© something_kyish, 2015-2018 (Edited April 2022)
-----
ALUMINA HIGH - 'yan ang isa sa mga sikat na private schools sa Laguna. Nag-aaral diyan ang mga matatalino, sosyalin, siga, nerdy, halos lahat ng klase, nandito. Beliving or not, marami ang mga nag-aaral dito kada taon.
Isang issue ko lang kung ba't ayokong pumasok dito ay dahil sa dami ng mga estudyanteng naga-'guidance'. Marami rin bullies dito at balita ko pa, ito na ang isa sa mga worst na schools na alam ko. Tsismis lang iyon, pero kung totoo man edi 'wag na.
Pero wala na eh, huli na. My Mom already fixed my documents for transfer. From Edukasyon Academy, I am now enrolled sa Alumina High. Wala na akong magagawa. The only things left are my books, uniform, then my other supplies na needed sa bago kong papasukan.
Sakto lang din at papasok pa lang ang bagong school year at ang tanging hiling ko lang: I should adapt well! Go Ally, kaya mo yan! Paano ko nga lang simulan?
And the day has come. Today is my first day. At pagkapasok ko pa lang sa school, grabeng paninibago na ang napansin ko. Mas malaki ito kesa sa dati kong pinasukan. Mas malinis. Mas organisado.
While walking inside, I was observing things. Napansin ko ang kumpulan ng mga estudyante sa isang bulletein board. And to know, doon nakapaskil ang listahan ng mga sections. Grade Eight na ako this year at tumingin ako sa listahan ng mga estudyante. Hindi sila magkamayaw at sumisiksik pa sakin paharap! Paano ako makakahanap neto?
Gonzaga.... Gonzaga.... At... yun! Nahanap na rin kita!
Section: Oriental
Bakit ba Oriental ang tinawag sa section? Ang weird lang.
Di bale na, hinanap ko na ang room. Sa room B2-1. Ibig sabihin, sa second building, sa second floor, unang room.
aside from the signs, nagtanong-tanong ako sa mga tao dito. Lumapit ako kay ateng matabang matangakad.
"Excuse me, saan po ang Building 2?" tanong ko sa kanya.
"Ay, miss. Dumiretso ka, tapos kakanan ka." sagot ni ate.
I thanked then saka ako umalis na pumunta sa building na 'yun.
While I'm on my way, inoobserbahan ko ang school. May garden sila sa gilid, malinis, basta iba ito sa dati kong pinapasukan. May field pa sila sa labas, mas malawak.
Umakyat na ako sa hagdan ng building 2. Napansin kong sarado pa ang room kaya ang mga estudyente nasa tabing corridor. Napansin ko sa tapat ng room ko, may dadalawang estudyanteng nakatambay sa bench. Sila pa lang ba ang pumasok ngayon? Magta-time na rin ah, five minutes pa!
"Excuse me miss, pwedeng maki-upo?" tanong ko sa isang babae sabay tingin sakin. At... wait! Pamilyar siya! Nakilala ko na ba siya dati?
"Alliana?!" gulat sakin ng babae. Kilala niya ako? "Alliana, ikaw ba 'yan?! Ang ganda mo!"
"Didn't I know you?" pagtataka ko; tumawa lang siya.
"Sira ka ba, Ally. Ako ito, si Abigail. Abigail Montefalco! Abby! Remember?!"
Abigail Monte—I already heard your name before.... "Ay, ikaw na 'yan?"
"Hindi ka sure? Ako nga!"
Ay... hindi nga?!
"Ah!~" May biglang sumagi sa isip ko then... "AY OO, IKAW NGAAA!" I jumped with happiness and assurance.
Yes guys, I know her. We were friends in our young ages, one time na pareho kaming kasama sa isang workshop sa MacDo! OMG! NAGKAKAALALAHANAN PA KAMI AFTER 5 OR 6 YEARS?!
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Novela JuvenilSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...