_chapter fifteen_the truth

317 7 2
                                    

                                   Pag kababa ni Charry sa sinasakyang taxi tumakbo siya agad papasok sa malaking building.Pagkalabas niya sa elevator,huminto muna siya dahil hinihingal siya.wala namang nakapansin sa kanya dahil busy ang  lahat sa kanilang trabaho.Dahan-dahan siyang naglalakad patungong office ng boss niya,bago niya ito buksan humihinga muna sya ng malalim,sabay katok ng pintuan.

                                    tok     tok    tok

                    "Pasok"sagot ng boss sa loob ng office..

                   Pag karinig ng dalaga sa sinabi ng boss,dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.Hindi na siya ngtataka kung bakit nandun ang pinsan ng boss.Pumasok siya sa loob,nakatitig lang sa kanya ang mag pinsan.      

                Humakbang siya dahan dahan papalapit sa boss niya.Kinakabahan ang dalaga.Naisip niya baka nasabi na ni Jesthony ang kanilang nakaraan.

                     "S..i....r.."nauutal na tawag niya sa kanyang boss.Napatingin din siya kay Jesthony na nakatitig din sa kanya,kaya binawi niya agad ang kanyang tingin at yumoko.

                     "Alam ko na ang lahat,"sabi ng boss niya..."My God Charry,kung hindi pa sinabi ng pinsan ko ang mga ngyayari sayo,wala talaga akong kaalam- alam.Akala ko ba nagkaunawaan na tayo?"patuloy ng boss niya.

                          Ng mga oras din na yon,hindi alam ni Jsethony kung ano ang sasabihin,lalo na ng nalaman niyang buntis ang dalaga,magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya.Medyo nalulungkot siya sa hindi pagsabi sa kanya ng dalaga sa kalagayan nito ngayun.Pero nangingibabaw ang kaligayahan niya.Naikwento na rin ng pinsan niya ang kanyang proposal tungkol sa pag kukunwaring mg asawa nila.

                    "I'm very sorry sir,for not telling you about this,"pahayag ng dalaga sa kanyang boss."Sana po maintindihan nyo po ako."patuloy niya.

                           "Ang gusto ko lang naman Charry,magiging honest ka sa akin,were friends right??"

                            "Ngayun sagutin mo tanong ko,pangalawang beses ko nang tinatanong to.Sino ang ama ng dinadala mo,si Jesthony ba.?tanung ng boss sa dalaga.

                           Sobrang kaba ang nararamdaman ng dalaga sa tanong ng boss sa kanya,napatingin siya bigla kay Jesthony na naghihintay ng sagot niya.

                                     "Hindi"sagot niya sa kanyang boss,at hindi siya nito makatingin ng deritso alin man sa magpinsan.Kasi namumula siya,hindi siya sanay sa kasinungalingan lalo na kaharap niya ang lalaking mahal niya.    

                                  "Oh come on,Charry. Kilala kita,alam ko kung,kelan ka nag sasabi ng totoo.Pero sige hindi kita pipilitin kung yan talaga ang gusto mo."mejo desappointed na sabi ng boss ng dalaga.

                                Nakahinga ng maluwag ang dalaga sa huling sinabi ng kanyang boss.  Akala ng dalaga tapos na ang kanilang pag uusap,tapos na ang problema niya hindi pa pala ng nagpapatuloy pa ito sa pagsasalita.

                               "Kailangan nyong mag-usap ng pinsan ko"patuloy ng boss niya.

    Hindi na nakapagsalita pa ang dalaga dahil tumayo na ang kanyang boss sabay labas ng office nito.Kailangan na niya sigurong harapin ang binata,para matapos na ang problema niya.

                             Naiwan ang dalawa sa loob.Nagmamasid lang sila pareho.Pagkatapos ng sampung minutong katahimikan,ngsasalita ang binata.

_My First and Last Love_[on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon