Chapter 5

15 0 0
                                        

KYST'S POV


Tanghalian na ngayun at bago lang ako natapos kumain. Mamayang gabi naman gaganapin yung pageant namin. Preparations lang naman ang gagawin sa umaga at hapon. Bukas naman ay siguro pa games na.

Yung mga students naman na hindi na kasali para mamayang gabi ay ayon nag dedesign ng stage. Hindi na sila nag kuha pa ng designer dahil para may pakinabang din daw yung mga ibang students. Ang problema lang ay kahit yung ballon ay hindi sila marunong kung pano ito isara.

"Guys who knows daw kung pano e sara yung ballon? Need nila ng help don, please help those brats!" sigaw ng kaklase kong babae.

Tumayo naman ako at nakita ko si Finn na naglalakad na papunta doon. Marunong din yata siyang mag sara ng ballon. Pagkarating ko don ay nakita ko si Kristell na nakatongtong pa sa lamesa para mag design.

"Hi Kristell, mag-ingat ka baka mahulog ka ha?" ani ko at ngumiti siya sa akin.

"Oo nga pala Kyst! Madami kasing mga kaklase natin na nag request na kung pwede ba daw na dalawang kanta ang kakantahin mo mamayang gabi?" lumaki naman ang mata ko sa gulat "Ha? pwede ba yon?" tumango tango naman ito "Oo syempre, mamili ka nalang ng dalawang kanta, kahit walang practice alam ko naman kaya mo yon!" nakangiting ani niya at nahihiyang ngumiti nalang din ako.

"Kyst marunong ka neto?" si Harvey habang pinapakita sakin yung ballon. Tumango naman ako at pumunta sakanya.

Isa siya sa mga kaklase ko noon, ngunit ngayun hindi na dahil iba ang kinuha niyang strand. Sikat din dahil sa gwapong mukha nito ngunit puro kalokohan lang ang alam!

"Hindi ka marunong? Ang dali naman nyan ganito lang kasi yun" ipinakita ko naman sakanya kung pano yun.

"Hindi nga ako marunong kaya tinatanong kita" sarkastikong sabi niya at nag smirk. "Ahh talaga?! Isara mo yan mag isa mo!" sabi ko at aktong aalis na doon.

"Hoy hindi ka naman mabiro! Meron ka no?" ngumisi ito at kumindat ulit! "Kung e putok ko kaya to sa mismong mukha mo?! Mukha ka na ngang unggoy, papuputokan ko pa ng ballon. Gusto mo yon?" sarkastikong ani ko.

Napanga-nga naman siya hindi makapaniwala sa sinabi ko sakanya. "Hoy anong sinabi mo?! I'm too handsome para tawaging unggoy!" inirapan ko nman siya
"Heh! whatever harvey!"

"Wow nakakapag english ka na baby Kyst!" ginagaya niya yung boses ni Lia.

"Syempre! ito pa nalaman ko, you're so annoying!" nagulat naman siya at tumawa ng malakas. "Naks ah! Baka nag-aral ka ng english dahil lang sakin?" kumindat pa ulit siya. Binatokan ko naman siya "Asa!" sabi ko at umalis na don. Narinig ko naman na tumawa pa ito.

May babae naman akong nakita na hirap na hirap sa pag sara ng ballon. "Ako na" ani ko at tinulongan siya. Ngumiti naman ito at nagpasalamat.

"Miss Reyes and Mr Blaine, pwede bang kayo nalang bahala sa mga ballons since nakikita ko na marunong kayo." si Sir Martinez. "Okay sir" sagot ko naman at ginawa yun.

"Are you mad at me?" biglang sabi ni Finn ngunit hindi ko yun naiintindihan. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy yung ginagawa ko.

"Bumalik ka nalang sa tent, ako na bahala dito" sabi niya at liningon ko naman siya. "Hindi na baka pagalitan pa ako" sagot ko naman.

Not Until I Met YouWhere stories live. Discover now