Chapter 8

7 0 0
                                        

KYST'S POV

Hinanap ko naman si Finn ngunit wala na siya rito. Bigla namang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa.

From: Unknown
11:41 AM

We're in the gym, its lunch time already.

Hindi na ako nagtanong pa at naglakad na papuntang gym, gutom narin kasi ako.

"Oy Harvey!" tawag ko sakanya ng makita ko ito. Tinignan niya lang ako at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi pa ata ito nakaka move on don sa tinawag ko siya ng unggoy.

"Gusto mo suyoin kita? Ha! wala naman akong ginawa ah?" Ano to kahit kaibigan kailangan na din suyoin? Gawin niyo nalang kaya akong hatdog?

"Talaga ba?! Wala kang ginawa? Ano nga yung sinabi mo sa akin kagabi?" mataray na tanong niya. Nag isip naman ako saglit "Unggoy" sinamaan niya naman ako ng tingin "Inulit mo pa! Tibay!"

"E tinatanong mo eh!" hindi niya ako pinansin. "Ganon? Bahala ka na nga! Bakit kasi ayaw mo sa unggoy na ang cute kaya non?!" ani ko at inis na umalis.

----------

"Oh Kyst! Mabuti at nandito ka na, san ka pala galing?" si Cree. Tinignan ko naman silang lima. "Ahh doon may kinausap lang" ani ko.

Bigla namang may umakbay sa akin sa likod at umupo.

"Talaga? Tinawag mo'kong unggoy dahil cute ako?" ngumingiting tanong ni Harvey.

Nabilaokan naman bigla si Thalia. Kaya inabutan siya agad ni Kleo ng tubig.

"Umalis ka nga! Slow!" inis na sabi ko sakanya. Tumawa naman ito at ginulo yung buhok ko. "Dito na ako kakain, pwede ba yon?" tanong niya at tinignan sina Lia. "Ha? Ahh- okay sige" sagot ni Lia.

Ako naman ay hindi ko na sila pinansin at agad na kumain. "Wag ka ngang ganyan Kyst, baka mabilaokan ka nyan!" si Harvey at hinampas ko naman yung braso niya "Tumahimik ka nga, dami mong alam" nag pout naman ito at kumain, hindi parin nawawala ang ngiti niya.

"Naka druga ka ba?" biglang tanong ko. Agad naman siyang napalingon sakin "Hoy loko ka talaga! Huwag ka ngang sumigaw!" binatokan niya ako.

"Can we all eat peacefully?" biglang sabat ni lalaki. Tumingin naman kami sakanya at tumahimik. Seryoso kasi ito, yung aura niya nakakatakot.

"Uhm sorry" ani ko at kumain. Ng matapos kumain ay may ibang games pa daw ngunit hindi na ako sasali or manonood man lang. "Cree at Kenji, pupunta ba kayo sa pa games mamaya?" tanong ko at ngumiting tumango naman sila. "Ahh sige kayo na bahala kay Kleo at Lia ha?" ani ko. "Oo naman syempre Kyst" si Kenji.

"Mag-ingat kayo Lia and Kleo ha? text me if something happens" ngumiti naman sila sa akin "Sure ma'am!" sabay na sagot nila.

Umalis naman agad sila dahil in magsisimula na yung palaro. Lumingon pa sila sa amin at kumaway naman ako.

"Ikaw ba yung nag text sakin kanina?" tanong ko habang nakatingin parin kina Lia. "Yes" tumango naman ako at kinuha yung phone ko at enedit yung name niya.

"Lalaki? tss!" bulong niya. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na. "You know that girl pala?" tanong ko at nasa likuran ko lang siya. "Umm, I know her face because it annoys me but I forgot her name" Nag roll eyes naman ako at dumiretso sa tent ko.

"So why are we here?" bored na tanong niya. "Kung hindi niya nakita kung sino yung mga yun, pano natin malalaman kung sino ang may gawa nang mga yun kina Lia?" wala sa sariling tanong ko.

"Yep, it's not really that easy, lalo na't walang cctv dito" ani ni Finn. Tumango naman ako bilang pag sang-ayon sakanya. "But may kilala akong mga gangster dito, I just have to call someone para malaman kung sino sakanila ang may gawa non" dagdag niya.

Not Until I Met YouWhere stories live. Discover now