KYST'S POV
Hinatid na namin sa tent nila si Kleo at Thalia. May mga guard naman na nagbabantay sakanila dahil sa nangyari.
Nandito naman ako sa tent ko at nandito din si Finn dahil nag-uusap kami kung ano ang gagawin namin roon. Mas okay narin if sa amin nalang muna yun at hindi na ipagkalat.
Kinuha ko naman yung sleepers ko at namamaga na yung paa ko.
"Putcha ang sakit" mura ko.
"That's your fault" naka cross arm na ani ni Finn.
ika-ika naman akong lumakad para humiga. Pumikit naman ako at nagulat ng kinuha niya yung paa ko.
"Bakit anong ginagawa mo?" tinaasan ko siya ng kilay "This is cold compress in case if you don't know it" sarkastikong sabi niya.
"Paano na ako makakalaro bukas?" wala sa sariling tanong ko. "Hindi ka lalaro bukas babae" walang expresyong sagot niya.
"Eh sayang, yun na nga inaabangan ko dito sa camping" inirapan niya naman ako "Well tell that to your swollen foot!" inis na sabi niya. Nag pout naman ako sakanya and he just glared at me.
"E ano bang gusto mo? Umupo lang ako dito habang nasa panganib yung mga kaibigan ko?!" mataray na tanong ko.
"Yes, I can do it alone anyway." diretsong sagot niya. Hindi ko nalang pinansin kung gaano siya kahambog don."Still, Hindi ako komportable kung ako mismo ang wala doon." sinamaan niya nalang ako ng tingin.
Pagkatapos niya sa ginagawa ay umupo ito at nag cellphone. "Sino ba ang pinagdududahan mo na gumawa nito?" tanong ko habang nakapikit.
"I don't know for now. And you can't just accuse someone without evidence." ani niya. Tumango naman ako "Oo nga, kaya lang wala talaga akong kaalam-alam kung sino iyon" narinig ko naman ang pagtayo niya kaya minulat ko yung mga mata ko.
"Aalis ka na?" tanong ko. Tumango naman siya "Why you want me to stay?" bored na tanong niya. Nahihiya naman akong sumagot "Kung pwede hehe" inikot niya naman yung eyeballs niya at umupo ulit.
Nagta-type siya at mukhang seryoso ito. Sino kaya kausap neto? Humikab naman ako at pumikit.
----------
Nagising naman ako ng mga 1:30 ng umaga. Lumingon naman ako sa gilid at nakita ko si Finn na naka-upo lang na natutulog. Kahit natutulog ang pogi ng gonggong.
"Hoy lalaki, may comforter ako don. Kunin mo nalang at matulog kang nakahiga." ani ko at tumayo naman ito at kinuha yon.
"Oh eto unan" inabot ko sakanya at kinuha niya yun at pumikit agad. Antok na antok!Nang nagising na ako ng mga 6:30 am ay wala na si Finn dito. Baka bumalik na sa tent niya. Yung paa ko naman ay masakit parin kunti pero hindi na gaya kagabi.
Nag toothbrush naman agad ako. Pagkatapos ay pumunta sa cr at syempre naligo. Ng matapos na akong mag-ayos ay pumunta na ako don sa gym, don daw kasi kakain.
Ang suot ko naman ay oversized t-shirt, jeans at sapatos. Ginawa ko namang pony tale yung buhok ko dahil baka may games, ayaw ko nang magulong buhok. Pustahan may magsasabi na "himala dahil hindi magulo yung buhok mo gaya dati!"
Dahan dahan lang ako sa paglalakad dahil masakit parin ito, pero kaya ko naman.
"Kleo! Ano kamusta kayo?" dali-daling punta ko sakanila. Ngumiti naman ito sa akin "Salamat Kyst ha! Da best ka talaga" si Kleo. Niyakap ko naman silang dalawa.
"Ano ba kayo! kung sana nga ay hindi ko kayo iniwan kagabi" hinampas naman ako ni Lia "Hoy! Hindi mo yun kasalanan beh! Kung sino man iyon ay siguradong malilintikan siya sakin!" si Lia habang sumusubo. Tumango-tango naman ako sakanya.