Chapter 12

4 0 0
                                        

KYST'S POV

Siguro may proper class na ngayun. Mukha lang akong hindi ready pero hindi pa nga talaga. Pumasok agad ako sa classroom, hindi nako pumunta ng canteen dahil wala ako sa mood pumunta doon.

Wala pa si Sir kaya umupo lang ako at pumikit. Apaka aga ko din kasi gumising kanina.

Sina Lia at Kleo naman ay wala pa dito siguro ay nasa canteen ang mga yun. Tinawagan nila ako kanina at alam nila na nag stay ako sa bahay nila Finn.

Wag kang magmadali oras dahil hindi ko gusto makita si sir Pervyor huhu. Wala nang ibang masabi sakin kundi bobo! Pasensya na ganto lang ako sirಥ‿ಥ

Mga ilang minutes naman ay dumating na sina Kleo. Kumikindat pa ito sa akin nang aasar. Sinamaan ko lang sila ng tingin dahil malayo sila sakin at katabi ko lang si sungit. Pumikit ulit ako ngunit biglang dumating na si sir.

"Good morning sir!" sininyasan niya naman kami na umupo and sinunod naman namin yun. "How's the camping?" tanong nito at ayun nagsigawan na yung mga kaklase ko. "Isa isa lang students! Sa tingin niyo ba magkaka intindihan tayo sa kakasigaw niyo?" inis na tanong nito. Sa tingin mo sir ano?

"It's good sir, There's a game na para kaming mga detective and I enjoyed it, for sure sila din. We hope na maulit iyon sir" si Dexter, oo yung classmate kong nerd.

"That's for sure too, Dexter. This school loves camping and it also enjoys and trained students. So don't worry we will do that again soon." si Sir at naghiyawan naman yung mga kaklase ko.

"Me naman sir! Umm it's so good sir lalo na yung competition ng basketball, the players are so handsome. Sayang lang wala si Finn" si Daisy at nagpa cute kay Finn. Hindi naman siya pinansin nito kahit tignan man lang wala talaga!

"Ako sir, the best part para sakin is yung event sa gym. My two bestfriend performed in the stage, yung isa kumanta at yung isa naman ay kandidato natin for the pageant. Nanalo din tayo, Nakakaproud lang." si Kleo at nagulat naman kami ni Lia at malapad na ngumiti kay Kleo.

Tahimik yan si Kleo pero saamin lang hindi. She's quiet but so sweet! nakakaiyakಥ‿ಥ

"Oo nga nabalitaan ko na nanalo yung section niyo and may student daw dito na kumanta sa camping. Sino naman yung dalawa?" tanong ni sir. Ngumiti naman si Kleo "The candidate is Lia and yung kumanta naman sir ay si Kyst" proud na sabi niya.

"Oh you know how to sing miss Reyes?" may kasamang gulat yung tanong niya. Hakdog sir.

"I can sir" maikling sagot ko. "You even can speak english now, can you sing then?" 'di makapaniwalang sabi niya. Bobo ako sir pero may talent ako no!

"What song sir?" seryosong sabi ko. "Ikaw ang bahala" sabi niya at nag cross arm at talagang tutok na tutok sakin. "Can I sing bahay kubo sir?" seryoso na may pagka sarkastikong tanong ko. Hindi niya inaasahan yung sagot ko "Just sing the song that you sang in the camping nalang" parang nainis ito.

Tumayo naman ako at kinanta yung Tenerife Sea.

"Wow free concert ba to?" rinig kong bulong ng kaklase ko. Hanggang matapos na yung kanta.

"Yea right, you can sing nga" walang ganang sabi ni sir at umupo naman ako. "Hayup ka sir" bulong ko at napatingin naman sakin si lalaki. Umiwas lang ako ng tingin at uminom ng tubig.

Not Until I Met YouWhere stories live. Discover now