Chapter 16

132 4 1
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-13-2018)


---

KATATAPOS PA lang ng klase namin. Nandito pa ako sa klasrum namin at hinihintay na matapos ang paglilinis ni Abby sa klasrum, cleaners kasi siya ngayon. Sabay pa kami nan uuwi, kaya hinihintay ko siya.

Ako naman si hawak sa cellphone at nagbabasa ng eBook habang naghihintay. Nakatutok lang ako sa story na binabasa ko. Naeexcite pa ako sa mga scenes noong may nag-text sakin.

From: IvanAH

Alliana, punta ka mmya sa basketball court. Ipapakilala kita sa mga groupmates ko sa team. Pumunta ka ah, susumduin pa kita mamaya.
-IvanPogi

Kinilig ako sa message niyang yun. Hay nako, itong si Ivan talaga. Nireplayan ko.

To: IvanAH

Okay, hintayin mo kami ni Abby. J

OWW, di ko akalain na ganun akong sumagot sa kanya since pinapayagan ko na siyang ligawan ako. Mas kinikilig ako dito eh.

Nag-reply siya agad.

From: IvanAH

Okay, I'll be waiting. Ingat! :D

Woah, how sweet.

"Ally, tawa mo diyan. Mukha kang sira!" kantiyaw sakin ni Abby na nasa tabi ko na pala.

Natawa ako sa sinabi niya, "Masama bang tumawa?"

"Hahaha, hindi naman, mukhang masaya tong may manliligaw no?" bulong niya sakin.

"Che!" inarapan ko nga.

"Ano Ally, uwi na tayo?" tanong sakin ni Abby habang inaayos ang gamit niya.

"Punta tayo sa court?" request ko.

"Bakit?"

"Nandun si Ivan, may meet up sila ng team, sama ka? Sasabay ka kay Ivan di ba?"

"Oo, bakit? Nag-text ba sayo?"

"Yep!" sagot ko na may ngiti sa mukha. "Punta na tayo doon?"

"Okay!" Abby answered and we go.

--

"Wawww!" sabi ko habang papasok ng basketball court sa campus. Iba ito kesa sa una kong napuntahan to, noong nagtataguan kami kay Ivan na nagte-text pala sakin.

Naglalakad lang kami papasok at napansin namin ang mga basketball players na nagta-try out. Maingay sa loob dahil sa samut-saring dribble ng bola. Magagaling din ang mga players, napahanga na ako sa kanila.

Later on, inikot ko ang paningin ko para hanapin si Ivan... pero wala. Nasaan ang lalaking yun? Siya ang nagpapunta dito tapos tataguan na naman ako? Ano ba?

"Alliana, bakit ka nandito?" biglang tanong sakin ni Gab na nagdi-dribble ng bola sa tabi ko.

"Ah... pinapunta kasi ako dito ni Ivan, sasabay din naman kami sa kanya after nito," sagot ko. "Sabay kami ngayon uuwi."

"Ahh..." sagot niya. Biglang napatigil ang pag-dribble niya at napansin kong kumulimlim ang mukha niya.

Napatingin ako sa ibang direksyon at yun, nadito na rin si Ivan, kasama si Chester. Magkasama talaga ang mag-BFF na ito eh.

"Hi, Ally. Nandito ka na pala?" bati ni Ivan sakin.

"Oo, nasa harap mo na nga di ba?" pagbibiro ko.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon