© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-05-2018)
-----
SECOND DAY. Whole day ko na ngayon kaya hahapunin ako ng uwi mamaya. Nauna na kasi si Papa kanina gawa ng may meeting sila ng mga investors ng kompanya namin, kaya mangomute ako. Okay lang naman sakin ito para masubukan kong bumiyahe mag-isa. Sabi ng Nanay ko, para makarating ako doon, lalabas ako ng subdivision at sasakay ako ng tricycle sa terminal. Mamamasahe rin ako, siyempre. Back and forth, 30 pesos ang gagastusin ko, kinse pesos kasi kada sakay. Buti na lang at malaki ang allowance na bigay sakin ngayon. 100 pesos ang pera ko para sa buong araw.
Habang nakasakay ako sa traysikel at bumabiyahe, napatingin ako sa paligid. Nasa shortcut na kami ngayon, papunta sa barangay malapit na pala ito sa school. Sa ilang minuto rin, nasa Barangay Looban na ako, malapit na rin ako bababa sa tapat ng AH. Noong nasa terminal na, agad ako naglakad papuntang school.
While I'm walking along the hallway, some familiar faces surround me. Second day na 'to kaya halos makikilala ko na ang mga kaklase ko.
"Alliana!" tawag sa'kin ng isang lalaking maliit pero ramdam kong terrible, hawak-hawak ang bolang pang-basketball.
Si Mart to, 'di ba? "Mart? Am I right?" pagtataka ko.
"Yes, buti at kinilala mo na agad ako. Good mor—"
"Mart, nandiyan ka pala, kanina pa kita hinahnap!" napatigil ang usapan namin nang may biglang sumingit.
Sino ba ito? Okay, naalala ko na. His name is JB, yung bestfriend ni Mart.
"Hi, Alliana. Good Morning!" Jonny said.
"Good morning din," sagot ko.
"Alam mo Alliana, kasing ganda mo ang umaga," pagbibiro sakin nito habang nagpupunas ng panyo sa mukha.
"Pambobola na naman nito, hayaan mo muna siya, iiwanan muna ang gamit sa klasrum niya eh, nakakhiya sa kanya. Bago lang siya dito," pabulong ni Mart sa kaibigan.
"Apir muna tayo!" request ni JB sakin as he let his hand take a high five with me. Inapiran ko.
"Ah, mauna na muna ako, mabigat kasi itong dala ko eh," pahiya kong sabi.
"Oh, sige!" saka ko sila iniwan doon.
Tuloy na ako sa paglalakad papuntang klasrum ko, dala ang mga gamit ko. Ang bigat kasi ng suot kong sling bag. Nandito rin kasi ang mga libro ko eh, mabibigat at makakapal pa naman. Saka itong lunch box ko, expanded envelope ko... basta marami. Naglalakad pa rin ako noong...
***BOOOOGGGGSSSHHH***
"Ang tanga nito... di tumitigin sa dinadaanan!" pasigaw na sabi ng babaeng may pagka-mataray.
Siya pala si Shane, Shane Reballos. Waw ha... akala naman nito kung sino siya, tignan niya kaya kung sinong pinapatulan niya, duh!
"Excuse me, sinong tanga?" palaban kong tanong sa kanya na parang naghahanap ng gulo.
"Sino pa naman na tanga dito! 'Di ba ikaw?"
Ah, ako pala ah? Gusto ba niya talaga ng gulo?
"Mahiya ka naman, bago lang ako dito. Malay ko bang kilala na kita?" paliwanag ko.
"Ba-bago? Ala... wait, kaklase kita di ba?," sabi niya noong bigla niya ako namukhaan.
"Oo, I'm Alliana, you know!" sagot ko.
"Ayy, sorry pala, Alliana... este, Ally. Hindi kasi kita namalayan eh! Sayang pa naman beauty mo, pasensya na ah!" pagpapaumanhin Shane, "Mga gamit mo, oh!" sabi niya hawak-hawak ang mga libro ko.
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Fiksi RemajaSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...