Chapter 11

11 1 0
                                        

KYST'S POV

New day, new day of kabobohan.

Hayy ang sarap pala matulog ng ganito kaganda na kwarto. I can be here all day kahit 1 year pa! with music dapat dahil hindi ako mabubuhay pag wala yon, skl.

Ano naman susuotin ko ngayun? Dare niyo nga akong mag pajama sa skwelahan. HAHAHAHA charot

Inayos ko muna yung kama at nag toothbrush. Hindi muna ako makakaligo dahil wala akong pampalit na damit. Manghihiram nalang ako kay lalaki dahil hindi ko naman kasya yung damit ng kapatid niya. Oo maliit ako pero hindi kasing liit ng 8 yrs old ano!

Lumabas ako at ang tahimik pa, tulog pa yata sila. Nakita ko naman yung parang yaya nila.

"Hii po, ako po si Kyst" ngumiti ito "Ahh ikaw pala yong sinsabi ni Zekaia, bakit ang aga mo naman gumising iha? wala pang 5 ah?"

"Opo, niyaya kasi ako ni Zekaia na maglalaro daw kami. Sinabihan ko namang e tatry ko. May klase na rin po kasi ngayon kasi monday." tumango naman ito "Ahh sige iha, bakit ka pala narito?" tanong niya. "Magluluto po, okay lang ba?" nagulat siya "Hindi na kailangan iha dahil may cooker naman sila" ngumiti ako "Okay lang ho"

Nagsimula naman akong magluto. Ang lulutoin ko ay fried egg, adobo, at pancake. Marunong akong magluto dahil tinuroan ako ni manang sita.

Ng matapos ko iyon ay nilagay ko na iyon sa lamesa at naghanda narin ng kape. Sabi naman ni manang nila dito na gatas daw yung gusto ni Zekaia kaya iyon ang tinimpla ko sakanya. Mga 5 naman ay gising na yung mommy at daddy ni Finn.

"Oh Luna? Ikaw ba ang nagluto? Napaka aga mo naman magising!" ani ng mommy niya. Ngumiti naman ako "Opo, pasalamat ko nalang po iyan dahil sa pagpapa stay sakin dito."

"You're so sweet iha, you don't need to do it but thank you" nakangiting sagot niya.

"Can you wake up Finn? yung pinto ay may pangalan niya kaya mahahanap mo rin iyon." tanong ng papa niya. "Ha? Eh-" hindi ko alam ang isasagot ko. "Don't worry Luna hindi magagalit yon" tumatawang ani ng mommy niya. "H-a? okay po" utal na sabi ko at umakyat na.

Napakalaki kasi ng bahay nila kaya matagal ko nahanap kung saan yung kwarto niya. May pangalan nga ito pero hindi mo agad mahahanap dahil sa laki ng mansyon nila!

Kumatok muna ako ngunit hindi siya sumagot. Inulit ko pa ngunit wala pa rin. Pumasok naman ako, ayon tulog na tulog siya ngunit ang pogi parin. Unfair ng life!

Tumalikod pa ako ng na realize kong wala siyang suot na top. Tinakpan ko naman agad yun ng comforter niya. Pagtingin ko sa mukha niya ay biglang gising na pala ito.

Tinaasan niya ako ng kilay "H-a? hindi kasi yon, sabi kasi ng papa mo na gising kita kaya nandito ako" nauutal na sabi ko. Bakit ba kasi ako nauutal?

"leave, it's still early" ani niya at tumalikod sakin.

"Ako nga, gumising ako ng 4:30 am dahil maglalaro daw kami ng kapatid mo. Sinabihan ko kasi siyang e tatry ko ngunit hindi ko naman naiintindihan yung sinasabi niya. Akalain mo yun na bata lang siya pero like daw niya yung magbasa at mag learn new things daw. Eh yung bata pa ako, ang gusto ko ay maglaro ng barbie, jackstone yung mga ganyang laro lalaki. Alam mo ba yun? Hindi pa nga ako nakakaligo dahil wala akong damit eh! Nagluto rin ako kasi gusto ko lang magluto, nakausap ko rin yung yaya niyo at sabi niya na may cooker daw kayo pero nagluto parin ako, alam mo ba yon? Pero ang tanong ko talaga lalaki ay ano yung scrabble? yon daw kasi yung lalaroin namin ng kapatid mo ngunit hindi ko alam iyon." mahabang sabi ko.

Not Until I Met YouWhere stories live. Discover now