_chapter seventeen_the party

235 4 1
                                    

                 Matuling lumipas ang isang buwan,dumating ang kaarawan ni Badeth.Kinakabahan si Charry sa mga puwedeng  mangyari mamaya,kahit na pinaplano na nila ito ng mabuti,hindi maiwasan ng dalaga na kabahan.

                       Kasalukuyang nasa kwarto ang dalaga,inaantay niya si Badeth na makabalik sa kwarto nila.Handa na sa baba,lahat nakahanda na.Nakabihis na rin silang lahat.

                     "Ready ka na?"tanong ni Badeth sa babae pagkapasok sa kanilang kwarto.

                    Huminga ng malalim ang dalaga bago sumagot.

                      "Yeah,medyo kinakabahan ako eh,"sagot nito.

                      "Just relax,okay?napag usapan na natin to,tara na, nasa baba na sila Mommy."

                      Inaalalayan si Charry ni Badeth habang naglalakad sila pababa.Dumeritso sila sa hardin kung saan pag dadarausan ng party.Marami rami na rin ang mga bisita,pinapakilala na rin ang dalaga sa mga bisita nito.Huminto muna si Charry sa isang bakanteng upuan,napagud siya sa kakaikot.Ang mommy kasi ni Deo ang nagpapakilala sa kanya sa mga bisita nito.Tudo ngiti lang ang dalaga.

                         "Water."

        Napatingin si Charry sa kanyang harapan kung sino nag-abot sa kanya ng tubig,si Jesthony pala.Nag-smile siya nito at nagpapasalamat sabay abot ng baso.

                        "Mukhang pagud na pagod ka ah.?"tanong nito sa kanya na nakangiti

                       "oo nga eh,kanina pa kasi kami libot ng libot eh."aniya.

                      "Kumusta si baby?"tanong ng binata.

                      "Medyo nararamdaman ko na siya,sumisipa na."pahayag nito na naka ngiti sabay hawak sa  kanyang tiyan.

                       "Ang ganda mo,"mahinang sambit ng binata.

                 "Sus,binobola mo naman ako eh,tingnan mo nga ang laki na ng tiyan ko,saan ba maganda diyan,"namumulang sambit ng dalaga.

                      Mahigit isang oras din silang nagbibiruan,nagtatawanan kung anu-ano ang pinag-uusapan.Parang sobrang panatag nila sa isa't-isa.

                      "Nandito lang pala kayo,kanina pa kayo hinahanap nila Mommy."ani badeth sa kanila.

         Napalingun naman ang dalawa sa nagsasalita.

                      "Pinsan,nag-uusap lang kami.'ani Jesthony sa pinsan nito.

                    "Tara na,kanina pa kayo hinihintay sa loob."anyaya nito sa kanila.

           Lalapit na sana si Jesthony para alalayan si Charry,ngunit naunahan na siya ni Badeth.Nakasunod nalang ito sa naunang dalawang naglalakad.

                    Napapansin ng binata nitong mga nakaraang huling linggo,parang may nagbago.Dati,siya yong palaging nakakasama ni Charry,ngunit ngayon ang pinsan na nito,kahit na busy ito sa kanyang office ito talaga ang sumasama kay Charry,nagbabago na rin ang boses nito,hindi na ito gumegiwang hindi na ito kagaya ng dati,ayaw na rin ito papatawag na Badeth.Sobrang wierd.Naguguluhan ang binata.

               Pagkapasok nila Charry sa loob ng bahay,naabutan nilang nagtatawanan ang buong pamilya.Huminto muna ang dalaga,huminga ng malalim at sabay hawak sa braso ng kasama.Nginitian siya nito.Hindi sila agad napansin ng mga tao sa loob.Pagkalapit nila sa mga ito,napansin sila ng Daddy ni Deo na kagagaling lang din sa labas kasama si Jesthony.

_My First and Last Love_[on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon