KYST POV(◔‿◔)
Nasa canteen na kami ngunit may dala akong pagkain kaya nagpabili nalang ako kina Thalia ng sandwich at coke. Naka pwesto na kasi ako sa lagi naming tina tambayan na mesa, naghihintay nalang sakanila.
Nang makarating naman sila ay agad na kaming kumain. "Kyst okay ka lang?" biglang tanong ni Kleo. "Ha? oo naman, bakit naman hindi?" halata naman na nag aalala sila para sakin "Sobra na talaga yun si sir, if hindi talaga titigil yun. Ako na makakaharap niya." si Thalia habang galit na sumusubo.
Ngumiti naman ako sakanila "Ano ba kayo! okay lang yun" ani ko at kumain. "Hindi okay yun Kyst! First day na first day natin bilang seniors tapos gaganonin ka niya? Aba apaka swerte niya yata if hahayaan lang natin yun!" ibinagsak naman ni Kleo yung kutsara at tinidor niya "Tama ka Thalia! Walang dapat gumanon kay Kyst! Humanda nalang talaga yung matanda na yun!" galit na ani niya.
Hinayaan ko nalang sila. Wala naman akong laban sakanila dahil hindi talaga yan magpapatalo.
Habang kumakain kami ay may biglang tatlong lalaki na nasa harap namin. Itinaas ko naman kunti yung mukha ko para makita kung sino yon. Ang nakilala ko lang ay yung lalaki kanina na masungit tapos katabi ko pa! Tinignan ko lang sila at bumalik uli sa pag kain. Baka naiingit lang sila sa pagkain ko no? Bigyan ko kaya?
"What?!" inis na tanong niya. "Bakit anong kailangan niyo?" si Kleo na yung sumagot. "I want you three to leave, I want this table" parang tangang sabi niya, bakit kasi hindi na lang mag tagalog? "Why? kami yung nauna dito" sagot niya uli.
"Bro doon nalang tayo umupo, they are here first" sabat naman nong kasama niya.
Mabuti pa yong dalawa parang mabait lang! "Bakit ano ba gusto 'niyo?" lumingon ako sakanila habang sumusubo. "Oh right! that girl is dumb, she can't understand english!" sabi ng masungit na katabi ko."Ano ba kasi yon? Tinatanong ka ng maayos, para ka namang tanga na nagagalit agad. Mag tagalog ka kasi!" Naiinis na sabi ko pero pinigilan kong ipakita yon. "Nagsasalita ako ng maayos dito babae ngunit napaka bobo mo at hindi ka nakakaintindi ng english!" galit na sabi niya.
"Bro wag na, babae yan" sabat ng kasama niyang lalaki.
"Tagalogin mo kasi yung gusto mo para maintindihan kita lalaki. Ikaw nga yung bobo dahil sigaw ka ng sigaw hindi naman kita maintindihan. Pano tayo magkakaintindihan n'yan?"
Parang nakaintindi naman siya sa sinabi ko at nagsalita ulit. "Gusto kong umalis kayo dito dahil gusto ko dito ako uupo" Nakakatawa lang dahil pansin na pansin na sinusubukan niya talagang kontrolin ang kanyang pasensya.
"Oh? Yun lang pala eh! Kesa sigaw ka ng sigaw jan lalaki, wala akong naintindihan!Tara na nga gurls!" ani ko at akmang tumayo. "Eh teka teka! Bakit dito? May ibang upuan naman doon." tanong ko.
"Hindi ko gusto roon at malapit din sa aircon!" bumalik ulit yung malditong mukha niya. Kaya tumayo na lang kami at lilipat na sana nang bigla magsalita ang kaibigan niya.
"Hey! Pasensya na sainyo, sadyang ganyan talaga yan si Kei. Ako nga pala si Kenji" inilahad niya ang kanyang kamay. Tinanggap din namin yun. "Hi I'm Kleo" "Thalia" ngumiti naman ako "Ako si Kyst"
"I'm Cree, pasensya na din" nagsalita din yung isa na kaibigan nila. "Tss, wala yun" ani ko at naglakad na kami sa mesa na walang tao.
Hindi ko napansin na pinag titinginan na pala kami ng mga tao sa canteen. Ang masama pa ay parang galit sila sa amin! Palibhasa kasi pogi yung mga yun. "I can't believe this, may kaibigan din pala yun si Mr. Sungit!" si Thalia. "Oo nga, mabuti na lang na mababait pala yung dalawa!" sagot naman ni Kleo at uminom ng tubig.
Swerte din niya na nakahanap siya ng kaibigan at mababait pa! Hindi ko kasi gusto na may kaibigan akong maldita at masungit. Nakakawala ng mood kasi pag ganon. Kung masungit naman sila or ako ay siguro ay may dalaw or kalokohan lang.
