Chapter 17

4 1 0
                                    

KYST'S POV

"Hii manang! San si kuya?" bati ko kay yaya Sita ng makita ko ito. "Nandon na sa kwarto niya, mas maaga siya umuwi sayo kagabi ngunit natulog agad siya" I smiled at inakbayan si manang "Ahh mabuti't dito na siya titira ano manang? masyadong mahal niya yung condo niya at hindi gustong iwan HAHAHA"

"Salamat nga at titira na ulit siya dito, sabi niya sa akin ay tumira lang siya sa condo niya para daw sayo" I smiled widely

"Oo nga manang, sabi ko naman na wag niyang gawin yun. Ang sabi ko lang ay wag niyang ipagkalat na kapatid niya ako. Pero naiintindihan ko naman siya manang na hindi niya matiis yun dahil hindi naman talaga dapat ikinakahiya ang ganito kagandang kapatid"

"Ewan ko sayo iha! nung una ay napaka mahiyain mo, tapos ngayun mataas na confidence mo! Inspired ka ano?!" biro niya at tinulak pa ako ng bahagya. Tropa ko yan si manang guys HAHAHA

"Hala manang hindi po ano! may kaklase kasi akong masyadong mataas ang tingin sa sarili niya siguro naiimpluwensyahan na ako non, masamang balita!" maarteng sabi ko at napatakip pa sa bibig.

"Napaka kulit mo na iha! Sino ba iyang kaklase mo?"

"Pakilala ko sayo kung pwede manang, kaso masungit eh! Let's see nalang manang" kumuha naman siya ng baso at nilagyan yun ng tubig. Nag pre-prepare kasi siya ng breakfast.

"Sige manang, I'll wake the dragon na" sabi ko at tumakbo papuntang taas.

Pinatid ko yung kwarto niya "Dora dora dora the explorer! Gumising ka na sabon! WAAHHHH NA MISS KITAAA!" tumakbo ako sa kama niya at akmang yayakapin ngunit agad na tumayo ito at umiwas.

"Yuck Luna! napaka aga ha?!" humikab pa ito.
"Yuckie ka din! Tara na!" tumakbo ako sakanya at inakbayan siya. "Omg kuya! should we sabay papuntang school?" excited na sabi ko.

"Ang kulit na ng kapatid mo Lax!" si manang.

"Oo nga manang, ang sarap e sako!" hinampas ko siya ng slight "Namiss talaga kita sabon eh! Huwag ka nang umalis HAHAHAHA"

kumunot naman ang noo niya at sinamaan ako ng tingin "It looks like you're happy about me not being here" I pouted "I'm just happy na nandito ka na" nawala naman yung sama ng tingin niya at kumain.

I started eating na rin. Pag gising ko pagkatapos mag pray ay dumiretso agad ako pababa dahil alam kong nandito na si kuya. Hindi muna ako naligo para makita si sabon.

Pagkatapos kumain ay umakyat na'ko at naligo and nag-ayos.

Ngayon ay sinuot ko na yung uniform namin, napaka iksi pero simula daw ngayun ay hindi na daw makakapasok ang hindi naka uniporme kaya no choice ako beh!

"Kuya tara na!" sumigaw ako habang pababa sa hagdan. Nakita ko naman siya sa pinto na naka cross arm. "Kanina pa ako nandito, ang tagal mo!" tumakbo naman ako at hinatak siya. "Byeee manang!" I shouted.

"Huwag ka ngang ganyan Luna, makikita ang pwet mo kaka talon"

"Bakit kasi ganto yung uniform? napaka panget kuya!" inis na sabi ko at tumatango naman ito. Tss!

Safe naman dahil naka shorts ako pero ang iksi parin!

Binuksan niya naman yung kotse niya kaya pumasok narin ako. Hindi ko alam ano tong kotse niya pero Mercedes Benz daw. Wala naman akong alam sa mga kotse.

-----------
Nasa parking lot na kami ni Lax. Gaya ng inaasahan ko ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Inakbayan ko naman si kuya at hindi ko nalang pinansin ang people.

"Masyadong maganda ang kasama mo kuya kaya pinagtitinginan tayo" bulong ko at tumingin siya sa akin.

"Stop dreaming Kyst" ani nito at sinamaan ko lang siya ng tingin.

Not Until I Met YouWhere stories live. Discover now