_chapter sixteen_pagkukunwari

258 5 2
                                    

                           Dumaloy nga ang buhay ni Charry sa mansion nina Badeth.Nagmistulang heredera o' di kaya'y ilustrada siya roon.Maraming katulong ,masasarap ang pagakain;may sariling driver,magarang silid.

                           Kasalukuyang nasa hardin sila isang umaga at dumating si Jesthony.Halos araw-araw kung bumisita ang binata kay Charry.Minsan naman ang binata ang kasama niya sa hospital sa tuwing may schedule ang dalaga sa check up nito.As usual,may bitbit na naman itong isang pumpong bulaklak na favorite ng dalaga.Ang dahilan ng binata dahil daw maganda sa baby ang bulaklak,natatawa nalang ang dalaga sa dahilan ng binata.

                     "Good morning,"bati nito sa kanila.

Lumapit ito sa dalaga at sabay abot sa kanyang flowers at halik sa pisngi.Nakagawian ng binata ang paghalik niya sa dalaga sa tuwing bumisita ito sa mansyon.Syempre nag iingat sila sa kanilang mga salita pag nandoon ang mga magulang ni Badeth.

                         Ngumiti ang dalaga at inabot ang binigay nito.Kinikilig siya sa mga pinakitang maganda sa kanya ng binata,sa tuwing magkasama sila,para silang tunay na mag-asawa.Malambing ito sa kanya at,maasikaso.Nagmamasid lang sa kanila si Badeth,na medyo kinikilig.

                               Habang daan,hindi umiimik si Charry,napapasulyap siya sa kanyang katabi,nakangiti itong nagmamaneho.

                                        "Kumusta na nga pala mommy mo?"biglang tanong dalaga sa binata.

                                        "Si mommy,ayun nasa states,kaaalis lang kasama si Daddy."sagot nito sa kanya.Sabay tingin sa dalaga.

                                        "Kayo ni Thea kumusta kayo?"tanong ng dalaga sabay tingin sa labas.Ewan niya kung bakit natanong niya yun.

                                        "Okay naman kami,busy kami pareho,kaya minsan lang kami nagkikita."sagot ng binata.

                                    Nanlulumo ang dalaga sa narinig,ang akala kasi niya wala na sila.Kasi palagi itong bumibisita sa kanya sa bahay ni Badeth.Katahimikan uli.Hanggang sa dumating sila sa hospital.Dali daling bumaba ang binata at pinagbuksan siya ng pinto.At inialalayan ito hanggang sa makababa...

                                  Sabay sabay  silang pumasok sa loob ng hospital,dumiretso sila sa doctor ng dalaga.Pagdating nila doon umupo sila paharap sa babaeng doctor.

                                    "Good morning dok,"bati ng dalaga,ganun din ang binata.

                                    "Good morning din sa inyo Mrs.Guttierez."balik bati ng doctor sa kanila.

Ang family name ni Jesthony ang ginamit ng dalaga sa ngayun dahil yon ang gusto ng binata.Matagal din nilang pinag awayan sa paggamit ng apilyedo ng binata,noong una ayaw talaga pumayag ang dalaga,pero mapilit ang binata kaya pinagbigyan niya ito.

                                     "Dok,malalaman na ba namin kung ano ang gender ng baby namin?"excited na tanong ng binata sa doktor ng dalaga.

                                       "Ilang buwan na ba yang tiyan mo,misis?"tanong ng doktor sa dalaga

                                      "five months na po."sagot ng dalaga.

                                      "Sige titingnan natin."wika ng doktor

          Pumasok si Charry sa isang kwarto kung saan siya e check -up.Pinahiran siya nang isang malamig na cream sa kanyang tiyan.At pinagalaw ang isang bagay na siyang nag e-examine ng kanyang baby sa loob ng kanyang tiyan.Pagkatapos ng limang minutong pag e-examine tumayo na ang dalaga,at bumalik na kung saan naghihintay ang binata.

_My First and Last Love_[on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon