Chapter 22

106 3 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-14-2018)


---

TODAY IS the day! Ngayon na ang araw ng Cook Fest dito sa Alumina High. Matapos ang isang matinding epic fail na nangyari sa elimination, na ikinapilay ng kanang paa ko. Paano naman kasi, natalsikan na, nadulas pa! kaya ang resulta... voila! Pilay!

Mga three days rin after ng insidente, pagaling na. Medyo nananakit pa rin. At saka, ang talsik ng mantika sa kanang braso ko, peklat na lang ngayon.

Nasa klasrum ako, kasama ang mga grupo ko na naghahanda para mamaya sa cooking festival. Kami kasi ang napili para lalaban sa competition. Kami lang anim ang nandito, ang iba kasi, nasa cooking field na, inaabangan nang magsimula.

Kinakabahan ako, feels ko na ang thrill sa ganitong competition. Ako pa naman walang confidence na mailalabas, first time ko lang kasi na mapasali. First time ko lang na mapanuod ako ng maraming tao. Nagsisigawan, nagchi-cheer. Kulang na lang, sina mama, papa at ate nandito eh. Di bale, kakayanin ko to!

"Ally, kanina ka pang tulala diyan," sabi sakin ni Gab, habang nainom ng tubig at umupo sa tabi ko.

"Ah... ako?" pagtataka ko.

Natawa lang siya sakin, "Ikaw talaga. Siya nga pala, kamusta pilay mo?"

"Ah... eto. Medyo masakit. Almost pagaling na," sagot ko.

"Ah... pero nakayanan mo na bang tumayo ng diretso at maglakad?"

"Oo... ako pa!" sabi ko at dali ako tumayo para magyabang—not actually magyabang pero para ipakita na may gumaling din sa pilay ko, kahit papano. Di ba? Hahahaha!

Tumayo nga ako at sinubukan maglakad. Okay... naramdaman ko ang konting sabit pa sa pilay ko at... nakaramdam din ako ng... oh! SAKEEET!

Nataplok ako sa paglalakad ko. Inalalayan naman ako bigla ni Gab.

"Gusto mo alalayan pa kita eh!" sabi niya.

"Wag na. Baka magtampo si Ivan sayo. Magagalit pa at mag-aaway kayo!" sagot ko.

"Bakit... wala naman siya dito ah!" sabi niya, saka tumawa. "Kayo na ba talaga?"

"Kahit na!" sabi ko at nakabalik na rin ako sa upuan ko.

"Wow, kaya kahit na. Kayo na ba ha? Hahaha, pag kayo na nga, titiisin mo ang pagiging galitin at masungit niyang boyfriend mo!" sabi niya.

"ANONG BOYFRIEND ANG PINAGSASASABI NITO?"

Natawa lang siya ulit, "Sus... Ally! Wag ka nang magmaangan pa. Alam ko na!" sabi ni Gab. "Alam kong naging headline sa dyaryo at halata naman sa inyong dalawa. But don't worry, hindi ko naman ipagkakalat yun. Alam lang naman nila na may ka-date si Ivan nun eh."

"Talaga lang!" patawa ko ring sabi sa kanya. "Pero yun lang ba ang nandun sa newspaper?"

"Oo, tinitignan pa rin kung may syota na siya o wala pa, at hinihinalaan nila, ikaw."

"Oy, kayong dalawa diyan, lumapit nga kayo dito!" tawag samin ni Patty, na nasa kabilang sulok ng room. Napatigil ang usapan naming nung tumawag siya. Dali na akong tumayo ako. Dahil medyo lumalala pa ang pilay ko, inalalayan pa ako ni Gab, pumunta lang sa kanila. Nakakahiya kase... hehe.

"Okay na yang pilay mo?" tanong sakin ni Andrei, habang dahan dahan akong umuupo sa upuan.

"Mmm... medyo," pangiti kong sagot. "Kakayanin ko namang tumayo at maglakad!"

"Talaga?" sabi sakin ni Patty at biglang tumawa. "Aba, dapat lang. Malaki kasi ang itinulong mo noong nakaraan, kaya dapat lang na kaya mo nang tumayo ng maayos. Patingin nga ako ng paa mo?"

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon