Chapter 19

4 0 0
                                        

KYST'S POV

"Ate Luna? Gising na po ate" rinig ko na tawag ni Zekeia sa akin. Sabado na ngayun at naramdaman ko naman yung mga sugat ko. Masakit pero kunti na lang.

"Bakit anong oras na ba?" antok pa rin na sabi ko. "It's 9:32 am, get up now" biglang ani ni lalaki. Hindi ko naman alam na nandito din pala siya.

"Maaga pa yan diba?" nakapikit pa rin na sabi ko. "But you need to eat breakfast na ate" sagot ni Zek at dumilat naman ako.

Kinalukot ko pa yung mata ko bago umupo at humikab na tumingin sakanila. "Maglalakad pa'ko papunta ron?" tanong ko. "No, we brought food na" si lalaki at inilagay naman yun sa tabi ko.

"Hindi pa ako nakaka toothbrush eh"

"Edi mag toothbrush ka" he said it calmly pero hindi pa rin nawawala ang tono ng pagiging sarkastiko niya. "Tss sungit!" bulong ko at tumayo.

"Wow you can walk properly na ate?" si Zek at ngumiti ako "Yes pero masakit pa rin kunti" sabi ko at pumunta sa cr.

Paglabas ko naman ay naka-upo lang sila sa may sofa. Naka de-kwatrong upo naman si Finn at maayos lang na nakatingin si Zek sakin. "Hindi ba kayo kakain?"

"Tapos na kami ate. Kuya tried to wake you up kanina pero tulog mantika ka raw" tinaasan ko naman ng kilay si lalaki. "Ginising mo'ko kanina? hindi ko narinig"

"Kulang nalang buhosan kita ng tubig" umawang naman ang labi ko sa sinabi niya. "Wow! ikaw nga ang tagal mong bumangon, ang malas ko naman dahil ako yung pinapagising ng daddy mo. And ikaw naman yung nagdala sakin rito at tapos ngayun-"

Pumikit siya "Just eat, okay?!" inis na sabat niya hindi ako pinatapos. "Tss!" bulong ko at kinuha ang kutsara at tinidor.

"Ang aga-aga at napaka ingay niyo no?" si Zek at napatingin naman si Finn sakanya. "Ayan gagalit na kapatid mo" asar ko and he just glared at me. Tinuloy ko nalang yung pagkain.

"Ang panget naman if papanoorin niyo lang akong kumain" ani ko habang sumusubo. "What do you want us to do then?" may laman na naman yung pagkakasabi niya.

"Edi tumalikod ka!" inis na sabi ko at bigla namang lumapit ito sa akin.

"Hoy zek yung kuya mo!" agad na sigaw ko at tumawa lang naman yung kapatid niya.

Kinuha ko yung unan at tinabunan ang mukha ko. Inalis niya naman yun at tinignan ako "Ano yon?" he asked and I awkwardly smiled "H-a? tumalikod ka" he rolled his eyes "Inulit mo pa talaga"

Bakit pinaulit niya ako eh! Loko ba siya?

"Let's go Zek" si Lalaki at kinuha ang kamay ng kapatid niya at pinanood ko naman silang umalis. Tinapos ko lang yung pagkain ko at naligo na. Pare-parehas lang yung suot ko na'to, magkakaiba nga lang ng kulay. Kailangan ko na yatang bumili ng damit.

Bumaba naman ako at nakita ko silang magkakapatid na nag-aaral. Grabe na to! Sabadong-sabado nag-aaral ang mga anak ni einstein!

Nagdahan dahan naman akong naglakad dahil may idea akong naiisip. Cardo Dalisay ang galawan! Ginulat ko naman sila pero ang masama ay hindi sila nagulat. Kumunot noo siyang tumingin sakin.

"What are you doing?" napakamot leeg naman ako "Hayss, ewan ko sainyo ang panget niyo kabonding" ani ko at umupo sa sofa. "Ano ba yung tinuturo mo sakanya?" tanong ko.

"Calculus" nagulat naman ako. "Ano?!" kumunot ang noo niya "What did you expect? she's advance also, I'm his idol" proud na sabi niya at tahimik na natawa naman ako. Grabe naman to nakakaiyak!

"Nung una talaga akala ko ay favorite ako ni lord. Akala ko lang pala" hindi niya lang ako pinansin. Magtatawanan nga tayo kasi ganon ang bonding!

"Pupunta sana ako ng mall, sama ka ba?" tanong ko at tumingin naman siya sakin. "You can't walk"

Not Until I Met YouWhere stories live. Discover now