na Char,lunch break na."yaya sa kanya ng kaibigan.

                              "Okay."sagot  niya.

  "Ano na naman kaya nagyayari  kay  Badeo?Bakit absent na naman ang lalaking 'yon?Birong tanong ni Dabby.

"Siguro,may mahalagang nilakad lang si Sir."

 "Alam mo.napakasipag yang si Sir natin gayong mayaman naman.At saka,wala yatang balak mag-asawa yan."

Napatawa si Charry."Ikaw talaga Dabby,kung anu-ano yang nasa isip mo."

"Bakit" imposible ba?Magpakalalaki lang yan si Sir at manligaw sa akin,aba'y sasagutin ko 'yan!"

"Naku ikaw talaga.Lahat ng imposible,gusto mong pasukin.Mabuti pa pumili ka nalang diyan sa mga Internet friends mo,baka sakaling  magkaroon ka pa ng boyfriend."

 "Siyanga pala bestfriend,hindi mo ba namimiss yong  papa mo?"birong tanong ng kaibigan.

"Papa ka diyan,ang dal dal mo.Hindi ko yun papa no,may fiancee na yun,baka nga nagpakasal na nga yun eh,"malungkot na sagot ng dalaga.

"Hindi ka man lang hinanap,o tinawagan man lang?"tanong ulit ng kaibigan.

"Paano ba ako matatawagan non,eh..iniwan ko nga yung cellphone na binigay niya di'ba?"

"Alam mo bestfriend,nararamdaman ko may gusto din yun sayo,feeling ko lang ha."

"Hay naku sayo Dabby,ayan ka na naman,imposible yun.Tara na nga.Baka mag drama pa ako dito eh,nakakahiya."sabay hawak sa siko ng kaibigan.

Paglabas nila ng elevator,nagtataka sila kung bakit nagkakagulo sa loob.Kinikilig ang lahat,at busy sa pag tsi-tsismissan.

"Bestfriend anong meron?"tanong ni Charry sa kaibigan.

"Aba malay ko ba,eh magkasama tayo di ba."sagot nito sa kanya.

"Girl,anung meron?hindi nakatiis na tanong ni Dabby sa katabing table.

"May bisita kasi  si Sir Badeth,grabe ang gwapo."kinikilig na sagot ng ka opisina.

Hindi pinapansin ng magkaibigan ang mga tili ng kaopisina,sanay na kasi sila na palaging may kasamang gwapo yang boss nila.

"Buti naman pinsan nakapasyal ka ngayun dito."sabi ni Badeth sa pinsan nito.

"Namimiss lang kita pinsan,ang tagal na kasi nating hindi nagkita eh,simula noong bumalik kami ni Thea galing States."sagot niya dito

"Oo nga eh,kumusta na pala yong fiancee mo,?tuloy na ba talaga yang kasal mo?"

"Ayun busy sa business niya..actually busy kami lahat pinsan kaya hindi muna napag-usapan ang tungkol diyan."

"Sa bagay.Oo nga pala pinsan may bago akong  model,ipapakila ko sayo,sigurado akong hihiwalayan mo yang fiancee mo pag nakita mo to,"biro ni Badeth sa pinsan..

"Ikaw talaga pinsan,wala na akong time sa mga ganyan,masyado akong busy ngayun,at tsaka may mahal na ako pinsan,sana lang hindi pa huli ang lahat."mahabang sagot ng binata

"Uhmmmmmm,parang I smell something pinsan ahhh,"

"Akin nalang yun pinsan,malalaman mo rin sa takdang panahon."pahayag ng binata.

"O,siya sige pinsan,i have to go na.kanina pa tawag ng tawag si Daddy,may problema ata sa office."paalam ng binata.

"Okay,paki regards nalang ako kay tita at tito."

"No probz,sige bye."sabay tayo ng binata at lumabas sa office ng pinsan.

    Paglabas ng binata,todo pa cute na naman ang mga empleyado sa kanya.Kinawayan niya ang mga ito,kaya sobrang kilig ang mga babae.Pagsakay niya ng elevator,bago ito makasara may nahagip siyang familiar, na dati pang laman sa mga panaginip niya,huli na ng magsara ang elevator hindi niya masyadong nakita ang mukha nito.Nagtataka siya kung bakit kabog na kabog ang kanyang dibdib,isang tao lang ang nagpapatibok nito,iyon ay ang matagal na niyang hinahanap.

    Naalala niya,yong kinuwento sa kanya ng kaibigan niya na dito din daw niya nakita ang babae.Napailing  ang binata sabay lakad papasok ng sasakyan..

                                  Bar...9pm

"Sabi ko na nga sayo bro di ba.?Siya nga yon,"sagot ng kaibigan ng binata pagkatapos niyang  sabihin dito ang kanyang nakita kanina lang.      

 "Pero,hindi ko naman  totally nakita yong mukha niya,pinagtataka ko lang kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ng mga oras na yun,sobrang wierd."      

"Wierd ba yan bro,sabihin mo,inlove ka,patay tayo diyan  bro,ikakasal ka na,tsaka ka pa lumandi.!kunwaring sermon nito sa kaibigan.    

 "Naguguluhan na ako bro,lalo na ngayun,wala na ring time si thea sa akin,busy sa business nya.Nami-miss ko si Charry bro,sobra.Mahal ko na ata siya."   

 "Kaya mo yan bro,nandito lang ako,tutulungan kita."aniya ng kaibigan niya at sabay tapik sa balikat nito.                     

Maagang nagising  kinabukasan si Jesthony dahil sa walang tigil na tunog ng cellphone niya...                        

"Hello!"inaantok pang sagot nito sa kanyang cellphone                         

 "Sorry pinsan nadistorbo ko tulog mo,nakalimutan ko kasing sabihin sayo noong   nakaraang araw,may party kasi sa bahay mamayang gabi,punta ka,ipapakilala ko kasi yung bago kung model.Punta kayo ni Althea ha.Hihintayin ko kayo doon,Sige yon lang bye..                  

toot..toot..toot...       

Hindi man lang nakasagot ang binata dahil pinutol na sa kabilang linya,kaya,binalik nalang niya ang kanyang cellphone sa katabing mesa,at muling pumikit.           

 _A/N_              Abangan ang kanilang muling pagkikita,!!!!!

_vote and comment_

_My First and Last Love_[on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon