_chapter eight_new friend and new home

318 7 2
                                    

              Tatlong linggo na ang nakalipas simula noong nalaman ni Jesthony na umalis ang dalaga sa kanilang bahay,sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga pangyayari.Sobrang lungkot niya araw-araw.Kaya nag-alala ang  Mommy at Daddy niya sa kanya.Gabi-gabi umiinum,at madaling araw na umuwi ng bahay.

              Nagsimula si Charry sa trabaho nang araw ding iyon.Ibig niyang malaman kung ano ang mga dapat niyang gampanan sa loob ng tanggapan.

            "Palagay ko,magkasundo tayo",wika  ni Dabby sa kanya habang  kumakain sila ng lunch.

        "Malakas kasi ang personality mo,masyadong matindi ang dating mo.Familiar ka kaagad sa akin."

      "Mabait ka rin,"aniya rito."Sana,maging magkaibigan tayo.Bago pa lang kasi ako rito sa Maynila.

     "Okay 'yang attitude mo.Dapat,kapag narito ka sa Maynila ,iwan mo ang provincial character.Pero ikaw,hindi ka naman mukhang promdi.Kahit nga si sir Badeth,nakuha mo agad.Alam mo bang napakataas  ng taste n'on sa mga kasamahan natin sa trabaho?Gusto n'on,magaganda."

       Pacute pa si Dabby.Ngunit maganda ito,kaya lang medyo mataba.Sa tingin niya magiging magkaibigan sila nito,mabait din at alam niyang  hindi ito plastic sa kanya.

        "Nasa advertising  kasi si Boss,kaya kahit pananamit,masyadong mapili 'yan.Pero mabait at galante.Mayaman kasi.Unico hijo---este,hija pala.Pero,hindi 'yan masyadong naglaladlad.,lalo na't nasa Pilipinas ang parents niyan,yong isang pinsan lang niya nakakaalam  sa tunay niyang pagkatao,super close niyang pinsan at ang gwapo ha,kaso engaged na daw,"patuloy nito.

                            "Teka san ka nga pala umuuwi rito sa Maynila?tanong ni Dabby sa kanya.

                            "Sa Muntinlupa."

                            "Gosh,aba'y sobrang traffic doon,a!

                            "Okay,lang,aagahan  ko nalang ang pasok."

                            "It's better kung hahanap ka na lang  ng matitirhan dito sa Makati o sa Pasa"y kaya,basta't 'yong malapit dito.Kasi,kapag may rush na trabaho tayo,'di natin tiyak kung kailan tayo pauuwiin ni Boss."

       "No problem.Trabaho naman talaga ang pinunta ko rito  sa Maynila,"anang dalaga.

Doon nagsimula ang magandang pagkakaibigan nila ni Dabby sobrang  close na sila,ito  palagi ang nagtuturo ng lahat na mga gawain sa opisina.

     Isang van ang menamaneho ni Mang Gasper,pinagsasakyan ng mga kailanganin sa kompanya,lalo na kapag may location  sa shooting sila  para sa isang commercial.

          Pagdating niya sa kanyang inupahang bahay,hindi niya napigilang umiyak,kasi namimiss niya si Jesthony,gusto na sana niyang ibaun sa limot ang lahat ng mga nangyayari sa kanya,pero hindi niya mapigilan ang sariling malungkot.Kahit na masaya siya nitong mga huling araw dahil sa kanyang bagong trabaho,pero hndi niya matiis isipin ang binata.

        Kumusta na kaya siya,masaya kaya siya,nagpakasal na kaya sila ng fiancee nito?Sana nga masaya siya.wika niya sa kanyang sarili.

       Kinabukasan, halos maghapong tahimik na itinuon na lamang ni Charry  ang isip sa trabaho.

"Bakit parang problematic ka sa buong maghapon?"tanong ni Dabby habang naghahanda ng mga  gamit sa pag uwi.

         "Wala,naisip ko lang na tama siguro ang sinabi mo sa akin na humanap ng ibang matitirhan dito sa malapit .

          "Sabi ko na sa'yo,mahihirapan ka talaga  sa traffic dito sa Maynila."Hindi naman talaga yun ang ikinalulungkot ng dalaga,kaso mapilit ang kaibigan kaya yun nalang  sinabi nya dito.Hindi pa siya handa pag uusapan ang kanyang nakaraan.

            "Baka gusto mong makipag-share na lang sa aking  apartment?"mungkahi ni Dabby."May dalawang kwarto yun.Dati ay may kasama ako,kaya lang ay umalis na siya,nag-abroad."

           Biglang niyakap ni Charry ang kaibigan."Talaga?"

           "Ano ba?Nasasakal ako."

          "Sorry."

          "Puwede na ba akong lumipat?"

         "Kung gusto mo,kahit ngayon,hakutin mo na ang mga gamit mo."

Nakapag paalam na rin si Charry sa kanyang Tiyahin na siya'y lilipat ng matitirhan.

          LALONG nagkadikit sina Charry at Dabby.

"Hati rin tayo sa pagbabayad kay Aling Melba,siya kasi  ang katiwala natin at tagapaghanda ng ating mga kailangan dito sa bahay."

      "Walang problema sa akin,"tugon ni Charry sa sinabing iyon ng kaibigan."Ang mahalaga ay nakalipat ako rito sa'yo.Alam mo,ikaw siguro ang pinakamahalagang taong nakilala  ko rito sa Maynila."

     "Bolahin mong lelang mo,"pabirong sabi nito.

     "Tigilan mo nga ako.Alam ko namang iyon din ang gagawin mo sa akin kapag ako ang nasa katayuan mo."

      "Hayaan mo,Dabby.ikaw ang kauna-unahang taong babanggitin  ko kapag nanalo ako sa lotto."

      "Babanggitin lang,hindi mo ako babalatuhan?"

     "Loka,hindi ako nataya sa lotto.Wala akong tiwala sa buenas.Mas priority ko ang magpakahirap,bago makadama ng kasaganaan."

            Waring naroon pa rin sa isipan ng dalaga ang pag nanais magtagumpay sa buhay.

"Okay ka talaga,Charry,"saad ng kanyang kaibigan."Ang tibay ng daterminasyon mo sa buhay.Dati,ganyan din ang pananaw ko,kaya nga nagsisikap din ako sa pagtatrabaho."

"Nagsisimula palang tayo,Dabby,nasa atin ang magandang pagkakataon."

A/N_positive and negative comments accepted...hindo peoh magagalit si authors...sorry for the typos guys..hope u understand....thank u...

_vote and comment_

_My First and Last Love_[on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon