dedicated to,sweetie23 nd princesxca....thank u peoh sa inyong walang sawang pag vote and comment,i appreciate it po...sana subay bayan nyo pa po until the end....
Nagising si Jesthony dis-oras ng gabi, puro pawis ang mukha niya.Nanaginip na naman siya.Pero kakaiba ang napanaginipan niya kanina,hinahabol daw niya si Charry na may karga kargang sanggol.Hinahabol niya ito pero kahit na anung bilis niya hindi niya parin ito naabotan.Napailing ang binata.
Ilang araw na ring laman ng kanyang utak ang dalaga.Kailangan na talaga niya itong kausapin.Mababaliw na siya sa kakaisip.Pinuntahan na rin nya ang bahay ng tiyahin ng dalaga ngunit wala din ito doon,hindi niya alam kung saan ito hahanapin.
Hindi inasahan ni Charry na maging panauhin niya si Badeth isang tanghali.
"Pwede bang maanyayahan kita sa isang luncheon date?"anyaya nito sa kanya.
Sumama siya dito;alam niyang dapat na rin sigurong ibalik niya rito ang perang ibinayad sa kanya sa contract.
"Wala nang ibang paraan para malusutan ko ang problemang ito,Sir,"simula niya habang nakaupong kaharap ang boss sa isang mesa sa loob ng isang five-star na restaurant sa may Roxas Boulevard.
"Ano ngayun ang balak mo?"tanong nito.Seryoso ito,nasa mukha nito ang pagiging interesado sa mga sasabihin niya.
"Ibalik ko nalang ang perang ibinayad nila sa akin."
"Ano?"gulat na bulalas ng amo niya;hindi nito naiwasang umekis na naman ang dila sa pagsasalita.
"Para ano pa?"anang dalaga."Hindi na ako maaaring humarap sa kanila sa kalagayan kong ito."
Hinawakan ni Badeth ang braso niyang nakapatong sa mesa.
"Maaari,remember?"tugon nito."Natapos mo naman lahat ang shooting at pictorial requirements mo para sa institutional campaign ng produkto.At 'yon ang binayaran ng kompanya sa'yo.In effect,tapos na ang obligasyon mo sa kanila.Ang mahalaga lang sa kanila ay 'yong hindi ka mag-eendorso na anumang ibang product for a year."
Tinitigan ito ng dalaga;dinama niya ang kasinseryuhan ng sinabi nito.
"Yes ,Charry,"mariing bigkas nito, "It's not your fault,pagkakataon ang nagbigay sa 'yo ng lahat ng 'yan,Besides,wala namang provision sa kontratang hindi ka puwedeng magbuntis,o mag-asawa kaya,habang under contract ka sa kanila with in this year."
'Paano kung malalaman nilang magsisilang na pala ako ng baby?"
"'Yang bagay na yan ang reason kaya kita inaanyayahan sa lugar na ito."Sa ayos ni Badeth,waring nawala ang pagiging bakla nito nang mga sandaling iyon.
"I can help you solve your problem."
"How?"
Sumandal ang lalaki sa upuan,waring tinantiya muna ang sarili.Saka muling inilapit ang mukha sa dalaga."Let's make a deal,"anito."I will help you if you can help me,too."
"Hindi ko makuha ang ibig mong sabihin,sir-----"
"G-gusto kong akuin ang nasa sinapupunan mo----"
BINABASA MO ANG
_My First and Last Love_[on going]
Romance_Si Charry Perez ay isang probinsyana.Dahil sa hirap ng buhay ,.kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya.Kaya siya namasukan bilang isang katulong sa isang mayamang angkan ng mga Guttierez,.ngunit sa di inaasahang pangyayari nabuntis siya...