Lumipas ang isang linggo,na hindi nagpapansinan sila jesthony at charry.Hindi din kasi alam nila kung ano ang sasbihin nila,nahihiya sila sa isat isa pagkatapos nung me nangyari sa kanila.Kaya mas mabuti pang hindi sila magpapansinan.
Kasalukuyang ng lilinis si charry sa sala nang dumating ang fiancee ng binata,
"gud morning babe."bati nito sa kasintahang pababa sa hagdan.Hindi nakatiis si charry kaya tiningnan nya ang binata,eksaktong pag tingin niya hinalikan ito ng fiancee sa labi,kaya agad itong yumoko,at patuloy sa paglilinis.
Hindi na talaga niya kayang makita ang paglalambingan nang dalawa kaya umalis siya doon at pumuntang kusina,agad nagbukas ng ref at uminum ng tubig.Nagpapaalam siya kay nanay Linda na magpapahinga lang saglit dahil masama pakiramdam niya.,pinayagan naman siya ng matanda kaya dali dali siyanng pumasok sa kanilang kwarto at doon binuhos ang sakit na nararamdaman.
Araw-araw na umiyak si charry,hindi nya talaga mapigilan ang sarili niya,lalo na hindi siya kinausap ni jesthony,mas lalong siyang nasasaktan.Isang gabi hindi siya naka tulog dahil sa pag iisip,nag alala na din sa kanya si nanay linda,dahil tulala siya minsan,walang ganang kumain at mejo pumayat,sa tuwing magtatanung si nanay linda sa kanya,ang sagot niya,namimiss lang daw niya pamilya niya.kaya hindi nalang nagpupumilit ang matanda.
Isang gabing nag iisip si charry may nabuo siyang plano.Kinabukasan,nagpaalam siya at nagsisinungaling na siyay uuwi ng probinsya,pero yun talaga ang plano nya,gusto niyang umalis na sa mansyon,dahil baka mgkasakit lang siya sa kakaiyak.Pinagbigyan naman siya ng kanyang mga amo dahil sa kanyang palusot na ngkasakit ang tatay niya at kelangan niyang umuwi.
Nag paalam na rin siya kay nanay linda,umiyak pa nga ito,sinabihan siya na babalik siya,ang sagot niya pagmagaling na ang tatay niya babalik siya.Buti nalang wala ang binata sa bahay,baka kung makita niya ito,magbago pa ang isip niya.
Isang linggo na buhat noong umalis si charry sa mansyon.Hindi mapakali si jesthony dahil kinakabahan ito,natatakot pa rin siyang harapin ang dalaga dahil sa nangyari sa kanila at busy din siya noong mga nakaraang araw at gabi na din siya umuuwi ng bahay.Inaamin niya nag eenjoy siya at hindi ito ng sisisi,mas lalo tuloy niyang namimiss ito,kaya napag isip isip siya na kailangan na niya itong kausapin,bumaba siya at hinanap sa kusina.
"nay,nasaan po si charry?uutusan ko lang sana magpapalinis ako ng kwarto.."
"si charry ba kamo iho?hindi ba siya nagpapaalam sa iyo?"tanung ng matanda sa kanya.
"hindi po,san po ba siya nagpunta?"
"isang linggo na siyang umalis,umuwi ng probinsya nila,nagkasakit kasi ang tatay niya"paliwanag ng matanda sa kanya.Matamlay siyang umalis ng bahay pagkatapos niyang marinig ang lahat.
Maagang nagising si charry,sa ingay ng mga kapitbahay,pagkatapos nung umalis siya ng mansyon,bumalik siya sa bahay ng kanyang tiyahin,ngunit dalawang araw lang siya doon dahil nahihiya siyang tumagal doon kasi maliit lang ang bahay nito,kaya nangungupahan siya sa isang maliit na one room na medyo malapit lang naman sa bahay ng tiyahin nya ,..Nangangako naman ang asawa ng tiyahin niya na tutulongan siya sa paghahanap ng trabaho.
Hindi na din naman siya makakatulog kaya bumangun nalang siya at naligo.Paglabas niya ng bahay nakasalubong niya ang asawa ng tiyahin niya.at tinawag siya nito.
"mgbihis ka charry,sasama ka akin"agad na sabi nito sa kanya.
"bakit po tiyong?me pupuntahan ba tayo?"nagtatakang tanung niya.
"kaaalis lang ng clerk namin sa opisina.Sabi ko nga kay boss,may irerekomenda ako sa kanya,isasama kita sa opisina.Kaya dapat pagbutihin mo,dahil tiyak ko namang magugustuhan ka rin ni boss dela fuenta.Mahilig kasi sa magagandang empleyado yon."
Parang naintriga ang dalaga sa sinasabi ng tiyuhin.Mahilig daw sa magandang babae ang boss na pag-aaply-an niya.Aba'y dapat sigurong paghandaan niya ang pag harap niya sa among sinasabi nito.
Ngunit wala sa balak ng dalaga ang pumatol sa kahit kaninong lalaki sa ngayon.Dahil masakit parin ang kanyang puso sa mga nangyayari sa kanya. Lalo pa nga't naipagkatiwala na niya ang sarili niya.
Nakapag bihis na siya.Alam na niya ang gagawin para masimulan ang pagtahak sa landas patungo sa mundong nais maabot.
_A/N_
_vote and comment_
BINABASA MO ANG
_My First and Last Love_[on going]
Romance_Si Charry Perez ay isang probinsyana.Dahil sa hirap ng buhay ,.kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya.Kaya siya namasukan bilang isang katulong sa isang mayamang angkan ng mga Guttierez,.ngunit sa di inaasahang pangyayari nabuntis siya...