_chapter eighteen_malling

236 3 0
                                    

"Bestfriend,kaya mo pa bang maglakad?"nag-aalalang tanong ni Dabby kay Charry.

Kasalukuyan silang nasa mall ngayun naglalakad bumibili ng kung anu-ano.

Nagyaya kasi si Charry dahil sa bored ito sa bahay nila Deo.Nagiging busy kasi si Deo sa opisina nito,kahit na weekend.Palagi itong nasa office,gabi na kung maka-uwi.

"Kaya ko pa naman Dabby,at isa pa exercise na rin to nuh,sabi kase nung last kung pumunta sa doctor,maglalakad lakad daw ako dahil medyo malaki yong bata."sagot nito.

"Manganganak ka na pala this month ano?excited ka ba?"

" Oo naman,excited ako na natatakot."

"Bakit naman?"tanong ni Dabby.

"Natatakot ako kasi baka malalaman nila yong sekrito na to,nahihiya ako kung sakaling mangyayari yun,ano nalang ihaharap ko sa mga magulang ni Deo."

"Sana lang friend hindi nila malalaman,pati ako lagot."

"Hay,kelan pa kaya matatapos tong problema ko no,?ani Charry pagkatapos huminga ng malalim.

"Wag na muna yan problemahin mo Friend,sigurado ako may sulosyon diyan,ang problemahin natin ngayun saan tayo kakain eh puno na sa Jolibee,kung bakit naman kasi friend,hanggang ngayun naglilihi ka parin,"ani Dabby.

"Ewan ko nga ba,kung bakit gusto kong kumain palagi sa Jolibee,"sagot nito.

"Tara sa iba nalang tayo kakain friend nagutom na ako sobra,tumutunog na tiyan ko."yaya ni Dabby dito.

Walang nagawa si Charry kundi sumunod sa kaibigan,pumasok sila sa ibang kainan.Nilapitan sila ng witress,at omorder na sila.

Habang nag-aantay ng kanilang order,ngkwentuhan lang sila.

"Siya nga pala friend,hindi mo pa naekwento sa akin tungkol sa party."sabi ni Dabby sa kaharap.

"Ay naku Dabby,sobrang kinabahan ako,buti nalang hindi ako nakilala sa parents ni Jesthony."sambit ni Charry.

"E kasi naman friend,ang laki ng pinagbago mo nuh?malamang hindi ka na makikilala non,"sagot nito.

"Sayang nga eh,hindi ako nakapunta,kung bakit pa kase sumasakit pa ang tiyan ko non eh,sayang talaga makikita ko sana si James,"kinikilig na sabi ulit ni Dabby.

"Pero alam mo friend,para bang may kutob ako na parang may alam si Althea,"ani Charry.

"Ha?bakit nandoon ba siya noong party?"

"Oo,syempre magiging party na ng family nila yun noh,at siyaka friend sila ni Deo."

"Bat mo naman nasabi na parang may alam siya tungkol diyan.?"naguguluhang tanong ni Dabby sa kaibigan.

"Kung makatingin kase sa akin eh,parang papatay ng tao."sagot nito

"Yun lang?e baka naman insecure lang sayo,kase nalamangan mo."sabi ni Dabby.

"Hindi eh,parang may something talaga."

"Wag muna nga isipin yan,makakasama lang yan sayo."

_My First and Last Love_[on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon