© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-06-2018)
------
LUNES NA rin... pagkatapos ng isang gabing sleepover kina Abby. Kahapon, mga alas-otso na kaming nakauwi sa kanya-kanya naming bahay. Si Vhin pa nga kahapon, parang lasing na umuwi sa kanila. Kulang na lang, batukan ng bag at unan na dala ko.
Mga bandang alas-sais na ako nakaalis sa bahay ko. At hindi na naman ako nakasabay kay papa dahil malayo ang pupuntahan niya. Ako na naman ang mag-iisang mangomute.
Habang naglalakad ako palabas ng village, may biglang bumisina ng isang pick-up na sasakyan. Tumigil ito sa tabi ko, at biglang may nagbukas ng bintana.
"Ally, maglalakad ka lang?" tanong sakin ni Abby na nakasakay sa backseat.
"Oo," I answered. "Nauna na kasi si papa, kaya ako na lang."
"Sumabay ka na dito oh!" Abby said as she opens the door sa backseat."Upo ka dito!"
"No, Ally, dito ka na lang, sa tabi ko," I heard something sa loob ng sasakyan. And that voice is very familiar to me.
"Kuya Ivan, dito na lang kasi siya!" I heard Abby is complaining to kuya... IVAN? Nandiyan siya?
"No, katabi ko!" narinig ko ang sagot ni Ivan sa loob.
"Oh, sige na nga!" sabi ni Abby, halata sa boses niya nanapipilitan lang siya. "Ally, doon ka na sa harap, sa tabi ni Ivan sa harap, makulit pa kasi si kuya eh!"
"Eh, ikaw nga!" isa pang sagot ni kuya.
"Di bale na, diyan na lang ako sa tabi niya!" sagot ko naman, at umupo na ako sa harapan. Sinara ko 'yung pintuan at umalis na rin kami. Hehe, kinikilig ang pwet ko. xD
Sa loob ng kotse...
"Ally, how's your day?" tanong sakin ni Ivan, habang nagmamaneho.
"Quite fine!" sagot ko.
"Ahh, second week mo na dito sa AH, right!" he asked again.
"Yup!"
"Ahh, kasi kahit second week ka palang dito, maganda ka pa rin," biro niya.
"Corny kuya!" Abby commented na nasa likod.
"Abby, nagpapa-impress lang sa nililigawan eh!" reklamo ni Ivan.
"Corny nga, hindi bagay!" sagot ulit ni Abby.
Natawa lang ako sa kanila.
"Ally, tinatawanan mo ba ako, na-corny ka na rin noh!" tanong ni Ivan.
"Haha, nag-almusal ba ng mais 'yan, Abby!" tanong ko.
"Hindi, bacon at sunny side up lang naman ang almusal namin eh!" sagot niya, habang natatawa.
"Wala naman 'yun eh, pick-up line sana! Na-cornyhan ka pala... sorry!" sabi ni Ivan na natatawa na rin sa corny joke niya. "I just want you to be happy today! As your suitor, di ba?"
"Hah, suitor, as in manliligaw, mukha mo naman," sagot ko naman.
"Gusto mo ngayon na eh!" said Ivan. Kinilig si Abby sa likod, ako din.
"Two weeks pa lang, agad-agad. Parang nauubusan ng panahon to! Maghintay ka!" sabi ko naman, kinikilig na ako dito, kapag kausap ko itong lalaking 'to.
"Of course, I did. Marunong naman ako maghintay eh!" patawang sabi ni Ivan.
"Aba'y, dapat lang!" I added.
"Parang mga pictures kayo, you know?" Abby asked us.
"Bakit?" sabay naming tanong ni Ivan.
"Baka mamaya, magkakadevelop na kayo!" sabi ni Abby, sumunod ang halakhak niya.

BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Teen FictionSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...