© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-17-2018)
---
DUMATING NA rin ang itinakdang oras. May laban muna kami sa 8B. Sa totoo lang, walang practice ang nangyari saming dalawa ni Gab para dito. Ngayon ko lang naman kasi nalaman na may laban kami eh. Sorry naman, hindi ako totally athlete after all, kaya di ako madalas tumitingin sa schedule.
After ng ilang service, offense at defeanse sa laban, kami ang nanalo. Kami na rin ang nanalo laban sa 9C at 7A. Buti naman, kaya kami, may chance na makapasok sa championship games.
After nun, dumiretso ako sa court. Laban ng basketball ni Ivan ito laban sa third year! Nagchi-cheer ako sa kanya.
"Ivan! Go! Kaya mo yan! I love yoooooooo!~" sigaw ng isang seniors na babae. Mukhang kaklase siya ni Ivan. Tuminik naman ang puso ko dun, how dare is she to say that? May nagseselos naman diyan. (Wow lang ha, affected agad?)
Baka naman fans lang ni Ivan yun, siya kasi sa team maraming cheer leaders. Kuwento pa nga sakin ni kuya Chester, maraming babaeng fans si Ivan at simula noong pumasok siya sa team nila noong freshmen palang siya, marami nangbabaeng nagkaka-crush sa kanya, pati nga mga dating estudyante, todo ang cheer sa kanya eh.
Pero ako pa rin ang girlfriend niya—opps, nililigawan pa lang niya ako. Assumera ka Ally!
Pinapanuod ko lang siya, nakangiti pa. Kinikilig ako. Ibang klase kasing maglaro si Ivan, lalo na at mga Juniors ang kalaban nila. Kelan kaya ang match nila sa sophomores? Sana huwag nang mangayri ulit ang away noong one on one nina Ivan at Gab. Kasi sure akong silang dalawa ang magiging captain sa bawat team, si Ivan sa Seniors tapos si gab sa aming Sophomores. Huwag naman sana.
Noong half time na nila, sinabihan ako ni Abby na ibigay ang binili niyang snacks para kay Ivan sa section nila. Pero pagdating doon, iba ang nakita ko.
"Ivan, gusto mo ng sandwich na to?" tanong ng isang babae na nag-cheer din kanina sa kanya.
Tinignan ko ang masama si Ivan. Sige, tanggapin mo lang...
"Ayoko," sagot ni Ivan.
"Sige na Ivan ko, masarap yan, gawa yan ng nanay ko," pagpupumulit pa ng babae. Talaga bang iniinsulto mo ako? Sampolan ko nga.
"Ivan ko, pagod ka na ba?" singit ko sa usapan nila. Kinuha ko ang panyo ko at pinunas sa mukha niyang pinagpapawisan. Tignan lang natin kung makasagot ka pa.
"Oh! Ally ko, kamusta ang laro kanina?" malambing na tanong sakin ni Ivan habang pinupunasan ko ang pawis niya sa mukha.
"Hmm... okay naman," sagot ko, malambing pa sa kambing. "Nanalo pa nga kami eh!"
"Wow, naman..." sagot ni Ivan, sabay niya ako niyakap. "Ang galing galing talaga ng baby ko!"
Ngumiti lang ako. Tinignan ko yung babae, galit nag alit. Oh, ano ka ngayon?
"How dare you to flirt my Ivan?" masungit na sigaw sakin ng babae. Nagtatanong ba siya, o sinisigawan ako?
Napatingin ako sa kanya, tarayan ko nga.
"Ivan mo? Waw, o edi sayo na," sagot ko while I raise my right eyebrow.
"Ally?" pagpipigil sakin ni Ivan.
"Inaalagaan, wala kang karapatan na gawin yan," sagot niya. "Bakit? Sino ka ba?"
"Ako si Alliana Gonzaga, ang girlfriend ni Ivan de Castro," sagot ko, emphasizing the word 'girlfriend'. O yan, di siya makasagot sakin. "Eh ikaw, sino ka ba?"
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
JugendliteraturSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...