Chapter 11

179 4 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-06-2018)

-----

"CLASS, WE have an activity regarding to our first lesson," panimulang salita ni Ma'am Macipot, ngayong nasa klase kami ng TLE. Buti pa at medyo naiintindihan ko pa ang mga sinasabi ni Ma'am, medyo kasi mahina ang boses niya kaya hindi ko gaano maintindihan ang mga sinasabi niya. "We need to group you into five, count one to five."

Nagsimula na ang bilangan, saying nga lang kasi magkahiwalay kami, si Vhin na sa group one, Lianne sa pangalawa, Abby sa pangatlo, pang-apat na group ako while Gab is on group five. Forty-three kami sa buong klase so sa isang group may walong members at ang dalawang sobra, mapupunta sa tatlong grupo, so may tatlong siyam ang members, dalawa naman ang wawalo lang.

"Class go to your groups now, group one on this side, second-" tuloy lang sa dictate ni Ma'am kung saan kami pupuwesto. Ang group namin, sa may bandang likod pupuwesto. Kasama ko sina Jovilyn, Krissy, Angela, Dave, Shane, Jean (nickname ni Jeanne), ako... at si Patricia.

"In your group, you need to choose a leader, assistant leader at secretary," instruction samin ni Ma'am. "I will give you five minutes to talk with your group."

"Hi, Ally," bati sakin ni Patricia.

"Hello, Patty!"

"Sinong leader satin?" tanong ni Angela habang nag-aayos ng buhok niya.

"Si Patty na lang," sabi ni Kris (nickname ni Krissy).

"Hindi, si Ally na lang," sabi pa ni Jean bilang depensa.

"Si Patty nga!" giit pa ni Jovilyn.

"Si Ally, matalino 'yan," sagot pa ni Shane.

Si Dave naman, hindi lang umiimik, tahimik lang siyang nanunuod sa talunan nila, and also me.

"Okay, ako na lang ang leader and Ally is our assistant. Si Jovilyn naman ang ating screatary, maliwanag," sabi naman ni Patty para matigil na ang talunan nila.

"Okay," they answered, pansin kong parang napilitan lang sila.

"Leaders, punta kayo dito," sabi ni Ma'am, at tumayo si Patty at pumunta kay Ma'am.

"Ang yabang talaga nito!"

"Ganyan naman talaga siya, gusto niya, siya ang masusunod."

Narinig ko ang mga bulong nila, malakas na nga, nagbubulungan pa. Tss, pero ang mga sinasabi nila na mayabang si Patty, totoo ba talaga?

"Ally, dapat ikaw na lang ang naging leader," pahayag ni Shane sakin.

"Hah? Bakit?" tanong ko naman na may halong pagtataka.

"Ayy, wala, basta ikaw na lang dapat," sagot niya sakin.

"Bakit? Ano bang masama kay Patty?" tanong ko.

"Mayabang kasi 'yan," singit ni Dave sa usapan namin ni Shane.

Ano? Mayabang, noong una ko naman nakilala 'yan, hindi mayabang nan. Hindi halata, mabait naman siya sakin. Imposible namang mayabang 'yan.

Nakabalik na rin si Patty sa grupo namin at nagsalita na siya, napansin kong may hawak siyang pieces of paper, para saan naman kaya.

"Okay, ganito ang gagawin natin," pasimula sa mga sasabihin niya, as she put the pieces of paper sa sahig. "May mga letters dito sa bawat papel, ia-arrange natin siya hanggang sa makabuo tayo dito ng word. Ang word na bubuuin natin si about cleaning materials at home. After natin ma-solve ito, ididikit natin ito sa manila paper at ipo-post sa blackboard. May dalawang mag-eexplain sa harapan, kaming dalawa 'yun ni Ally."

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon