KYST'S POV
Pagkarating ko naman don ay pinapasok naman ako ng guard nila. Apaka laki ng gate teh! Mansyon nga ito literal!
Nakita ko naman yung kotse ni Finn na naka park. Naglakad nako papasok at pumunta agad sa kitchen nila. Nandon sila lahat.
"Ate Luna!" si Zek at niyakap ako. Tinaasan naman ako ng kilay ni Finn. "I didn't know na may iba pa pala akong kapatid?"
"I invited her Kei, magkasama daw kayo kanina. Bakit nauna ka?" tanong ng mommy niya. "I drive faster" sagot nito at kumain. Kei pala ang tawag nila kay lalaki.
"Kumain ka na muna Kyst, anong oras na" si tito at ngumiti naman ako. "Later nalang po, magbibihis muna ako" ani ko at pumunta don sa guest room. Kahit gusto ko na talaga kumain, ayaw ko lang makasama yung loko na yun. Nag half bath nalang muna ako at nagbihis ng pai na pajama na nandon. Pagkatapos kung mag ayos ay lumabas nako at pumunta ron.
Nandon pa rin sila at nag-uusap nalang. Ahh bakit hindi pa sila umaalis?
"Oh bakit antagal mo naman Kyst?" si manang. "Hehe sorry po, kala ko kasi hindi niyo na ako hinintay" ngumiti naman si tita "No don't worry" si tita at umupo naman ako. Awkward!
"Are you angry to kuya ate?" si Zek at tumingin naman ako sakanya. "Ha? bakit mo naman nasabi?" nag-isip naman ito "I'm very observant to things specially to people. I can tell that you are uncomfortable that's why umakyat ka muna dahil ayaw mo siyang makasama kumain. Am I right?" diretsong sabi ni Zek.
Bakit mo sinabi yun? huhu
"If you don't want to see me, bakit ka pumunta rito?" si lalaki. Ahh nakakainis!
"Kei, stop being mean!" si tita. "That's right, why am I here nga ba? Don't worry I'll leave pagkatapos kung kumain" ani ko.
"No ate Luna, kuya is always like that. Kuya just shut up please!" si Zek. "What happened to you two? Are you on a love quarrel?" si tito. "Love quarrel your face dad" tumawa naman si tito.
"You stay here, it's late." si lalaki at umakyat sa taas. Pupunta na ata siya sa kwarto niya. Tumawa naman ulit si tito. "I don't know his this sweet HAHAHAHAHA"
"Dad! kuya is really sweet! since I'm little his too protective to me, He even said that I'm his princess lol." si Zek at nagulat naman ako. Talaga si Finn sweet? "Yup Kuya is too soft! Hindi mo talaga mapapaniwalaan because his too grumpy!" Ininom ko naman yung tubig ko at tumayo na. "Pasok na po ako, salamat ulit" ngumiti naman sila at umalis na ako.
Nag sound trip muna ako dahil sabado naman bukas. Ano kaya if pupunta ako ng cemetery ng 3 am. Isasama ko si Ed HAHAHA charot.
Lumabas naman ako ng mga 1:30 am dahil nagutom ako ulit bigla. Malas pa ay nandon din siya.
"Hmm why are you still awake?" tumingin siya sakin. May ginagawa kasi siya sa laptop niya. "I'm hungry" tinuro niya naman yung ref nila na hindi tumitingin. "There's some biscuits in there." umiling naman ako "I want some pancit canton, do you have that here?" kumunot noong tumingin ito sakin. "Idk that, just ask manang nalang"
Hinanap ko naman si manang and ang sabi niya ay meron daw ngunit hindi pa daw nila natitikman yun. Kinuha ko naman sa cabinet yun at nagluto. Basic masyadong lutoin and madali lang maluto. Ng maluto na yon ay nilagay ko na iyon sa plato at babalik na sana sa kwarto.
"Gimme some" ani nito at nagtatype lang sa laptop niya. Nasa sala kasi siya at nakaupo lang sa carpet, nakapatong naman sa maliit na mesa yung laptop niya.
Umupo ako sa tabi niya at pinakita sakanya yun. "Is this spicy?" tumango naman ako.
"Can you give me some chop sticks?" at napamaang naman ako sakanya. "Hindi mo ako yaya, lalaki" tumayo naman ito at kumuha ng chop sticks.
"It's like samyang but it's less spicier" ani nito at tinuloy yung ginagawa. "What are you doing ba?" tumingin ito sakin "I'm advance studying"
"Advance na advance ka na nga eh! Pagpatuloy mo nalang yan sasusunod, magpahinga ka na." umiling naman siya "I like studying at night. It's peaceful and I'm just alone." sagot nito.
Tumango naman ako at umupo sa sofa. Nakakahiya nga umupo eh kasi apaka kaganda pero bahala na HAHAHAHA.
"I like being alone also at night. Hindi nga lang kagaya sayo na nag-aaral." ani ko. "You should try next time" sabi niya na nakatutok parin sa laptop niya. I chuckled "Nabobored ako mag-aral"
"Do you know what is physics now?" tanong nito. Umupo naman agad ako sa tabi niya. "Narinig mo pala yon?!" tumango siya. "So nakita mo rin ang panget na ugali ni sir?" tumawa ako.
"You can do it Kyst, you are just lack of study."
I laugh "That's the problem dahil hindi ko gusto mag-aral" lumingon siya sakin "It's fun actually, just try it without thinking of how boring it is because you will really not enjoy it"
Kinuha ko yung libro namin na nasa gilid niya. "Oh ano bang gagawin dito?"
"Just read and understand the text" sinunod ko naman siya at nagbasa.
"Lalaki, hindi ko talaga alam eh!" Binitawan niya naman yung laptop niya at kinuha yung libro.
"First of all, what is science?" tanong niya. Nag isip naman ako "Uhmm subject natin?" napahawak naman siya sa noo niya.
"Science is the study of the nature and behaviour of natural things and the knowledge that we obtain about them." explain niya. "Ahh now I know!" sarkastikong sabi ko.
"Kyst I'm serious" tumingin siya sakin.
"Ahh so science is a study of nature and behaviour of natural things." tumango naman siya "Okay, I want you to memorize the branches of science and their sub-fields." sabi niya at binalik sakin yung libro.
Kahit andami non ay sinunod ko parin. Humiga naman ako sa sofa at minemorize yung mga sinabi niya.
Few minutes later ay kinalabit ko naman siya, humarap naman siya sakin at inerecite yun. "Physical Sciences. Physics, Mechanics, Electromagnetics, Ther- ano nga yun?"
"Thermodynamics" sagot niya at nagpatuloy naman ako.
"Thermodynamics, Kinetics, Chemistry, Inorganic chemistry, Electrochemistry,
Analytical chemistry, Earth sciences" ngumiti ako dahil hindi ako makapaniwala na namemorize ko yun kahit nakalimutan ko yung isa.
"Good, now the life sciences naman" tumango ako.
"Anatomy, Botany, Biology, Zoology, Neurobiology, Marine Biology, Embryology, Ecology, Paleontology, Genetics, Cell biology, Ethology" mas ngumiti ako dahil na memorize ko yun lahat ah!
"Nice, and the Earth sciences naman"
"Astronomy, Meteorology, Geology, Atmospheric sciences, Glaciology, Climatology, Structural geology" Tumayo naman ako at nagtatalon.
"Wahhh! I did it! I did it! I did it yeah!" kinanta ko yung sa dora.
"See?" si lalaki at binalik yung atensyon niya sa laptop niya. "I can't believe this HAHAHAHA" tumatawang ani ko.
"In the next few days ay dapat alam mo parin yan babae, kailangan mong e recite ulit yan" ani niya at tumango naman ako.
"Matulog na tayo" sabi ko at humikab. "Yea let's go" sagot niya at pinower off yung laptop niya. Same lang din nang daan yung kwarto niya sa akin kaya nagsabay nalang kami.
Ng makarating na ako doon sa guest room ay nagbabay naman ako sakanya. Pagkatapos non ay nagpray muna ako, nag toothbrush at natulog.
to be continued~
