Chapter 21

1 0 0
                                    

KYST'S POV

"You are amazing, Kyst Kelsie"

I smiled also "Pano mo nasabi?"

I'm shocked kasi bigla siyang natawa, which is hindi ako sanay don. Bihira lang din kasi niya gawin yon. Ang seryoso kasi HAHAHAHA

Si lalaki ay seryoso din naman kaso ansarap inisin eh! ang sungit kasi!

Tapos si Kenji naman ay parang tropa ko lang din, siya rin ang pinaka makulit sakanilang tatlo. Hobby niya rin ang tumawa ng tumawa.

"You just caught my attention, you are not like those girls na laging nakadikit sa amin para lang magpapansin."

I smiled "And that makes me amazing? I think nababagohan ka lang na may babae na hindi kagaya nila. Siguro they just admire you guys kasi hindi naman talaga matatanggi na ang gwa-gwapo niyo, hindi lang gwapo at matatalino din."

Ngumiti naman siya ng malapad "Hmm yea siguro nababagohan ako kunti pero you're really cool, I'm not kidding. Kahit nga yung iba ay binubully ka na, pinagtatangol mo pa"

Tumawa ako "HAHAHAAH hindi no! ang maldita ko kaya pag naubos pasensya ko"

"Then we're done?" si lalaki at dumiretsong tumayo at kinuha yung libro niya. Umupo naman siya sa sofa at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Si Zek naman ay nasa libro lang ang atensyon. Kakaibang magkakapatid ito.

"Lalaki pwede pakuha ng isang basong tubig?" sinikap kong hindi tumunog nang-iinis.  Kumunot naman ang noo niya "What?"

"Pakikuha nga kako ako ng tubig"

"You just told me to be nice and not to become your maid." He also tried to calm his voice lalo na't may dare ako sakanya.

I make face. Akto naman akong tumayo.

"Tss nevermind" si lalaki at agad na tumayo. Tumawa naman ako habang napa-upo dahil nakakatawa lang tignan.

"Pano mo napapayag yun?!" si Kenji. Ngumiti si Zekaia "Yun din ang tanong ko kuya hahaha"

"Dare ko naman yon ah? dapat lang na pumayag siya" rason ko at hindi na sila sumagot at tumawa nalang. I'm staring at them, wondering kung bakit ganon ang reaksyon nila nang  biglang dumating si Finn. 

"Here" ani nito at inabot yung baso. I took it at tinignan sila Kenji na may halong pagtataka. Finn just glance at them at umupo ulit. I was shocked dahil biglang napa-ubo si Kenji at natahimik. Natatakot ba sila kay lalaki? Bakit naman? hindi naman kasi siya nakakatakot. Masungit lang talaga, maybe kasi hindi ko pa siya nakikita na sobrang galit na galit.

"So Cree, kailan kayo unang nagkakilalang tatlo?" I took the chance to have a new topic. Hindi ko pa sila masyadong kilala and yung mga sekreto ko ay nasasabi ko na sa isang kaibigan nila. Did I do the right thing? Tama ba na sinabi ko sakanya yon?

"We're still kids when we met, I don't know. Maybe six." pinag-isipang sagot niya. I nod at nagtanong ulit, yes, I'm curious at them lalo na't parang magaan na yung loob ko sakanila. 

"Hmm I see, saan naman kayo nagkilala?" he glance at Finn at tumingin sakin. "Somewhere na hindi mo pa napupuntahan." eh? pano niya naman nasabi kung hindi ko pa napupuntahan? stalker ko ata to si Cree.

"Desisyon ka talaga masyado, Cree" kumunot naman ang noo niya. Pano naman kasi niya masasabi yun kung hindi niya naman sinasabi. Diba ang gulo? hayss mga shunga din pala sila minsan.

"Joke lang hahaha! Do you guys know how to fight also?" 

"Syempre naman Kyst, mga lalaki kami eh" Kenji smiled while talking. "Uhh.. hindi kaya lahat marunong noh! and kasi nakita ko nang makipag-away tong si lalaki. It's impossible na natutunan niya lang yon sa kakanood ng tom and jerry diba? maybe nag t-training siya no?" napatingin naman agad si lalaki sakin.

"What the hell? Tom and Jerry?"

Everyone laughs except sa aming dalawa. Ano ba kasi ang nakakatawa don? Maduga rin tong si kenji kasi may dare pa siyang hindi dapat tumawa.

"Yes, lagi kasi silang nag-aaway and siguro natoto ka don ano? Sabi na eh! They keep saying na walang silbi ang mga cartoons pero anlaki naman talaga ng ambag nila sa buhay ng mga tao. Ang hindi ko lang maintindihan ay si Dora. Cute naman siya pero bakit siya nagtatanong na siya naman yung nandon at kitang-kita naman eh! Pinapaulit-ulit niya pa ang tanong niya, ambingi lang diba? wala ba silang cotton buds don?"

Nagkatinginan naman sila "Nagdu-drugs ka ba Kyst?" si Kenji.

"Ha?! mukha ba akong nag du-drugs?" tinaasan ko pa siya ng kilay at natawa lang siya.

"Cute" biglang bulong ni Cree ngunit hindi ko nalang pinansin yon.

.........

Nasa skwelahan na kami ngayon. Dahil nga punong-puno ang skwelahan na'to nang mga bully at mga malditang students. Nagkagulo na at kailangan daw naming pumunta sa gym. The teachers? even the chairman didn't do something to make this stop. Takot na takot kasi sila dahil yung mga students na narito ay sobrang yaman na kahit anong gusto nila ay magagawa nila.

"Why? ano ba kasi ang nangyayari?!" sigaw na tanong ng kaklase kung babae. 

"Someone made a scene. Hawak nila ang chairman at tinutokan pa ng baril. Hindi daw sila hihinto basta hindi sumusunod ang lahat ng students sa gusto nila." si Kristell.

Marami naman ang natakot at natataranta. Tinignan ko naman sina Lia at Kleo "Tara?" tumango naman sila. Nakita ko rin na lumabas sa room si Finn. Pupunta na rin ata siya doon.

We stay calm as possible at hinawakan ko ang mga kamay nila. Tinawag ni Kenji si Lia kaya lumapit nalang din kami sakanila. "Are you guys okay?" si Cree at tumango naman sila Kleo. I'm just observing the place and those people. They have a mask covering their faces pero nakasuot pa rin sila ng uniform namin. Too dumb kasi alam ko kung sino sila kahit hindi ko nakikita ang kanilang mga mukha.

"Nandito na pala ang target. Antagal naman kasi, masyadong takot na takot sakin!" The girl with a mask speaks. Naka mic sila kaya siguradong rinig namin yun lahat.

Hindi na ako nagulat. Alam ko na ako ang sadya ng mga to. I smiled kasi they will do anything just for me. I stay silent, listening to her nonsense.

"The girl na nakapasok lang naman dito sa school dahil sa pera kahit bobo naman talaga. Not just dumb but also ugly asf!" she laugh with her kakampi. Marami sila and sila lang naman ang tumatawa. 'the girl na nakapasok dahil sa pera kahit bobo at pangit naman' yan lang ay kilala na nila kung sino yon.

"She should be thankful dahil mayaman medyo yung pamilya niya. And the most exciting part is ampon lang pala siya!" nagulat ang iba tapos ang iba naman ay natawa.

"Aba gago pala to!" si Thalia at akto pang susugorin niya yung babae ngunit pinigilan ko siya. "Okay lang" I smiled kahit pilit yun para kahit papaano ay kumalma siya.

"Sino yan Kyst?" si Cree at ngumiti lang din ako, may naiisip.

"Someone na hindi mo kilala"

"HAHAHHA putcha pre!" si Kenji na napamura pa.

to be continued~

Not Until I Met YouWhere stories live. Discover now