_chapter nineteen_in labor

288 7 1
                                    

                          Nagising si Jesthony ng isang tawag sa kanyang cellphone bandang alas 2 ng madaling araw.

                                      Pagkatapos niyang marinig ang pinsan niyang kausap sa phone,agad-agad siyang bumangun at nagmamadaling umalis.

                                           Pagkadating niya sa sinasabing hospital  agad agad siyang pumasok sa loob at dumeritso sa emergency.Naabutan niya doon ang pinsan na nakatayo  at hindi ito mapakali,naglalakad ito na pabalik-balik na tila balisa,kaya hindi  napansin ang kanyang pagdating.

                                              "Pinsan!"ani Jesthony sabay yakap kay Deo na panay tingin sa pintuan ng emergency room.

                                               "Oh pinsan,mabuti nandito kana."sabi ni Deo.

                                             "Kumusta si Charry?"tanong ng binata.

                                             "Hindi ko pa alam pinsan,hindi pa kase lumalabas yong doctor."sagot ni Deo.

                                           Pagkatapos ng kanilang paghihintay,lumabas na rin ang doctor ni Charry.

                    Agad-agad namang lumapit ang dalawang lalaki sa doctor nito na tila kinakabahan.

                   "Mr Guttierez,mejo  nahihirapan kami sa mag-ina mo,kaya kailangan naming ikaw ang kukumbensi sa asawa mo para pumayag siya."paliwanag ng doctor.

                               "Sige po doc,kakausapin ko,"agad na sagot ng binata

                        Hindi alam ni Deo kung ano ang sasabihin,napatingin siya agad sa pinsan na kasama ng doctor na pumasok sa emergency room, pagkatapos marinig ng sinasabi ng doctor,nagtataka ito kung bakit sinasabi ng doctor na mag ina,wala namang ibang nakakaalam tungkol sa kasunduan nila.May napag usapan ba ang mga ito na hindi sinasabi sa kanya?yan ang katanungan sa isip ni Deo.

Wala na siyang nagawa kundi ang umupo nalang sa may tabi at nag iisip.

                  Pagkapasok ni Jesthony sa emergency room pinasusuot siya ng uniporme na kagaya ng mga pasyente.

                 Naaawa ang binata ng makita niya si Charry sa loob na paika-ika na naglalakad.Ilang beses na kase ito kinumbinse ng doctor nito na kailangan nitong e CS dahil mejo  may problema,kaso ayaw nito pumayag,kaya tiniis nito palakad lakad kahit papaano makakatulong ito sa panganganak nito.Lumapit ang binata kay Charry.

                   "Hi,"ani Jesthony.

                 "Ikaw pala,"napahinto naman si Charry pagkakita sa binata.

                  "Si Deo nasaan?"tanong nito sa lalaki.

                  "Nasa labas,kanina pa nga yun hindi mapakali,nag aalala sayo."sagot ng binata.           

                 "Bakit ikaw lang pumasok".

                 "Asawa lang kase pinapasok ni Doc."ani Jesthony.

                 "Ganun ba,"

                Pinagpapatuloy na ng dalaga ang ginagawa kahit nahirapan  na,masakit pa yung tiyan,tiniis ni Charry,dahil gusto niya yong maramdaman yong sakit kung papaano makakalabas ng baby niya sa kanyang tiyan,gusto niya yung normal lang.Sabi ng doctor pwede naman daw normal,kaya lang baka daw hindi kaya nito lalo na panganay.

                Sinundan naman ng binata si Charry.

              "Char,pumayag kana kase,"

              "Ayoko,hindi niyo ba ako naintindihan?"medyo naasaar na sagot ni Charry.

              "Iniisip lang naman namin,ikaw?baka hindi mo kaya,delikado tong gusto mo,sige na please pumayag kana,"mahinahon at nagmamakaawa  na si Jesthony.

              "Hindi,kaya ko to,"nagmamatigas na si Charry.

             "Charry naman,for once makinig ka naman,paano nalang kung hindi mo kaya?"

             "Trust me ok?"sagot ng dalagang buntis

            Walang nagawa ang binata,kahit na anung paliwanag niya,ayaw pa rin itong pumayag,kaya sinabayan nalang niya ito sa paglalakad.

              Makalipas ng 8 oras na pagtitiis sa sakit,sinusuri ulit ng doctor kung malapit na ba ang ulo ng baby,nung malaman na ready na itong lumabas agad agad itong dinala  sa delivery room.

          Kanina pa kinakabahan ang binata,pero mas doble ngayon na sobrang natatakot siya sa kalagayan ng babaeng mahal niya at sa kanilang magiging baby.Hawak-hawak niya ang kamay ni Charry habang umiire ito,pati siya umiire din,nararamdaman din niya yung sakit na nararamdaman ni Charry.

              Mahigpit ang hawak ni Charry sa mga kamay ng binata,doon siya kumukuha ng lakas sa tuwing umiire siya.Pinaparamdam din naman ng binata na nandun lang ito hindi siya iiwan.

                 "Sige isang ire nalang malapit na,"ani Doctor ni Charry.na umiiling-iling.

                  Iyak ng bagong silang na sanggol ang huling narinig ni Charry,bago ito mawalan ng malay.

_vote and comment_

_My First and Last Love_[on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon