Chapter 1

26 1 1
                                    

July 24, 2021

𝐊𝐘𝐒𝐓'𝐒 𝐏𝐎𝐕 ◉‿◉

~telelet telelet~ (phone ringing)

Ano ba to ang aga kung tumawag. Ang tagal ko pa naman natulog kagabi. Nanonood pa kasi ako ng Dora eh hehe.

"Hello? Ano ba antok pa 'ko!" inis na sabi ko.

"What sis anong oras na?" sagot naman ni Thalia.

Si Thaila isa siya sa mga kaibigan ko. Meron akong dalawang kaibigan siya and si Kleo. True friends ko talaga silang dalawa beh!

"Bakit ba? May importante ba ngayun?" kunot noong sabi ko habang nakapikit dahil sa antok.

"Girl ano ka ba?" naiinis na boses niya.

Tao malamang loko to.

"We need to go to school, 1 year nalang girl mag cocollege na tayo so move your ass Kyst, God!" dami niyang sinasabe pero wala akong naintindihan sa mga yon. Apaka ingay!

"Okay! Pero pwedeng tumahimik ka muna?" halos maibato ko yung phone dahil sa inis.

"Whatever, kita nalang daw tayo mamaya sa parking lot sa school. Bye!" sagot niya.
agad naman akong naligo, hmmm sana maganda araw ko ngayun. Nakakapagod na mag-aral Lord! Pagkatapos kong mag ayos ay nag drive nako papunta sa parking lot.

~ parking lot ~

"Ohh ayan na" si Kleo

"Oyy! kamusta mga kababayan?" sabat ko habang palabas sa kotse na kumakaway kaway pa.

"Kababayan your face Kyst! kanina pa kami naghihintay sayo." si Thalia

"Hehe sorry na, matagal kasi ako natulog kagabi, nakalimutan ko na may klase na pala" ani ko.

"Hayss, ikaw talaga! Tara na nga baka mahuli pa tayo." si kleo

"Okay" sagot ko.

Tumango naman kami ni Thalia at agad na naglakad papuntang classroom.

Saka nga pala bago ko makalimutan. Ako nga pala si Kyst Kelsie Reyes. Isa lang akong mag-aaral sa Luke Standford Academy. Isa itong sikat at mamahalin na skwelahan, marahil daw may pera yung mga magulang ko kaya ako nakapasok. Hindi kasi ako matalino para isipin na nakapasok ako dahil sa scholarship. Ang iba kasi nagbayad pa ng malaki at kailangan pang mag exam ng tatlong beses para makapasok. Samantalang ako ay nakapasok lang dahil lang lahat sa pera.

Mayayaman yung mga kaklase ko pero kumuha parin sila ng exam. Ngunit ako hindi ko kaya yon.

--------

Pagpasok namin sa classroom ay inaantok padin ako. Napaupo ako at napapikit. Makatulog na nga sandali lang naman eh. Pero bigla akong kinausap ni Thalia.

"Hey Kyst!" si Thalia na tinapik pa ang braso ko.

"Hmm?" sagot ko pero hindi ko na siya nilingon.

"You sleepy?" tanong niya at parang seryoso ito.

"Obvious ba? loko malamang. Tumahimik ka nalang, matagal akong nakatulog kagabi eh." sagot ko.

tumahimik naman siya.

"Kyst!" si Thalia ulit maree.

"Hmm? Ano ba kasi yon?"

"May recitation tayo ngayun, do you remember?

Halaaa?!!

"Hala! Nakalimutan ko" agad akong bumangon at hinarap siya.

"HAHAHAAHAHA good luck, imma sleep here matagal din akong nakatulog kagabi eh" Nang-iinis na tumatawa pa siya nang bahagya.

Not Until I Met YouWhere stories live. Discover now