Chapter 3

13 1 0
                                        

KYST'S POV (θ‿θ)

Wednesday na ngayun at gaya nga ng sinabi ni President Kristell ay walang klase. Ang gagawin ko lang ngayun ay pupunta ako ng mall para bumili ng mga gamit or pagkain na kakailanganin ko para sa camping.

Tinawagan ko na sina Lia at Kleo ngunit hindi daw sila free ngayun. Si Lia ay may pupuntahan daw kasama ang pamilya niya habang si Kleo naman ay pupunta lang sa library. Si Kleo ay parang isang nerd pero hindi halata. Hindi kasi siya ganon manamit at hindi tahimik. Parang normal lang na tao sa Pilipinas, ganon!

11:31 na ng umaga at tanghalian na. Kaya bumaba na ako sa kwarto at sakto naman na nakita ko si mom and dad. "Hi Kyst, goodmorning!" bati nila sa akin. Bumati din ako sakanila at umupo na.

Habang kumakain naman ay don na ako kumuha ng chempo para magpa-alam na pupunta ako sa mall dahil may camping.
"Ma pupunta po ako ngayun sa mall, kailangan kong bumili ng kakailanganin ko dahil may camping daw kami bukas" maayos na sabi ko. "Aba may camping pala kayo, oh sige basta mag ingat ka ha?" si mom. Ngumiti naman ako at bumaling kay dad and tumango naman ito bilang pag sang-ayon.

Pagkatapos kung kumain ay nag bihis na ako. Marunong naman akong mag drive kaya nag drive nalang ako papuntang mall buti nalang at walang check point!

Una ay nag grocery muna ako, foods and drinks ganon. Pagkatapos naman ay namili nalang ako kung ano yung magugustohan ko. Bumili din ako ng fujifilm instax kasi memories to eh!

Habang palibot-libot lang ako doon at may biglang tumawag sa pangalan ko. "Kyst?" nilingon ko naman kung sino yon. Yung kaibigan ni lalaki and magkasama pala sila. Ngunit nakalimutan ko yung pangalan ng dalawa. "Pasensya, nakalimutan ko kung ano ang pangalan ninyong dalawa, ano nga pala name niyo?" tumawa naman yung isa at sumagot "This is the first time someone forgot our name, anyways I'm Kenji, Kenji Silvan" may sinabi siya nung una ngunit hindi ko nalang pinansin iyon, nakakapagod ng magtanong.

Ngumiti na lang ako sakanila "Ahh nag bebenta ka ba ng van?" tanong ko at kumunot naman ang mga noo nila "Silvan, Kenji sell van. Gets niyo ba?" tumatawa na sabi ko. Seryoso naman sila kaya huminto na lang ako.

Nilingon  ko naman yung isa "Cree Javier" tumango naman ako "Ahh sige, pasensya ulit." Nakita ko naman si Finn na bored lang at nakatulala.

"Lalaki!" tawag ko sakanya at salubong na kilay naman siyang tumingin sakin. Bakit parang araw-araw siyang may dalaw? "Nakatulala ka kasi, okay ka lang?" at umiling lang naman siya bilang sagot.

"Ha bakit lalaki?" tanong ni Kenji na halatang nagpipigil ng tawa. Siya yata ang pinaka makulit sakanilang tatlo. "Ahh, diba yung nag kasagotan kami sa canteen ay tinawag niya akong babae, kaya siya naman si lalaki" Doon lang siya tumawa ng malakas at inuubo na ito sa walang tigil na kakatawa.

"Hey Blaine! Someone just got you a nickname!" sinabi niya yon habang tumatawa. Hanggang sa napaubo siya ulit at doon na siya tumigil. "You deserve it" bulong naman ni lalaki.

"Sige pasesnsya na ulit, mauna na ako" paalam ko naman sakanila. "Kung sumama ka nalang sa amin Kyst, tutal madami na ang dinadala mo at maglilibot ka pa?" sabat naman ng isa nilang kaibigan na si Cree. "Oo madami pa akong bibilhin eh! Kung sasabay ako sainyo ay disturbo lang ako and wag kang mag-alala kaya ko naman to" ani ko at pinakita ang mga cellophane na dala-dala ko dahil iyon na ang mga nabili ko. Pero bigla namang inagaw yun ni Kenji at Cree. "Hala akin na yan!" ano ba to sila magnanakaw? Hala tulongan nyo'ko!

Not Until I Met YouWhere stories live. Discover now