KYST'S POV
Friday na ngayun. Ano na naman kaya ang mangyayari sa araw nato. Nasa parking na ako ng skwelahan at papasok na sa gate.
Kinuha ko yung phone ko dahil tumunog ito.
From: Lax
7:01 AMKyst, nasan ka? I need to talk to you.
Nagreply naman agad ako.
To: Lax
7:01 AMNasa gate, papasok nako. Hihintayin nalang kita dito?
From: Lax
7:02 AMYes, I am coming na.
Mga ilang saglit naman ay dumating na siya.
"Bakit?" tanong ko at kinuha niya yung bag ko. "Okay ka lang? Sabihin mo lang if kailangan mo ng tulog ko." Ngumiti naman ako "Tss! Kaya ko to no? ako pa!"
"I'm serious tho, just call me. Pag yan hindi pa natigil makikisali na talaga ako Kyst. Ginugulo ka ba nong Harvey?" umiling naman ako sakanya. "He's annoying pero 'di naman siya masamang tao"
"Eh yung Finn? balita ko palagi mo daw yun kasama?" seryosong tanong niya at tumawa naman ako "Ako pa nga yata ang nang gugulo sa buhay niya." tinaasan niya ako ng kilay "You like that Finn, didn't you?" napalingon naman ako sakanya. "What the hell? hindi no! He's just handsome pero ang sungit!" maang ko agad.
"Too defensive, not so you" sabi niya at inakbayan ako papuntang classroom.
Bakit ba kasi ang defensive ko masyado don? Baka nabigla lang kasi. Hinatid niya pa ako sa room. Nagsigawan naman ang mga babae ng makita siya.
"Lax, baby! Why are you with Kyst?" tanong ng babae. "It's none of your business" sagot nito at tumingin sakin bago umalis. Isa din siyang masungit!
"Why are you with Lax?" si lalaki at tumingin naman ako sakanya. "It's none of your business" pang gagaya ko kay Lax at tinaasan niya ako ng kilay. Tumawa naman ako "Gusto niya lang daw akong makausap" pagkatapos non ay nagbasa na siya.
"Ano na pala balita nong kina Lia?" hindi siya lumingon sa akin. "I still don't know it yet" kumunot naman ang noo ko. "You're lying" sa wakas lumingon ito sa akin. "I'm not" ani niya at hindi na ako pinansin.
"Lalaki sabihin mo na kasi sakin! Kailan ko malaman kung sino ang mga yun" pamimilit ko. "Babae, I can do it alone. Don't worry I'll get rid of it." so meron na nga talaga. Sino kaya ang mga yon? Ahh! I'm dying to know who is it!
Si harvey naman ay baka nahihiya na yun dahil sa nangyari kahapon. Hindi niya naman kasalanan yon. Mabait yon at masaya kausap.
Pagkatapos ng klase ay pauwi na kami non. Nag-usap muna sina Finn at yung dalawa, naghinala naman ako ng hindi sila sabay umalis. May kausap kasi ito sa telepono at mukhang seryoso siya don. Well, seryoso naman siya lagi pero iba yung hangin ngayun eh! Parang hinihintay niya pa akong umalis eh!
"What are you staring? Go home" ani niya at umakto naman akong uuwi na. Umikot nalang ako para hindi halata. Hinintay niya talaga kasi akong lumiko eh! That makes it more suspicious.
Ng makalayo na ito medyo, don ko na siya sinundan. Alam niya sigurado yung sasakyan ko kaya hindi ako lumapit masyado sakanya. Mukha namang tama ako dahil hindi ito daan pauwi sa bahay nila. Ano ba kasi ang nakain nento?
Palabas na ito ng city. Maraming madadaanan na mga kahoy. Nakakatakot naman kung gabi dito. San ka ba pupunta!
Calling unknown~