Chapter 24

90 2 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-17-2018)


--

"CLASS, MALAPIT na ang ating Aluminan day!" patuwang announcement ni Ma'am Dimaculangan sa klase namin. Natuwa naman itong mga kaklase ko. Siguro, excited na rin sila na maganap yun.

Ang Aluminan day, tawag sa acquaintance party sa AH. Kada taon, ginagawa yan. Dito makikilala ang mga freshmen, tapos ang mga transferees.

"Ma'am, kailan po?" narinig kong tanong ni Bea sa gilid.

"That will be next Friday, huling Friday in this month," sagot ni Ma'am. "Susuotin niyo, formal dresses. Polo and pants for boys, then dress for girls. Girls, kahit anong dress. Kahit magkahiwalay ang shirt o blouse sa skirt, basta hindi pwede ang damit na sobrang ikli at kita na ang kaluluwa, okay?"

Sumunod naman kami.

"Dahil maghapon yun, magdadala kayo ng pamalit na t-shirt. That will be your foundation t-shirt last year, na may pantalon sa ibaba. May games din kasi na gaganapin sa hapon, so kailangan," patuloy na sinasabi ni Ma'am. "Sayo naman, Gonzaga?"

Napatingin ako kay Ma'am noong ni-mention niya ang surname ko.

"You will wear any yellow t-shirts. Kahit plain o may print, okay lang," bilin sakin ni Ma'am Dimaculangan.

"Okay po Ma'am."

"At saka pala, may intermission yata kayong mga transferees sa, from second year to fourth year. Sasayaw kayo!"

Napatingin sakin si Gab na nasa tabi ko, "Paano yan Ally, sasayaw ka?" sabi niya saka tumawa.

"Pagbigyan na lang," sabi ko. Hahhahahaha.

Biglang naghiyawan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Ma'am sakin. "Sasayaw si Ally! Sasayaw si Ally!"Napatingin na rin si Patty na nasa harap ko lang, nakangiti.

Teka... parang may masama kayong balak ah.

"Di bale Ally. Kakayanin mo yun. Naging member ka pa ng theater arts kung di mo pa kayang magpa-walang hiya?"

Napangiti lang ako sa sinabi niya, nahihiya na rin ng konti.

Napatingin ako kina Lianne at Abby na nasa likuran. Proud na proud pa silang nakangiti sakin, habang patuloy nilang sinasabi ang sinisigaw ng mga kaklase ko. Si Vhin naman na nasa kaliwang pwesto, bandang likuran, walang tigil din ang cheering niya. Ang kulang na lang, may pompoms na dala. Ang talandi talaga nito eh!

Kalaunan, pinalo na ni Ma'am ang black board para mapatahimik sa kasisigaw ang mga kaklase ko. "Shhh! Class, may babayaran kayong Php 100 pesos para sa foods and drinks, sponsored na ng school yan. Ang payment nan, until next Wednesday na lang."

"Saan po magbabayad?' narinig kong tanong ni Jovilyn.

"Sa cashier," sagot ni Ma'am. "Then ang recipt, ibibigay sakin."

"Ma'am, magre-ready po ba ng presentation kada section?" tanong ni Alex di kalayuan sa pwesto ko.

"Ay, oo nga pala. Magre-ready kayo ng maipe-present. Sasayaw ba kayo? May actingan o, ano?" sabi ni Ma'am. So may presentation na kaming transferees, tapos meron pa kada section. Waw... marami pala!

"Sasayaw na lang po!" request ni Ange sa harapan.

"Oo nga po Ma'am. Pwede po bang remix?" tanong ni Alex.

"Yes, basta, hindi lalampas sa five minutes ang ipe-present niyo," sagot ni Ma'am kay Alex. "Luistro, ikaw na bahala doon. Dapat nasa CD para mabilis nang i-play ng operator."

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon