Hindi bahagyang kaba ang nadama ni charry nang umagang iyon,lalo na nang iwan siya ng kanyang tiyuhin sa sekretarya ng boss na sinasabi nito.
"pasensiya na kayo,miss,medyo tanghali na kasi kung pumasok si boss."anang sekretarya. "okay lang,'banayad na tugon niya,may kasunod na ngiti.
Kakaunti pa nga ang tao sa opisina.Nasa ika-anim na palapag ito ng isang pinakamataas na buildings sa may Paseo de Roxas sa Makati.
"Much better if you will stay inside."Tumingin ang sekretarya sa pintuan ng opisina.
"Ha?"
"Oo, miss,para priority kayong makausap ni boss pagdating niya".
Abala ang babae sa pag aayos ng kung anu-anong mga papel sa ibabaw ng mesa nito.Kaya hindi siya halos mapansin nito.
Hindi malaman ng dalaga kung ano ang gagawin.Nasa kandungan niya ang isang brown envelope na naglalaman ng mga certificates at resume na dala-dala niya mula sa probinsiya.
"Sige na,Miss,Ikaw rin,mamaya lang,marami na darating dito,baka pumila ka pa,"babala ng sekretarya sa kanya.
Napilitan siyang pumasok sa loob ng opisina ng sinasabing boss.Maliwanag ang loob nito,malamig at napakaraming mga larawang nakadikit sa isang bahagi ng ding ding.Marami ring mga picture frames ng iba't-ibang produkto.
Isang advertising agency ang opisinang iyon.Ang lubos na nagpakaba sa dalaga ay ang sinasabi ng kanyang tiyuhin.Mahilig ang boss sa magandang babae.
Patunay iyon sa maraming larawan ng mga magagandang babaing nakadikit sa dingding.Maaaring isa sa mga iyon ang naging kasintahan o'di kaya'y naibahay ng boss na may ari ng opisinang iyon.
Naupo siya,patuloy na iginala ang paningin sa loob.Waring nanaginip siya na sana'y pagdating ng panahon,magkaroon din siya ng ganoong lugar.Sariling opisina.
Naitanong din niya sa sarili kung ano ang mukha ng boss na sinasabi ng tiyuhin.
Pogi ba ito o matanda?Pero tiyak niyang mayaman iyon.Dahil maganda ang opisina nito at may sarili itong negosyo.
Libang na libang siya sa loob ng opisinang iyon.Maraming naglalaro sa kanyang isipan.Waring lalong tumindi ang pagnanais niyang magkaroon ng magandang trabaho.
Sa simula,maaaring magsimula siya sa mababang puwesto,ngunit kapag nagtiyaga siya at nagsikap nang mabuti,baka dumating ang panahong magkakaroon din siya ng ganoong lugar.
Sumandal siya sa upuang nasa unahan ng malaking mesa.Tiyak niyang mesa iyon ng boss.Mariing ipinikit niya ang mga mata,nais pawiin ang patuloy na pagkaba sa dibdib.Ngayun lang siya haharap sa ganoong klaseng interview,kaya kahit na matagal na niyang pinapangarap ang mag-apply ng trabaho,kinakabahan pa rin siya.
Natatakot siya roon sa warning ng kanyang tiyuhin.
Hindi naman maipagkakaila na talagang maganda siya;walang sinumang mag-iisip na galing siya sa isang baryo sa lalawigan ng Quezon,lalo na sa asta niya ngayon.Bukod sa nakakabighani ang kasuotan,lumulutang pa ang kagandahan niya sa bahagyang make up na inilagay niya bago sila umalis ng bahay.
BINABASA MO ANG
_My First and Last Love_[on going]
Romance_Si Charry Perez ay isang probinsyana.Dahil sa hirap ng buhay ,.kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya.Kaya siya namasukan bilang isang katulong sa isang mayamang angkan ng mga Guttierez,.ngunit sa di inaasahang pangyayari nabuntis siya...